Sa Lilim ng Kanyang Pakpak, Matatagpuan Mo ang Kanlungan

Tulad ng ibang kilala ko, ang mga nakaraang taon ay naging pinakamahirap sa aking buhay. Ang negosyo ko na pinaghirapan ng walong taon ay bumagsak. Ang pinapangarap ko para sa aking sarili ay nawala sa paligid ko. Kailangan kong alagaan ang aking mga magulang sa panahon ng kanilang karamdaman. Ang totoo, ang lahat ng bahagi ng aking buhay na pinagtrabahuhan ko sa nakalipas na isang dekada ay nagulo. Tulad ng isang kaibigan na nagbiro, “ kailangan mo na lumayo mula sa aklat ni Job at pumunta sa isang masayang aklat ng Biblia.”

O Diyos ( Awit 73:26 ).

Habang ang aking buhay ay inalis sa pamakuan, ang aking espirituwal at pag-iisip ay maayos- at ito’y nakalilito sa mundo. Nguni’t ito ay 100% sapagkat salamat sa Diyos at sa Kanyang kanlungan na nakita sa Kanya. Gugulin natin ang ilang sandali at tunghayan ang Awit 91: 1-2:

Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Diyos na Makapangyarihan ay kakalingain Niya. Masasabi niya sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Diyos na pinagtitiwalaan.”

Ang wika na nakita natin sa Awit 91 ay hindi kulang sa kahulugan nguni’t saligan ng ating buhay. Ang kanlungan at tanggulan ay doon tayo maninirahan at mananatili. Sa tirahan at lilim ng Makapangyarihan at Mataas na Diyos. Ang Lumikha ng daigdig. Siya ang aking kanlungan. Sa Kanyang tahanan tayo nahihimlay.

Masasabi niya sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nag tatanggol. Kayo ang aking Diyos na pinagtitiwalaan” (v.2).

Tulad ng manunulat,kailangan nating piliin na magtiwala sa Diyos at hayaan Siya na ating maging kanlungan at tanggulan.

Tiyak na ililigtas ka Niya sa bitag ng masasama at sa nakamamatay na salot. Iingatan ka Niya gaya ng isang ibong iniingatan ang

kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Iingatan ka at ipagtatanggol ng Kanyang katapatan. Hindi ka dapat matakot sa mag bagay na nakakatakot o sa palaso ng mga kaaway, o sa sakit at mga salot na sumasapit sa gabi man o sa araw (vs.3-6).

Ito ba ay nangangahulugan na hindi tayo makakaranas ng paghihirap at mga kasawian sa ating buhay? Hindi ito totoo. Nguni’t ito’y nanganga- hulugan kung saan tayo makatatagpo ng kanlungan at tirahan kung dumating man ito. At samakatuwid ay hindi tayo matatakot sa mga ito. Ang Diyos ay iniingatan ang Kanyang mga tao nang may pagka-awa at pagmamahal- tulad ng inahing manok na iniipon ang kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang pakpak (Mateo 23:37). Tulad ng inahing manok, hindi lang Niya tayo iniingatan, kundi tinatawag tayo ilalim ng Kanyang pag- iingat kung nakikita Niya tayo sa kapahamakan. Hindi lang iniingatan kundi kinakalinga at binibigyan ng init.

Kahit libu-libo pa ang mamatay sa paligid mo, walang mangyayari sa iyo. Makikita mo kung paano pinaparusahan ang mga taong masama. Dahil ginawa mong kanlungan ang Panginoon, ang Kataas -taasang Diyos na aking tagapagtanggol, walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. Dahil uutusan ng Diyos ang Kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato ( vs. 7-12 ).

Ang mga talatang ito ay nagbabalik sa alaala sa isa sa mga paborito kong kuwento sa Biblia mula sa 2 Hari. Ang hari ng Aram ay galit sapagkat ang hari ng Israel ay alam ang susunod niyang hakbang. At siya ay nag-utos kung paano ito. Ang isa sa kanyang mga pinuno ay nagsabi sa hari na ang dahilan ay si Elisha, ang propeta. Ang hari ay ipinahanap si Elisha at nagpadala ng mga kabayo at karwahe at isang malakas na bilang ng mga kawal doon. Sinabi na sila’y pumunta ng gabi at pinalibutan ang buong lunsod. Ang mga alipin ni Elisha ay nagising at nakita na sila’y napaliligiran sa lahat ng sulok.

Sumagot si Elisha, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kasama kaysa sa kanila.” Nanalangin si Elisha, “Panginoon, buksan po Ninyo ang mga mata ng katulong ko para makakita siya.” Binuksan ng Panginoon ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa

paligid ni Elisha (2 Hari 6:16-17).

Sa dahilan na hindi natin laging nakikita ang pag-iingat ng Diyos, Siya at ang Kanyang mga anghel ay naroon upang ingatan tayo ng buong lakas na hindi natin kayang isipin. Kailangan nating panghawakan ito. Ako ay naniniwala na ito ang kapayapaan ng Diyos na lumalagpas sa lahat ng pang-unawa na nag-iingat sa ating mga puso at isipan kay Cristo Jesus (Filipos 4: 7).

Hindi tayo kailanman na pinangakuan ng buhay sa lupa na walang kasawian at paghihirap. Ang totoo, hindi ko alam na may isang pangalan na ating nabasa sa Biblia, na hindi dumaan sa isang bagay sa kanilang buhay. Ang alam ko ay ang kanlungan na nakita sa Diyos ay isa sa mga pinakamahalagang biyaya sa ating buhay.

Iiwan ko sa inyo ang ilang talata sa paksang ito na inyong panghawakan kung dumating sa buhay ang isang mahirap na pangyayari.

Ang Diyos ang ating kanlungan at kalakasan. Siya’y laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. Kaya huwag tayong matatakot kung lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak sa karagatan. Humampas man at umugong ang mga alon na naglalakihan, at mayanig ang kabundukan. May ilog na nagbibigay ng kagalakan sa bayan ng Diyos, sa banal na tahanan ng Kataas- taasang Diyos. Ang Diyos ay nakatira sa lungsod na ito kaya hindi ito magigiba. Ito’y Kanyang ipagtatanggol sa kinaumagahan. Nagkakagulo ang mga bansa; bumabagsak ang mga kaharian. Sa sigaw ng Diyos, ang mga tao sa mundo ay parang matutunaw sa takot. Kasama natin ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan. Ang Diyos ni Jacob ang ating kanlungan. Halika, tingnan mo ang mga kahanga- hangang bagay na ginagawa ng Panginoon sa mundo. Kanyang pinatitigil ang mga digmaan sa lahat ng sulok ng mundo. Binabali Niya ang nga sibat, pinuputol ang mga pana, at sinusunog ang mga kalasag. Sinasabi Niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na Ako ang Diyos. Ako’y pararangalan sa mga bansa. Ako’y papupurihan sa buong mundo.” Kasama natin ang Panginoong Makapangyarihan. Ang Diyos ni Jacob ang ating kanlungan. ( Awit 46 ).

Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan. Kapag sinasalakay ako ng masasamang tao o ng aking mga

kaaway upang patayin, sila ay nabubuwal at natatalo! Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal, hindi ako matatakot. Kahit salakayin nila ako, magtitiwala ako sa Diyos. Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging nina nais ko; na ako’y manirahan sa Kanyang templo habang ako’y nabubuhay,upang mamasdan ang Kanyang kadakilaan, at hilingin sa Kanya ang Kanyang patnubay. (Awit 27:1-4).

Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib (Kawikaan 18:10).

Panginoon, Kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin. Karapat-dapat Kayong purihin, Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa Inyo, inililigtas Ninyo ako sa mga kalaban ko. Ang kamataya’y parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking dadaanan na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin. Kinakabahan ako ! Humingi ako ng tulong sa Inyo, Panginoon kong Diyos, pinakinggan Ninyo ang panalangin Ko sa Inyong templo. ( Awit 18:2-6 )


Previous
Previous

Ang Pumapawi sa mga Sugatang Puso

Next
Next

Ang Larawan ng Pagkatao ng Diyos sa Paghuhukom