Ilikha Mo Ako ng Busilak na Puso
By Sheila Reaves
Natatandaan ko pa nang malinaw ang Macbeth ni isinulat ni Shakespeare na aming binasa noong ako ay nasa mataas na antas ng paaralan. Hindi ko na matandaan ang buong pagtatanghal, nguni’t natatandaan ko ang hindi magandang eksena kung saan si Macbeth ay pumatay at nagtangkang linisin ang dugo sa kanyang mga kamay. Nagtagumpay siya na mawala ang dugo sa kanyang mga kamay, nguni’t nanangis na ang lahat ng tubig sa dagat sa buong mundo ay hindi mahuhugasan ang dugo. Ang kanyang kasalanan at pag uusig ng budhi ay sumira sa kanyang isipan at gayundin sa kanyang puso.
Ang puso ay binanggit sa Banal na Aklat ng 826 na ulit. Ang kanyang ayos o kalagayan ay inilalarawan sa maraming paraan.; mapagpakumbaba, naniniwala, masigasig, tapat, mapagmahal, masunurin, dalisay, matalino, at iba pa. Ang talaan ay nagpapatuloy. Tayo ay nagsisikap na magkaroon ng puso tulad ni David. Si David ay inilalarawan na isang lalaki na malapit sa puso ng Diyos, nguni’t mayroon siyang kapintasan. Siya ay nagkasala sapagkat kinuha niya ang asawa ng isang lalaki, nagsisinungaling, at ipinapatay ang asawa ni Bathsheba. Pagkatapos, ay nagmakaawa siya sa Diyos na linisin ang kanyang puso: “Ilikha N’yo ako ng busilak na puso, O Diyos, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat”
( Awit 51: 10 ). Iisipin natin na ito’y isang nakamamanghang kahilingan, nguni’t kilala ni David ang Diyos. Alam niya ang kapangyarihan ng Diyos. Nasaksihan niya ang kapangyarihan at mga pangako ng Diyos. Sino ba ang mas mabuting tanungin upang lumikha ng isang bago at malinis na puso kundi ang Manlilikha lamang? Kinilala ni David na ang kanyang puso ay nangangailangan ng paglilinis. Inamin niya ang kanyang kasalanan. Hinanap niya ang kapahingahan mula sa Diyos sapagkat alam niya na ang Diyos ay maawain, may kusang loob at handa siyang tulungan.
Upang ang Diyos ay magkaroon ng bisa sa ating puso, una ay nangangailangan ng pagkilala at pananagutan sa ating buhay. Sa aklat ng Exodus, ang Diyos ay pinatigas ang puso ng Paraon. Sa Gawa 16:14, binuksan ng Diyos ang puso ni Lydia upang mapakinggan ang mga
salita ni Pablo. May bahagi ba ang Paraon at si Lydia dito? Tunay na oo! Ang Paraon ay nabuhay na matigas ang ulo, namumuhi sa pagsunod. Si Lydia ay may kabutihang loob, mabait at mapagmahal na babae. Ang kalagayan ng kanilang mga puso at isipan ay madali para sa Diyos na gawin ang mga bagay na ito sa kanila. Ginamit ng Diyos ang kalagayan ng puso ng bawat tauhan na gawin ang Kanyang kalooban. Ang ating pananagutan ay ilagay ang ating mga puso sa paraan na ang ating Manlilikha ay magagawa ang nais Niya. Ngayon, paano natin ihahanda ang ating mga puso upang mabago ito ng ating Diyos?
Ang unang hakbang upang ihanda ang ating puso ay ibaling sa Salita. Ito ang lagi nating gawing tagapagturo; alam nito ang lahat. Sa Hebreo 4:12, ito ay inilarawan nang mainam:
“Sapagkat buhay at mabisa ang Salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa alinmang espadang magkabila ang talim, Tumatagos ito hanggang kaluluwa’t espiritu, at hanggang sa kasu kasuan at kaloob looban ng buto. Nalalaman nito ang pinamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.” Ang Kasulatan ay lubhang ibinubunyag. Kung ihahambing natin ang ating sarili sa kanila, ito ay nagbubunyag ng mga bagay. Mayroong dahilan na sila ay tinutukoy na buhay na kasulatan. Ang Biblia, tulad ng buto sa Talinghaga ng Maghahasik sa Mateo 13, ay hindi patay, subalit buhay, na kayang magbigay ng masaganang buhay. Ito ay magkakabisa sa ating buhay nang masagana kung ihahambing ang ating buhay dito at gumawa ng kaukulang pag ayos. Ito ay nangangailangan ng pansariling kamalayan, pagkilala, pag unawa at karunungan. Tingnan mo ang iyong sarili nang buong katapatan at ihambing ang iyong puso sa Salita ng Diyos. Ano ang tingin mo?
Kapag nailagay mo na ang dapat gawin upang paunlarin ang mga bagay na kailangan ng iyong pansin, ngayon ang Diyos ay mayroong nakagugulat na pagsisimulan. Sa pagkilala ni David, ang Diyos ay may kapangyarihan na lumikha ng bagong puso sa kalooban natin. Sinabi sa Ezekiel 36:26, “ Bibigyan ko kayo ng bagong puso at espiritu. At ang matitigas ninyong mga puso ay magiging pusong masunurin.” Ang susunod nating pananagutan ay panatilihin na malinis ang puso. Ang isa sa pinakamahirap na bagay na gawin ay kalimutan ang kasalanan. Napansin mo ba na kung gumawa ka ng kamalian, ang alaala ng kamaliang iyon ay malimit na bumabalik sa ating isipan nang maraming ulit at kung minsan ay makalipas ang maraming taon? Tayo ay namamalagi sa ganitong isipan at pinahihirapan ang sarili sa nagawang kamalian. Ang pakiramdam sa kasalanan ay naroon muli sa sarili, at tayo’y bumabalik sa walang katapusang paninisi,mga alaala at pagmamaliit sa sarili. Kung ang puso ay bumabalik sa ganitong kalagayan, ito ay hindi matabang lupa na magagamit ng Diyos para sa Kanyang kaluwalhatian. Ang mga marupok na panahon ay nagbibigay sa diablo na pumasok at palakihin ang ating pag aalinlangan at takot. Magkaroon tayo ng paniniwala at pang unawa na kung ang Diyos ay nilinis ang ating puso at pinatawad ang ating kasalanan, tayo ay magiging buong muli sa pamamagitan ng Kanyang awa at biyaya. Sinasabi sa Kawikaan 17:22, “Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, nguni’t ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan.” Sa Juan 14:27, ipinaalala ni Jesus sa Kanyang mga alagad,
“ Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan Ko sa inyo ang kapayapaan. Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.” Gayon nga, magtiwala kayo sa Panginoon nang buong puso at sumandal sa Kanya. Kung hiniling mo sa Kanya na linisin ang iyong puso, ito ay ginawa na Niya.
Hindi naunawaan ni Macbeth ang biyaya ng Diyos. Ang pag uusig ng kanyang budhi ay nagpahirap sa kanya. Sa kabilang banda, si David ấy naunawaan ang awa ng kanyang Panginoon. Ang bunga ng kasalanan ni David ay nakita sa kamatayan ng kanyang anak. Si David ay nagdalamhati at nanangis sa sakit at paghihirap ng anak. Nang ang kanyang anak ay pumanaw, si David ay tumayo, kumain at bumalik sa kanyang mga tungkulin. Naunawaan niya ang bunga ng kanyang kasalanan. Naunawaan niya na ang Diyos ay pinanghahawakan ang Kanyang mga pangako sa buhay ni David at sa buhay ng kanyang mga ninuno. Si David ay humiling, at ipinagkaloob ng Diyos. Hiningi niya sa Diyos na Ilikha siya ng malinis na puso at ipinagkaloob ng Diyos ang hiningi niya. Kailangan natin ang mas malalim na pang unawa sa pag ibig at awa ng Diyos, tulad ni David. Nawa’y paunlarin natin ang ating paniniwala !
“ Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, binago na siya” ( 2 Corinto 5:17 ).