Ang Pumapawi sa mga Sugatang Puso
Bethany Moon, Houston, Texas
Ang luha ko ay tumutulo habang ang awiting “The Next Right Thing” mula sa pelikulang Frozen 2 ay aking naririnig mula sa radyo ng aking sasakyan. Ang kalangitan ay kulimlim na mangasul ngasul na para bang may mala bulak na kendi na bumabalot sa kalawakan. Noon ay Mayo 2020, at ang buong mundo ay pansamantalang tumigil. Ang malungkot na lansangan ay tulad ng aking mabigat na puso, at naramdaman ko na ako’y nag-iisa, natatakot sa alam kong mangyayari sa susunod na linggo. Ang aking Lola ay malapit nang pumanaw. Ako ay papunta sa kanyang bahay upang alagaan siya sa mga huling sandali ng kanyang buhay. Ang kalungkutan ay nakapapanghina at tinanong ko ang aking sarili kung paano ko malalagpasan ang sakit at pangungulila. Ang bawat sandali ay napakabigat na dalhin, ang bawat paghinga ay mahirap, nababalot ng kalungkutan at sakit.
Habang ako’y nagmamaneho, ang kahulugan ng awitin ay naging malinaw. Ang dalawang taon na anak kong babae ay nahumaling kay Elsa na naghatid sa amin na pakinggan ang Frozen 2 nang paulit-ulit. Nang aking buksan ang telepono, ang awitin ay kusang nagsimula at ako’y lubhang abala upang palitan iyon. Sa gitna ng aking kawalang pag asa, ang awiting “The Next Right Thing” ay naka pukaw sa akin. Ang mga titik ay nakuha ang lalim ng aking damdamin sa pag awit ni Anna, “I’ve seen dark before but not like this / This is cold, this is empty, this is numb / The life I knew is over, the lights are out / Hello, darkness, I’m ready to succumb.” Ako’y nabalutan ng kalungkutan ng awitin, ako ay humagulhol, nararamdaman ang kawalang pag-asa at pag-iisa. Nararamdaman ko na ako’y nakapaloob sa dilim ng takot at pangungulila hanggang ako’y sumigaw ng “Tama na.” Nakalimutan ko ako’y hindi ganoon. Mayroon akong isang makapangyarihang bagay: pag-asa. Mayroon akong Makapangyarihang Diyos sa aking tabi, ang ISA na nangangako ng kaaliwan, pag-iingat at lakas sa Kanyang Salita. Ang Awit 91 ay nagbibigay ng kaaliwan at inspirasyon sa lahat ng sumasa ilalim ng kalungkutan. Ang malalim na awiting ito ay nagkakaloob ng kaaliwan at kapanatagan sa panahon ng kaguluhan, lalo na sa harap ng bigat ng dibdib at kalungkutan. Sa pamamagitan ng malinaw na larawan at mga pangako, ang Awit 91 ay nagbibigay ng kanlungan sa namimighating kaluluwa, nagpapaalala sa atin ng walang hanggang pag-iingat at presensya ng Diyos.
Ang mang-aawit ay sinimulan, “Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Diyos na Makapangyarihan ay kakalingain Niya” (Awit 91:1). Sa gitna ng kawalang pag-asa, ang talatang ito ay nagbibigay ng sigla sa atin na hanapin ang kaaliwan at kanlungan sa mapagmahal na yakap ng Diyos. Ito ay nagbibigay ng katiyakan na kung tayo ay nasa presensya ng Diyos, tayo ay nasa Kanyang lilim, binabantayan mula sa daluyong ng lungkot na nagbabanta sa atin. Binigyan diin ng mang-aawit ang matatag na pag-iingat ng Diyos, “ Masasabi niya sa Panginoon, ‘ Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Diyos na pinag titiwalaan” (Awit 91:2). Sa ilalim ng kalungkutan, kung ang lahat ay tila ba walang katiyakan at marupok, ang talatang ito ay tagapag-alala na ipag kaloob ang tiwala sa hindi nagbabagong lakas ng Diyos. Siya ang ating kanlungan, isang ligtas na pook kung saan matatagpuan ang kapahingahan at lakas.
Sa kabuuan ng awit, ang mang-aawit ay inilalarawan ang malinaw na hindi matitinag na pag-iingat at pangangalaga ng Diyos. Isinulat niya, “Iingatan ka Niya gaya ng isang ibong iniingatan ang kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Iingatan ka at ipagtatanggol ng Kanyang katapatan”
( Awit 91:4 ). Tulad ng isang inahing manok na tinitipon ang kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang pakpak upang pangalagaan sa panganib, ang Diyos ay nagkakaloob ng Kanyang mapagmahal na pangangalaga sa lahat ng dumudulog sa Kanya sa oras ng kalungkutan. Ang Kanyang katotohanan ay nagiging pananggalang, iniingatan tayo mula sa mga palaso ng kawalang pag-asa, at nagkakaloob ng kaaliwan at kagalingan. Sa panahon ng kalungkutan, ang takot ay hinahawakan ang ating mga puso. Subalit, ang Awit 91 ay nagbibigay ng katiyakan na hindi tayo dapat madala ng takot. Tinuran ng mang-aawit, “Hindi ka dapat matakot sa mga bagay na nakakatakot, o sa palaso ng mga kaaway, o sa sakit at mga salot na sumasapit sa gabi man o sa araw” (Awit 91:5). Sa pamamagitan ng mga salitang ito, makikita natin ang tapang at lakas na harapin ang pinaka madilim na sandali ng paghihirap. Tayo ay pinaaalalahanan na ang nananatiling presensya ng Diyos ay inaalis ang takot , napapalitan ng kapayapaan at kapanatagan.
Ang Awit 91 ay nagpapatuloy na ipahayag ang mga pangako ng Diyos sa pagkakaloob ng mga pangangailangan, ang mga makalangit na anghel ay binabantayan tayo at ang Kanyang tapat na presensya sa panahon ng kaguluhan. Ang bawat talata ay nangungusap sa malalim na pananabik ng nagdadalamhating kaluluwa para sa kaaliwan at pag-asa. Pinaaalalahanan tayo na kahit na sa gitna ng kalungkutan, hindi tayo nag-iisa. Ang Diyos ay sumasaatin, pinapatnubayan tayo sa landas ng kapighatian, at nagkakaloob ng kaaliwan sa Kanyang presensya. Sa mga panahong iyon, ilang mga talata sa Biblia ay nagkakaloob ng tulong at pag-asa sa lahat ng dumaranas ng kaguluhan sa buhay.
* Mateo 5:4: “ Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Diyos.” Ang talatang ito ay mula sa Sermon sa Bundok at nag papaalala sa atin na ang Diyos ay nagkakaloob ng kaaliwan sa Kanyang mga anak na nagdadalamhati sa mga paghihirap at pasakit na bunga ng kasalanan, subalit Siya ang nagbibigay ng kaaliwan at kagalingan sa mga namimighating puso.
* 2 Corinto 1:3-4: “ Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu- Cristo. Siya’y maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinalalakas Niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay palakasin din natin ang loob ng ibang naghihirap.” Ang mga talatang ito ay nagbibigay ng liwanag na ang Diyos ay hindi lamang nagbibigay ng kaaliwan sa ating kapighatian, kundi pinagkakalooban tayo na magbigay ng kaaliwan sa mga dumaranas ng magkatulad na pagsubok.
* Awit 34:18: “ Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan Niya ang mga nawawalan ng pag-asa.” Ang talatang ito ay nagbibigay ng katiyakan na sa ating pagkadurog, ang Diyos ang lumalapit sa atin, nagkakaloob ng kaaliwan at pagsagip sa ating nasasaktang puso.
* Isaiah 41:10: “ Huwag kang mangamba dahil Ako ang Diyos mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng Aking kapangyarihan na siya ring makakapagligtas sa iyo.” Ang mga salitang ito na inihayag sa pamamagitan ni Propeta Isaiah ay nagpapa alala sa atin na kahit na sa ilalim ng kapighatian, ang Diyos ay suma- sa atin, nagkakaloob ng lakas at tulong.
Sa mga araw bago pumanaw ang aking Lola, maraming tao ang dumalaw upang magbigay ng huling paalam. Ang tahanan nila ng aking Lolo ay laging bukas para sa mga kaibigan. Ang mga tao at mabuting pakikisama ay bahagi ng kanilang paglilingkod. Kahit na kaming lahat ay nagdadalamhati, ay naroon ang kaligayahan na ipagdiwang ang kanyang pamana. Napagpasyahan namin na gawin ang paggunita o memorial service sa anibersaryo ng kanyang pagpanaw sa panahon na maayos na ang lahat. Habang ipinagdiriwang namin ang kanyang buhay, kami ay nagagalak sa kaaliwan at kagalingan ng kanyang naiwan. Kami ay naka- raramdam ng ginhawa sa kaalaman na kami ay makakakuha ng kanlungan sa presensya ng Diyos, magtiwala sa Kanyang mga pangako, at humilig sa Kanya para sa lakas at kagalingan. Nawa’y matagpuan natin ang katiyakan sa hindi natitinag na pag-iingat, kanlungan at pag-ibig ng Diyos. Sa ilalim ng pagdadalamhati, nawa’y ang mga talatang ito ay maging pamawi ng kirot sa ating nasasaktang puso, nagpapaalala na ang Diyos ay kasama natin sa paglalakad, nagbibigay ng kaaliwan, lakas at inspirasyon sa ating pag tahak sa landas ng pagpapagaling.