Paghahanap sa Diyos ng Kaaliwan
Lauren Sheffer, Atlanta, GA
Natatandaan ko pa nang malinaw ang sinabi ng manggagamot, “Kailangan kayong mag-asawa na maging handa sapagkat ang inyong anak ay maaaring hindi makatawid.” Ang aming magandang anak na lalaki na ilang linggo pa lang naisisilang. Ang una naming anak. Ang anak na taos- pusong ipinalangin matapos mawala ang ilang bata na ngayon ay nasa kamay na ng Panginoong Jesus. Ang aking unang naramdaman ay magalit sa Diyos. Bakit kami? Bakit ang aming minamahal na anak? Hindi ba kami ay naging tapat na manggagawa at taga- sunod?
At naalala ko ang payo na ibinahagi ko sa isang kaibigan sa nakalipas na mga taon.- na kailangang tayo ay malugod sa lahat ng pagsubok sapagkat si Satanas ay pinipili ang pinakamalakas at pinakatapat na taga-sunod ng Panginoon upang ilayo tayo sa Panginoon. Nakasaad sa James 1, “ Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya.”
Marami sa mga lalaki at babae na ating hinahangaan sa kasulatan ay nagbata ng mabibigat na pagsubok at paghihirap. Hindi ba ang Awit 91 ay tinitiyak na tayo ay iingatan ng Diyos sa lahat ng bagay? Bilang mga tao, ay tinitingnan natin ang mga talatang ito na ang mga pangako bilang Kristiyano ay hindi tayo magdaranas ng paghihirap at masakit na pagsubok sapagkat ang Diyos ay tunay na iingatan tayo. Nakakalimutan natin na ang ating layunin ay habang buhay sa kalangitan, sa halip ay ginugugol ang panahon na mamuhay na walang kapintasan dito sa lupa at nawawala ang paningin sa tunay na layunin.
Hindi kailanman na ipinangako ng Diyos ang walang kapintasang buhay. Sinabi ni Jesus sa Juan 16:33, “ Sinasabi Ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa Akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na Ako laban sa kapangyarihan ng mundo.” Kung pinahintulutan Niya na tayo ay mamuhay nang walang kapintasan sa buhay na ito- ano pa ang dahilan upang manabik sa Kalangitan? Kung tinatanong tayo kung ano ang hinahangad natin sa kalangitan, ano kaya iyon? Tiyak ko na iba’t iba ang
tugon, “Makita si Jesus nang harapan,” at ang “ Perlas na Pintuan at ginintuang landas,” nguni’t ang pinakamabuting sagot ay “Wala ng kasalanan at sakit sa kalangitan.”
Ngayon ,paano na ang mga salita ng Awit 91 ay magbibigay ng liwanag? “Tiyak na ililigtas ka Niya sa bitag ng masasama at sa mga nakamamatay na salot. Iingatan ka Niya gaya ng isang ibong iniingatan ang kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Iingatan ka at ipagtatanggol ng Kanyang katapatan.”(3-4). Kamakailan ay nasaksihan ko ang aking minamahal na kaibigan at asawa na ang kanilang limang taong anak na babae ay pumanaw nang hindi inaasahan. Silang dalawa ay mga tapat na tagasunod ni Kristo at mapagmahal na magulang. Ang kanilang espirituwal na halimbawa sa panahon ng napakasakit na kasawian ay nagbigay ng liwanag sa Awit 91. Hindi natin lubos na mauunawaan kung bakit ang ating mga panalangin at pagluhog ay walang katugunan sa paraang nais natin, o malimit ay inaasahan na tutugunin. Sa halip, sa ganitong panahon, ay “hanapin natin ang kanlungan sa lilim ng Kanyang pakpak.” Tayo ay iniingatan ng “kapayapaan na hindi kayang unawain ng tao.” Nakikita natin ang katotohanan ng langit at ang mundo ay pansamantala. Ang ating katawang lupa ay mahina, nguni’t ang ating kaluluwa ay pag-aari ng kalangitan.
Ang Awit 91ay inilalarawan ang pag-iingat at walang panganib na aabot sa atin. Ako ay naniniwala na ito ay patungkol sa ating kaluluwa. Na kung tayo ay nagtitiwala sa Panginoon at pumaroon sa Kanya sa oras ng pagsubok at pang-aapi,Siya ay nangangako na iingatan Niya ang ating mga kaluluwa mula sa panganib at ipagsanggalang habang tayo ay naglalakbay sa buhay na ito. Ang Diyos ba ay tinutugon ang ating panalangin na nababatay sa ating katawang lupa? Oo, ito’y ginagawa Niya. Ito ay aking pinatutunayan sa aking pagmamasid sa ngayon ay apat na taong anak na lalaki na tumatakbo at naglalaro at nakita rin ang marami na gumaling sa kanilang mga karamdaman at paghihirap . Ako ay pinaaalalahanan na ang Diyos ay isinugo ang Kanyang bugtong na Anak, na si Jesus, na mamatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Ang nakasisindak na sakit na mawala ang nag-iisang anak ay napakasakit Nguni’t ito ay dahil sa pagmamahal sa atin. Iniingatan Niya ang ating mga kaluluwa at nais ang ugnayan sa bawat isa sa atin. Nais Niya na tayo ay makasama Niya magpakailanman. Inaalagaan at minamahal Niya tayo tulad ng pagmamahal ng ama sa anak. Nauunawaan Niya ang ating mga paghihirap at dinirinig ang ating mga panalangin.
Siya ay nananabik na pumaroon sa Kanya sa panahon ng kahirapan upang tayo ay aliwin Niya. Sa mga panahong ito na ang ating ugnayan sa Kanya ay nagiging malapit at ang ating pananampalataya ay lumalakas. Ito ay kaligayahan na nagmumula sa mga pagsubok na inilarawan sa James 1. Bagaman, hanggang sa muling pagbabalik ni Jesus, tayo ay patuloy sa espirituwal na digmaan: “ Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid- mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito” ( Efeso 6:12 ). Bilang mga Kristiyano, ang ating hangad ay magapi ang kasamaan, hindi lamang sa mundong ito,kundi maging sa espirituwal na kaharian. Kung tayo ay bumabalik sa Diyos at pahintulutan Siya na kunin ang sakit, bigat, at pag-aalala, tayo ay binibigyan ng pagkakataon na gumawa ng paraan upang magapi ang kaaway: “Kaya hindi namin pinahahalagahan ang mga bagay na nakikita sa mundong ito kundi ang mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, pero ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan” (2Corinto 4:18).
Hahanapin natin ang “kanlungan sa lilim ng Kanyang pakpak” sa maraming ulit sa ating buhay habang mayroong kasalanan, kamatayan at pagkabulok, nguni’t ang ating pag-asa ay nasa Kanya na patuloy na iniingatan ang ating kaluluwa habang tayo ay naglalakbay sa daigdig na ito at nananabik sa kapayapaan at walang hanggang pamamahinga sa Kanya.” Sa ating pagsunod sa Diyos ay para tayong mananakbo. Alam natin na sa isang takbuhan,marami ang sumasali nguni’t isa lang ang nananalo. Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang makamit ninyo ang gantimpala. Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili upang makamit ang gantimpala. Ginagawa niya ito para sa gantimpalang hindi nagtatagal. Nguni’t ang gantimpalang hinahangad natin ay magtatagal magpakailanman” ( 1Corinto 9:24-25 ).
Ituon natin ang ating paningin kay Jesus, na pagkatapos na ang ating katawan ay mahina at pagod na, ay makakamit natin ang gantimpala at marinig ang salita, “ Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin” ( Mateo 25:21 ).