“Saan Naroon Ang Aking Dangal?”
Ang aklat ni Malakias ang pinakahuli sa 12 maliliit na propeta at pinakahuli sa mga aklat ng Lumang Tipan. Ang propetang ito ay winawakasan ang Lumang Tipan ng maliwanag na babala tungkol sa pagwawalang-bahala at kilos sa pakikipag - kasunduan. Ang kahulugan ng Malakias ay “aking sugo”, at siya ay may maliwanag na mensahe na ibinigay sa mga Israelita. Nakamamangha na ang parirala na “Makapangyarihang Panginoon” o “Panginoon ng mga Hukbo” ay nakatala sa aklat nang higit kaysa ibang mga aklat sa Lumang Tipan. Sa panahong ito sa kasaysayan ng Israel, sila ay nakabalik na mula sa pagkakabihag nguni’t nasa ilalim pa rin ng pamamahala ng mga banyaga at walang tunay na hukbo na pansarili. Ang Dios ay pinaalalahanan sila na hindi nila kailangan ang pagtatanggol ng mga hukbo kung magtitiwala lamang sila sa Kanya. Ang aklat na itoay kakaiba sapagkat ng didactic-dialectic method, o ang paraan ng pagtuturo na may aral, ang pag-uusap na may pagsalungat, kung saan ang paratang ay ginagawa, ang pagtutol ay ipinahahayag, at pagkatapos ang pagpapawalang-saysay ay ibinibigay sa pagtutol. Ito ay mayroong tunog ng pakikipag-usap at paraan ng pagtuturo.
Ang unang kabanata ay nagsimula sa ganitong paratang… Sinabi ng Dios na minahal Niya sila, nguni’t sumagot sila ng pagtutol, “Paano?” Ipinaalala ng Dios na sila ang piniling tao mula sa lahi ni Jacob. Ang Dios ay inilarawan ang ika-2 paratang na nilalapastangan nila ang Dios. Nagtanong sila kung paano nila nilalapastangan ang Dios, at inilarawan ng Dios ang mga maruruming handog na kanilang iniaalay at nagtanong ang Dios kung tatanggapin ba ang mga ito ng kanilang mga pinuno. Hinamak pa nila ang pananambahan at sinabi na ito’y nakakapagod.
Sa ika-2 kabanata, ang Dios ay ibinigay ang paninisi sa pangalawang paratang sa mga pari na hindi ipinagkaloob ang tumpak na kautusan. Ipinahayag din ng Dios ang ika-3 paratang - sila ay nilapastangan ang Tipan sa Panginoon. Nagtanong sila kung paano, at si Malakias ay sinumbatan sila na sila’y nagpakasal sa mga babaeng sumasamba sa mga ibang dios at nagtaksil sa mga asawa na pinakasalan noong kabataan nila. Ang ika-4 na paratang ay sinabi ng Dios na Siya ay sawang- sawa na mga sinasabi ng mga tao, at muli tinanong nila kung paano. Ipinaalala ng Dios sa mga tao ang kanilang sinasabi na ang masama ay mabuti at ang pagtatanong nila na kung nasaan ang katarungan ng Dios
Sa ika-3 kabanata, sinabi ng Dios na Siya ay magpapadala ng mensahero upang ihanda ang Kanyang daraanan at dadalisayin ang mga Israelita. Mula sa ika-6 na talata, inilahad ni Malakias ang ika-5 paratang - ang mga tao ay ninanakawan ang Dios, muli nagtanong ang mga tao kung paano. Ang tugon ay dahil hindi sila nagbibigay ng ikapu at mga handog. Hinamon ng Dios ang mga tao na subukan Siya at makikita nila na ibubuhos ng Dios ang Kanyang pagpapala kung sila ay tapat na magkakaloob sa Dios. Ang ika-6 at huling paratang ay ibinigay sa huling talatang ito kung saan sinabi ng Dios na ang kanilang mga salita ay masasakit sa Kanya. Nagtanong ang mga tao kung ano ang masasakit na salita tungkol sa Dios, at sinabi ng Dios, ang sinabi nila na walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios at kung paano ang mga gumagawa ng masama ay umuunlad.
Ang ika-4 na kabanata ay may tugon sa huling paratang nang sinabi ni Malakias, “ Pero kayong may paggalang sa Akin ay ililigtas Ko tulad ng pagsikat ng araw na ang sınag nito ay nagbibigay ng kabutihan.” Ito ay pangako na tunay na parurusahan ng Dios ang mga masama, at aalalahanin ang mga matuwid anuman ang sabihin ng mga tao. Ipinaalala rin Niya ang tungkol kay Moses at Elijah - ang batas at mga propeta. Ang mga bagay na dapat nilang alalahanin upang maiwasanan ang ganap na kapahamakan.
Sa pagbabasa ng mga katanungn, mga pagtutol, at mga tugon mula sa aklat ni Malakias, nakikita natin ang mga magkakatulad na usapin sa ating pananambahan. Tayo ba ay nag-iisip kung tayo ay tunay na mahal ng Dios? Nakikita ba natin na ang ating pananambahan ay nakakapagod at ipinagkakaloob sa Dios ang tira-tirahan? Sinisira ba natin ang ating pakikipagtipan kung ito ay nakasasagabal na? Nagtatanong ba tayo tungkol sa katarungan ng Dios? Tayo ba ay nagkukulang ng tiwala sa Dios at buong kasakiman na ayaw ibigay ang nararapat sa Dios? Ang salamin na hawak ni Malakias ay nakapanglulumo at ipinapakita sa atin ang pagbabalat-kayo at walang-halaga na mga dahilan. Ang Dios ay ang “Panginoon ng mga Hukbo” at Siya ang ating tagapangalaga at kagalingan - subalit nais din Niya ng paggalang at karangalan na nararapat sa Kanya. Hindi Niya tatanggapin ang mga dahilan at pananambahan na walang -halaga. Idinadalangin ko na tanggapin natin ang mensahe at babala ng propetang ito sa ating mga puso.