Ang Larawan ng Pagkatao ng Diyos sa Paghuhukom

By : Lori Asher, Wichita, KS

Sa mga taon ng pagbabasa ko ng Banal ng Aklat, isang nakawiwiling paksa ang naka-akit sa akin at naging isa sa mga itinatangi kong pag- isipan. Sa ika 2 Cronica 12, si Haring Rehoboam ay sinakop ni Haring Shishak ng Ehipto. Ang propetang si Shemaiah ay ipinadala kay Rehoboam at sa mga pinuno ng Judah upang ipanalangin sa kanila na ito ay paghuhukom na mula sa Diyos. Sa talata 5, sinabi ni Shemaiah sa kanila, “ Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Itinakwil n’yo Ako, kaya ngayon, pababayaan Ko kayo kay Shishak.”

Sa kabutihang palad, ang hari at mga pinuno ay nagpakumbaba at nanumbalik sa Panginoon. Nang makita ito ng Panginoon, ang Panginoon ay nahabag at hindi na itinuloy na sila’y ipasakop sa mga taga Ehipto. Sa ika 2 Cronica 12:7-8, ipinadala ng Panginoon ang mensahe sa pamamagitan ni Shemaiah, “Dahil nagpakumbaba sila, hindi Ko sila lilipulin at hindi magtatagal ay palalayain Ko sila. Pero ipapasakop ko sila sa kanya para matutunan nila na mas mabuting maglingkod sa Akin kaysa sa paglingkuran ang mga makalupang hari.”

Samantalang ang unang layunin ng Panginoon sa paghuhukom ay ipasakop ang bayan na tumalikod sa Kanya, ang layunin ng pagkakaloob ng “kaunting paglaya” ay upang tulungan sila na makita ang katotohanan na ang paglilingkod sa Panginoon ay mas mainam kaysa paglingkuran ang ibang bansa. Madalas, tayo ay naniniwala na ang paghuhukom ng Panginoon ay marahas sapagkat ito ay tinitingnan natin na tayo ay sinusupil ng ibang tao para sa pansariling hangarin o layunin. Ako’y naniniwala na pangkaraniwan ay ipinagkakamali natin na ang paghuhukom ng Diyos sa Kanyang nilalang ay tulad ng mga sina- unang mga diyos ng Griego sa sang katauhan na parang mga libangan at ang pinakamasama ay nakayayamot. Ang mga sina unang diyos ng mga Griego tulad nina Zeus at Athena ay kilala bilang mga mahilig sa kapritso, mapanibughuin, at hindi maunawaan na pakikisama sa ibang tao.

Ang Panginoon sa kabilang banda, ay sinabi kay Moses sa Exodus 34:6-7, “Ako ang Panginoon, ang mahabagin at matulunging Diyos.

Mapagmahal at matapat Ako, at hindi madaling magalit. Ipinapakita Ko ang pagmamahal Ko sa maraming tao,at pinatatawad Ko ang mga kasamaan, pagsuway at mga kasalanan. Pero pinarurusahan Ko ang mga nagkakasala, maging ang kanilang salinlahi hanggang sa ikatlo at ika apat na henerasyon.” Sinabi ng Panginoon na Siya’y hindi madaling magalit, nguni’t hindi katulad na Siya’y hindi nagagalit.

Ang Panginoon na lumikha sa atin ang higit na nakakakilala sa atin, ang layunin kung paano tayo hinubog. Alam Niya na kung tayo ay mamumuhay ayon sa Kanyang alituntunin, tayo ay lalago at magmamahal at mararanasan ang malalim na tuwa at kapayapaan. Alam din Niya kung ano ang mangyayari kung tayo ay mawawalay sa Kanya at sa Kanyang mga landas.

Malimit, ang paghuhukon, sa halip na pagpapatupad ng parusa, ay ang tunay na paglaya ng tao na gawin ang nais niya sa halip na ang paraan ng Diyos. Ang totoo, ang isa sa madilim na aklat ng Biblia, ang Mga Hukom, ay kilala sa kanyang sinasabi na, “Nang panahong iyon, walang hari sa Israel, Kaya ang bawat isa ay gumagawa ng kahit anong gusto nilang gawin.” At kung hindi mo pa alam kung ano ang nangyari sa mga tao noong panahong iyon, ay hinahamon kita na basahin ang aklat ng Mga Hukom upang iyong malaman. Ang mga tao, kung gagawin nila ang kanilang kuro kuro na magkakaroon sa kanila ng “mabuting buhay”, ito ay magkakaroon palagi ng kaguluhan.

Isinulat din ni Pablo ang paghuhukom sa aklat ng Roma. Sa Roma 1:18, binanggit ni Pablo, “Ipinahahayag ng Diyos mula sa langit ang Kanyang poot sa lahat ng kasamaan at kalapastanganang ginagawa ng mga tao, na siyang pumipigil sa kanila para malaman ang katotohanan tungkol sa Diyos.” Ipinagpatuloy niya sa talata 21, “ At kahit alam nilang may Diyos, hindi nila Siya pinarangalan o pinasalamatan man lang. Sa halip, ibinaling nila ang kanilang pag-iisip sa mga bagay na walang kabuluhan, kaya napuno ng kadiliman ang mga hangal nilang pag-iisip.” Sa mga talata 26,27,28, “Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan na lang sila ng Diyos na gawin ang kanilang malalaswang pagnanasa. Ipinagpalit ng mga babae ang likas na pakikipag relasyon nila sa lalaki sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa kapwa babae. Ganoon din ang mga lalaki. Tinalikuran din nila ang likas na pakikipagrelasyon sa babae, sa halip ay pinagnasaan ang kapwa lalaki. Kahiya hiya ang ginagawa nila sa isat isa. Dahil dito, pinarusahan sila ng Diyos nang nararapat ss kanila. At dahil sa

ayaw talaga nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan Niya sila sa kaisipang hindi makapili ng tama.” At ang bunga, sila ay “puno ng pagka mainggitin, mamamatay tao, mapang gulo, pandaraya at masasamang hangarin.” Ang lipunan na inilalarawan ng ganitong kasamaan ay tunay na hindi malusog at maunlad na lipunan. Ang lahat ng ito ay bunga ng hindi pagkilala sa karunungan ng Diyos sa ating buhay.

Ang aklat ng Kawikaan ay ganap na iniaalay sa hanay ng karunungan ng Diyos at tao. Ito ay hinuhulaan ang hindi maiwasang bunga ng piniling landas. Sa Kawikaan 1:29-31, “Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa Panginoon. Tinanggihan ninyo ang mga payo Ko at minasama ang Aking pagsaway sa inyo. Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at pinaplanong masama.” Ang iba pang bahagi ng aklat ng Kawikaan ay patuloy sa mga talata na nagbibigay ng mga payo kung paano babalangkasin ang ating buhay ayon sa utos ng Panginoon at iwasan ang landas ng kahibangan.

Tunay, sa aking buhay, ako ay nakagawa ng mga mahirap na pagpili o hilig at lumakad sa mga nakapipinsalang landas. Sa napakalaking biyaya ng Panginoon, hindi Niya ako pinabayaan na masira ng mga maling pagpili, sa halip ay binigyan ako ng “maliit na paglaya” upang makilala ko ang isang mabuting landas. Sa Mateo 11:28-29, tinawag ni Cristo ang lahat ng nahihirapan at nabibigatan at nangako ng pamamahinga: “Dahil madaling sundin ang Aking mga utos, at magaan ang Aking ipinagagawa.” Ito ay hindi pangako ng buhay na walang suliranin, nguni’t ito ay isang buhay na malaya sa kalupitan at pagkakulong sa kasalanan.


Previous
Previous

Sa Lilim ng Kanyang Pakpak, Matatagpuan Mo ang Kanlungan

Next
Next

Ang Paghuhukom ng Diyos