Pakikipaglaban sa Espirituwal na Sakit sa Puso

By : Cheryl Robertson , Tampa, Florida

Psalm 51:10- “ “Ilikha N’yo ako ng busilak na puso, O Diyos, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat.”

Makalipas ang maraming buwan ng mga kasalanan ni David na pagnanasa, pakikiapid, pagpatay, at pandaraya, siya ay inakusahan ni Nathan, ang propeta, ng kanyang mga kamalian. Ang poot ni David sa mayamang lalaki sa talinghaga ni Nathan ay nagtulak sa kanya na harapin ang kanyang sariling kamalian ( 2 Samuel 11-12 ). Naunawaan ni David ang kanyang puso, ang kanyang kalooban ay masama, may dungis at marumi na galing sa kanyang mga ginawa. Ang kanyang pag-amin sa mga kasalanan at kamalian at ang pagsamo ng kapatawaran at paglilinis ay nakatala sa Awit 51.

Kinilala ni David na ang Diyos lamang ang makalilikha. Siya lamang ang Tanging makagagawa ng isang bagay na mula sa kawalan. Sinabi ni Pablo sa Athens sa Mars Hill, “Siya ang Diyos na lumikha ng mundo at ng lahat ng narito. Siya ang Panginoong nagmamay-ari ng langit at lupa, kaya hindi Siya nakatira sa mga templo na ginawa ng mga tao.”( Gawa 17:24 ). Si David at pumaroon sa Pinagmulan ng lahat upang Ilikha siya ng isang busilak na puso mula sa kanyang makasalanang puso.

Kinilala ni David na tanging ang Diyos ang makapaglilinis. Siya lamang ang tanging Katauhan na makagagawa ng pusong busilak at tunay. Ang mga Israelita ay kilala ang mga malinis at hindi malinis na pagkain na maaari nilang kainin o mga hayop na kanilang gagamitin sa pag- aalay. Alam nila kung kailan sila naging marumi at kailangan nilang lumabas ng kampo, at alam nila ang mga seremonya ng paglilinis na kailangan nila upang muling maki-isa sa mga kultural at pang-relihiyong gawain. At sinabi ni David, na kailangan niya ang malinis na puso, hindi ang panlabas na paglilinis, kundi ang paglilinis ng kalooban na tanging ang Diyos ang makagagawa.

Kinilala ni David ang kanyang mithiin para sa isang malinis na puso. Nais niya na ang kanyang puso ay naaayon sa Diyos. Nais niya na huwag siyang itaboy palayo sa Diyos (11). Nais niya na ang kasalanan, paninisi at kamalian ay mapalitan ng tuwa, kagalakan at kalinisan.

Paano tayo? Nais ba natin ang malinis na puso? Inaamin ba natin ang ating mga kasalanan na nagpaparumi sa ating mga puso? Kinikilala ba natin na tanging ang Diyos ang pagmumulan ng paglikha at pagbabago? Tayo ba ay tapat at patuloy na lumalago at maging kaakit-akit ang ating pagkatao upang makatulad Niya? Minamahal ba natin ang Panginoon nang buong puso, kaluluwa at pag-iisip? ( Mateo 22:37 ).

Sang-ayon sa World Health Organization, ang sakit sa puso ay ang pangunahing dahilan ng kamatayan sa buong mundo. Ang pagbabago sa buhay, tulad ng pagtigil sa paninigarilyo, pisikal na gawain, pagbabawas ng timbang, diabetes at mataas na presyon ng dugo ay kailangan upang mabawasan ang panganib ng kamatayan na buhat sa ganitong sakit. Sa isang mahinahong paraan, ang espirituwal na sakit sa puso ay ang pangunahing pumapatay sa ating mga puso. Sa Mateo 15, ang mga alagad ay nalilito kung ano ang nagpaparumi sa tao. Sumagot si Jesus, “Nguni’t ang lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso ng tao, at ito ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos. Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng sekswal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa. Ang mga bagay na ito ang nagpaparumi sa isang tao. Nguni’t ang kumakain nang hindi naghuhugas ng kamay ay hindi nagpaparumi sa tao” (18-20 ). Paulit ulit sa buong kasulatan, ang kalagayan ng ating puso

ay binibigyan ng pansin: “ Ingatan mo ang iyong puso nang buong sikap ,sapagkat dinadaluyan ng buhay” (Kawikaan 4:23). “Lumapit kayo sa Diyos at lalapit Siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong nagdadalawang isip, linisin ninyo ang Inyong puso” ( James 4:8 ). “Sapagkat kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya” ( Kawikaan 23:7a ). Ang ating mga salita ay ibinubunyag ang ating puso. Ang ating mga kilos ay ipinahahayag ang ating puso. Ang ating katamaran ay ipinahahayag ang ating puso. Ang ating pagtitiyaga o kawalan nito na ipagpatuloy ang maka Diyos na gawain ay nagpapahayag ng ating puso. Ang paraan kung paano natin gugulin ang ating kabuhayan ay ipinahahayag ang ating puso. Ang ating pakikipag kaibigan ay ipinahahayag ang ating puso.

Paano natin pipigilan ang panganib ng espirituwal na sakit sa puso? Pinangangalagaan ba natin ang ating isipan na malinis sa pag-iisip nang mabuting bagay? ( Philippians 4:8 ). Tayo ba ay tumitigil sa pakikilahok sa makamundo at makalupang mithiin? ( Galatians 5-19 ). Pinangangalagaan ba natin ang ating pag-iisip, damdamin at kilos upang maging kaisa sa kalooban ng Diyos? Inuuna ba natin ang espirituwal na mga bagay sa pag gamit natin ng oras, lakas at salapi? Naging matigas ba ang ating puso, tulad ni Paraon, o ang ating puso ba ay malambot at nababaluktot habang tayo ay nag-aaral at lumalago sa Salita ng Diyos? Ang atin bang puso ay malinis upang makita ang Diyos? ( Mateo 5:8 ). Mahal ba natin ang isa’t isa nang may alab at malinis na puso? (1 Peter 1:22 ). Pinangangalagaan ba natin ang ating mga puso na gamit ang pananggalang ng Diyos? ( Ephesians 6: 10-17 ).

Sa isang magandang awitin noong 1899, “Is Thy Heart Right With God”, ang may akda, si Elisha A. Hoffman, ay nag tanong,

“ Have thy affections been nailed to the cross?” Ang pagmamahal mo ba ay ipinako sa krus?

“ Does thou count all things for Jesus but loss?” Ang lahat ba ng bagay ay kawalan para kay Jesus?

“ Hast thou dominion o’er self and o’er sin?” Ikaw ba ay may kapangyarihan sa sarili at sa kasalanan?

“ Over all sin without and within?” Sa lahat ng kasalanan sa labas at kalooban?

“ Is there no more condemnation for sin?” Wala na bang kaparusahan sa kasalanan?

“ Does Jesus rule in the temple within?” Si Jesus ba ang naghahari sa iyong kalooban? “ Are all thy powers under Jesus’ control?” Ang lahat ba ng lakas mo ay nasa

pangangalaga ni Jesus?

“ Does He each moment abide in thy soul?” Sa lahat ba ng oras ay nananahan Siya sa

iyong kaluluwa?

“ Is thy heart right with God, - Ang puso mo ba ay sang-ayon sa Diyos,

Washed in the crimson flood, - Hinugasan ng dugo,

Cleansed and made holy, humble and lowly, - Nilinis at ginawang banal, mababang

loob at mapagpakumbaba,

Right in the sight of God?” - Sang-ayon sa paningin ng Diyos?”

Kailangang dalhin ni David ang bunga at kaparusahan ng kanyang mga kasalanan. Palagi nang magkakaroon ng labanan at patayan sa kanyang pamilya, at ang bata ay namatay. Gayunman, siya ay pinatawad ( 2 Samuel 12:11-13 ). Ang kanyang puso ay nilinis at ang kanyang espiritu ay binago. Katulad din natin, ay dadalhin din natin ang bunga ng ating mga kasalanan dito sa mundo. Subalit gaano man naging masama ang ating mga puso, ang Panginoon ay magbibigay ng bagong puso, isang busilak na puso para sa lahat na handa na luminis, magbago at maging dalisay sa pamamagitan Niya. Nawa tayo, tulad ni David, ay manikluhod sa Diyos na likhain Niya sa atin ang isang bagong puso, at ang bago at matatag na espiritu upang makatulad tayo sa Kanya sa lahat ng araw.


Previous
Previous

Ilikha Mo Ako ng Busilak na Puso

Next
Next

Pagpupuno sa Malinis na Puso