Ang Paghuhukom ng Diyos

Judgment of God By : Sonja H. Windburn

Acworth, GA

Ang kalagayan ng daigdig noong panahon ni Noah ay salungat sa balak ng Diyos sa Halamanan ng Eden, kaya nagpasya ang Diyos na wasakin ang daigdig at magsimulang muli sa 8 katao. Sa pagbibigay Niya ng utos na gumawa ng arko, iniingatan Niya ang 4 na pareha gamit ang kanilang masunuring pananalig at sila’y iningatan sa mapinsalang bagyo na sinimulan ng Diyos. Ang magkatulad na tubig na nagwawakas sa masasama ay ginamit din upang iligtas ang mga tapat. Pagkatapos, ang Diyos ay nangako na hindi na Niya wawasakin ang mundo gamit ang tubig at nagbigay ng tanda upang patunayan ito. Ngayon ay alam na natin, na pag umuulan, ito ay titigil din !

Nakamamangha na ang salitang “paghuhukom” ay hindi ginamit sa alinmang paksa na tinatalakay ang baha. Sa halip, ito ay payak na inilalarawan na pagkawasak. Ang salitang “paghuhukom” ay hindi ginamit sa Biblia hanggang Genesis 15:12-14, nang ang Diyos ay itinatag ang kasunduan kay Abraham.

Ang pagpapakilala at pagpapaliwanag ng tipan ay tumutulong upang ibigay ang kaisipan ng Diyos bilang isang hukom sa wastong pansin sa mga susunod na paksa sa Biblia. Ginamit ng Diyos ang salita kay Abraham na darating ang panahon na hahatulan Niya ang bansang Ehipto. Sa Exodus 5:6-7, ginamit na muli ng Diyos ang salita upang ilarawan ang mga salot na bababa sa lupa. Sinabi pa Niya na sa pamamagitan ng mga ito, ay malalaman ng mga tao na ang Diyos ang mag-aalis sa kanila sa Ehipto.

Ang sumunod, ang Diyos ay tinukoy ang kaisipan ng paghuhukom nang Kanyang banggitin ang “katuwiran” at “katarungan” nang magkasabay, bagaman, may pagkakaiba sa Genesis 18:19. Inilarawan Niya kung paano si Abraham ay nag-utos sa kanyang sambahayan na gawin ang katuwiran at katarungan upang ipagkaloob ng Panginoon ang Kanyang mga pangako. Ang paksa ay nangangahulugan na si Abraham ay gagawin ang sinabi ng Diyos at susundin ang paraan ng Diyos, sa halip na kanyang paraan, upang ingatan ang kasunduan sa Diyos. Tunay nga, ipinakita ni

Abraham ang pagkatao niya nang siya’y namagitan para sa mga matuwid na tao sa Sodom. Sa Genesis18:25, sinabi niya, “Kayo po na humahatol sa buong mundo, hindi po ba’t dapat gawin Ninyo kung ano ang tama?”

Si Abraham ay maraming salinlahi, na naging tao ng Diyos. Ang Diyos ay nagbigay ng mga katungkulan sa bansa sa pamamagitan ng mga batas at alituntunin na nakasalalay ang mga pagpapala at sumpa (Leviticus 26). Ipinangako Niya na pagpapalain ang mga anak ng Israel kung susunod sila at parurusahan kung hindi sila susunod. Nangako rin ang Diyos na isusumpa Niya ang mga kaaway ng Kanyang mga tao. Ang mga kaaway ay ang mga pumipigil sa kasunduan ng Diyos at mamamayan.

Ang susunod na palagay upang maunawaan ang paghuhukom ng Diyos ay mula sa mga kaharian, mga hari, at kanilang kapangyarihan. Lahat ng hari noong unang panahon ay ipinapahayag ang mga hatol at nauunawaan ng kanilang mga nasasakupan na sila’y may kapangyarihan na gumawa ng batas at humatol sa lahat ng bagay. Pangkaraniwan, ang mga hari ay nauupo sa pintuan ng kanilang siyudad at pinakikinggan ang mga pantaong usapin na ipinapahayag ng mga tao upang ma bigyan ng tamang hatol. Isang halimbawa ay matatagpuan sa 2 Samuel 8:15 kay Haring David. Karagdagan, ang bawat hari ay may pinakamataas na kapangyarihan na hatulan ang mamamayan sa kanyang kaharian. Sa 2 Chronicles 9:8, inilarawan ang kapangyarihang ito sa katauhan ni Solomon. Ang Reyna ng Sheba ay pinapurihan ang Panginoon sa paglalagay ng isang hari sa mga mamamayan na magsasagawa ng “katarungan” at “katuwiran.” Sa pamamagitan nito, ay ginawa niya ang ugnayan sa mga pangako ng Diyos kay Abraham at kinilala na ang Diyos ang naglagay kay Solomon sa trono.

Nguni’t ang kapangyarihan ay ibinigay sa Lahat ng hari, hindi lamang sa mga hari ng Israel. Nang sakupin ng Babilonia ang Judah, ang hari ay pinatay ang mga anak ni Zedekiah at siya’y binulag pa. Bagaman, kahit na ang hari ng Babilonia ay nagbibigay ng utos, ang Diyos ay pinahintulutan na mangyari ito bilang kaparusahan sa Judah sa pagsira sa kasunduan. Nguni’t ang kaparusahan ay hindi ibinigay nang walang babala o panahon upang magsisi. Ang Diyos ay nagpadala ng maraming propeta upang maki usap na sila’y magsisi. Makalipas lamang ang maraming taon na pinahintulutan Niya ang kaparusahan na mangyari.

Ang Diyos ay nagbabala, ang Diyos ay nakikiusap, ang Diyos ay pinarurusahan ang tao sa wastong paraan. Hindi lamang Niya hinahatulan ang Israel, nguni’t ipinapaliwanag Niya ang dahilan ng Kanyang paghuhukom sa lahat ng bayan. Ang lahat ng kaalaman ay ipinagkakaloob para maunawaan natin at malaman kung paano magsisi sa ating panahon.

Ang sanligan ay tutulong sa atin na maunawaan ang Bagong Tipan sa pag uusap tungkol sa “paghuhukom ng Diyos” na ginamit ni Pablo sa sulat sa Roma patungkol sa huling paghuhukom. Binigyan diin ni Pablo sa sulat sa Roma na ang Judio at Griego ay may pananagutan bilang makasalanan at ang parusa ng Diyos ay matuwid at ibibigay ng Diyos ang kung ano ang nararapat sa ating mga “ginawa” (Romans 2:5-10). Nais ni Pablo sa lahat ng nagbabasa na makita na kung iwawaglit natin ang Diyos sa ating pag- iisip, ang bunga ay masama. Walang pagpipilian ang Diyos, kundi ang payagan tayo na makamit ang bunga ng maling pagpili. Nais din Niya na maunawaan natin na walang dahilan, walang kaligtasan at walang pagsulong kung walang pagsisisi ng kasalanan.

Kung ating pahahalagahan ang Biblia, bilang makapangyarihang salita ng Diyos, kailangan nating tanggapin na Siya ang huling hahatol. Marami sa mga bansang kanluranin, ang binibigyan ng ibang kahulugan ang katotohanan sa paraan ng tao, at maaaring ituring na ang mga talatang ito ay makaluma at marahil ay “napopoot.” Maaaring kasama rito ang nagsasabi na sila’y Kristiano o may paniniwala kay Jesus. Si Satanas ay ginagamit ang mundo na ibahin ang kahulugan ng paghuhukom.

Natutunan natin sa kasaysayan na ito ang panahon na ang Diyos ay kumikilos kung saan sinasabi ang “paghuhukom sa panahon,” tulad ng Egyptian, Babylonian at Roman. Ang paghuhukom na ito ay hindi dapat na ipagkamali sa huling paghuhukom na mangyayari pagkatapos ng pagkabuhay sa huling araw. Ang magkatulad na paghuhukom ay nakasalalay sa 2 Tesalonika1:5-12. Ang Diyos ay gagantihan ang mga nagpahirap sa mga Kristiano, nguni’t sila’y pinaaalalahanan na magtiis sapagkat ang huling paghuhukom ay darating sila’y magkakamit ng gantimpala.

Ang paghuhukom sa panahon ay maaaring malaki o maliit sa mga bansa upang ang layunin ay tulungan ang mga tao. Ang matitigas ang puso ay kailangang maabot, malimit ay may malaking kapahamakan, upang mabuksan ang mga mata at tainga upang maunawaan ang katotohanan

ng Mabuting Balita. Ako’y naniniwala na ito ang layunin ng mga awit ng sumpa. Ang mga lumalapit sa Diyos ay natutunan ang Kanyang kalooban, at ang lumalayo sa Diyos ay nakikita ang kapahamakan na darating sa kanila. Ang mga bunga ng pagsuway ay ang huling pagsisikap ng Diyos na ibalik ang mga tao sa Kanya. Ang isang tao ay masasagip pa sa apoy kung may natitira pang katotohanan ng Mabuting Balita sa kanilang kaluluwa. Ang kaisipang maka- Diyos ay hindi ito tinitingnan na huling pag sisikap na hamak o malapit, nguni’t isang mapagmahal na pagsubok upang pasukin ang kanilang puso.

Sa panahon ngayon, ang mabuti ay tinatawag na masama, at ang masama ay tinatawag na mabuti. Kung nangyayari ito sa lipunan, ay aasahan mo na may pagwawasto. Karamihan ay nais na itaas ang kanilang sarili at gawin ang sarili na isang “diyos” at magkagayon ay nagmamalabis, itinatatwa o nilalabag ang katotohanan ng Diyos sa pag-aasawa, sa pamilya, sa iglesya, kasarian at iba pa. Walang makapagsasabi kung kailan ang Diyos ay gumagawa, kung sino at ano ang kasama ng Diyos sa paggawa, nguni’t nababasa natin ang panahon at makatutugon tayo na may pagsisisi.

Ang mga propeta ay sinasabi ang mga kapalaluan ng mga tao noong unang panahon. Nababasa natin ang parusa ng Diyos sa mga bansang walang paniniwala sa Kanya, hindi lamang sa Israel at Judah, kundi tulad din sa Assyria,Babylon,Egypt,Edom at Pilistia. Ang mga taong ito ay hindi naniwala sa Diyos na Siya ay gumagawa kasama nila noong panahong iyon, nguni’t Siya ang may kontrol noon, at Siya rin ang may kontrol sa mga bansa ngayon,maniwala man sila o hindi.

Mayroon pa ring batas at mga pangako na iniingatan. Ang Diyos ay patuloy pa ring gumagawa sa buhay ng mga tao. Hindi Siya tụmitigil sa paggawa sa bawat tao o maging sa kanilang bansa. Siya ay gumagawa simula pa noong unang panahon ! Sa 2 Pedro 2:4-11, sinabi ni Pedro na ang Diyos ay hindi kinaawaan ang nga anghel nang magkasala sila, at isinaad ang kaligtasan ni Noah, at ang pagsasama sa Sodom at Gomorrah. Ginamit niya ang mga halimbawang ito ng paghuhukom upang paalalahanan ang mga nagbabasa ng huling paghuhukom at kung sinong kapangyarihan ang ating igagalang at susundin.

Nawa ang lahat ng tao ng Diyos ay makilala ang mga tanda, magsisi at iligtas ang kanilang sarili mula sa mapanlinlang at masasamang tao, kailanman at saanman sila naninirahan. Ang isang mabuti at tapat na

hukom ay hindi laging maawain, ngunit kailangan din na magbigay ng katarungan.Ang Diyos ay ang ating mabuti at tapat na hukom na nagbibigay ng gantimpala sa may mabubuting ugali at pinarurusahan ang mga masasama. Tinutupad Niya ang Kanyang mga pangako at ipinaghihiganti ang mga matuwid.

Bilang mga Kristiano, huwag nating pahintulutan ang mundo na maging kasabwat sa paghamak ng kaayusan o katarungan. Maaaring ito lamang ang pag-asa ng ilan upang agawin mula sa apoy ! O ang tanging paraan na ang ibang may mabuting puso ay maging mahinahon !


Previous
Previous

Ang Larawan ng Pagkatao ng Diyos sa Paghuhukom

Next
Next

Ilikha Mo Ako ng Busilak na Puso