Pagpupuno sa Malinis na Puso

Ilikha N’yo ako ng busilak na puso , O Diyos, At bigyan ako ng espiritu na matapat - Awit 51 :

Ang isa sa mga paborito kong talinghaga ay matatagpuan sa Mateo 12:43-45. Ito ay nagsasaad ng isang masamang espiritu na lumabas sa isang tao upang maghanap ng mapagpapahingahan. Gayunman, wala siyang matagpuan na tiwasay tulad ng pinanggalingan niya, kaya inisip na lang niyang bumalik sa tao at tingnan ang kalagayan ng tao, at nakita niya “...na walang naninirahan, malinis at maayos ang lahat.” Ang totoo, ito ay malinis at mayroon pang lugar para sa mas masamang espiritu. Kaya inanyayahan ang pitong kaibigan upang nanirahan sa tao na kasama siya, at sinabi ni Jesus na ang kalagayan ng taong iyon ay lalo pang masama kaysa rati.

Si Jesus ay malamang na tinatalakay nang tuwiran ang Israel at mga Pariseo. Ang kabuuan ng talinghagang ito ay nasasangkot ang bayan ng Israel na nilinis na. Sa pagdating ni Juan Bautista, at sa huli ay ang pagdating ni Jesus, ang pagbabago ay nalalapit na, at ang mga tao sa Judea ay nararamdaman ito. Sa Mateo 3: 1-12, si Juan Bautista ay nangangaral sa Israel, “Magsisi na kayo sa inyong mga kasalanan sapagkat malapit na ang paghahari ng Diyos,” at ang Israel ay pumaroon sa kanya. Sa talata 5, “ Nagpuntahan sa kanya ang maraming tao galing sa Jerusalem, at sa mga bayan na malapit sa Ilog ng Jordan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at binautismuhan sila ni Juan sa Ilog ng Jordan.” Naroon ang espiritu ng pagsisisi sa mensahe ni Juan. Ang Israel ay nagsimulang linisin ang kanilang tirahan.

Gayunman, ang pagbabago para sa ilan ay hindi tunay. Nang makita ni Juan ang mga Pariseo at Saduseo, na pumupunta upang magpabautismo, ay tinawag niya ang mga ito na “ Lahi ng mga ahas”... ang parirala na ginamit muli ni Jesus sa Mateo 12:34. Binalaan ni Juan na “kung tunay na nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo ito sa inyong mga gawa. Huwag ninyong isipin na hindi kayo maparurusahan.”

Hindi sila nananabik sa kalinisan. Ang totoo, sa umaga na itinuturo ni Jesus ang talinghaga, Siya ay may pakikipagtalo sa mga Pariseo matapos na pina-alis ang masamang espiritu sa isang bulag at pipi. Ang mga Pariseo, sa kanilang kawalang pag-asa na ipaliwanag ang himala na hindi nila mapabulaanan, ay nagmungkahi na si Jesus ay gumagawa sa pangalan ni Satanas.

Tiyak, na sa pagsasa alang alang sa Kanyang hayag na pakikipagsalungatan sa mga Pariseo, ka agad agad na matapos ang talinghaga, ang kabuuan na ang espirituwal na pagbabago ng Israel ay walang laman. Ang kanilang mga “batas” ay iniingatan, nguni’t walang awa, habag o paniniwala. At ang bunga ng kanilang pagtanggi na tanggapin ang Mesiyas, ang katigasan ng kanilang mga puso ay higit na masama kaysa dati. At sinasabi sa atin na sa bahaging ito, ang mga taong ito ay nagbabalak ng kamatayan.

Ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari at ng talinghaga na ginagamit ni Jesus ay binibigyan ng linaw na walang mabuting kalalabasan ang paghingi sa Diyos na linisin ang ating mga puso sa maruruming bagay kung hindi naman natin ito pupunuin ng mabuting bagay. Nauunawaan natin na kailangan nating maging malinis, nguni’t bahagi ng kalinisan ay ang pagpupuno sa ating sarili ng mga bagay na tutulong sa atin upang “mamunga ng mabuting bunga...karapatdapat sa pagsisisi.”

Alam natin na hindi natin malilinis ang ating puso sa ating kakayahan; tanging ang Diyos ang makalilikha ng malinis na puso. Subalit, kailangan nating maging bahagi ng paraan, at sa sarili kong karanasan, ito ay pang araw-araw na ginagawa. Ang proseso ng pagiging bigo sa sarili at matamlay - napahiya - ng kalungkutan sa mga salita at kilos. May mga araw na nais kong magkaroon ng pagbabago. Nais kong mag simula nang malinis.

Sa talata na ating ginagamit bilang pamukaw sigla sa buwang ito, mula sa Awit 51, ito rin ang nais ni David. Ang Awit 51 ay isinulat matapos na mabuksan ang mata ni David sa pakikipag kita kay Nathan kung saan isinulat ang kanyang sarili sa kamatayan bago sinabi sa kanya na siya ang lalaki sa paglilitis. Ako ay nagpapasalamat na ang kamalian ng mga tapat na tao ay hindi pinapakinis sa atin. Si David, ang lalaking malapit puso ng Diyos , makalipas ang eskandalong pakikipag ugnayan kay Bathsheba at ang balak na pagpatay upang itago ang kanyang kasalanan , ay nag pakumbaba na lumapit sa Diyos at hiniling na linisin ang kanyang puso- upang bigyan siya ng pagkakataon na mag simulang muli.

Ilang ulit ba na nais mong magsimulang muli ? Hindi mo ba hinangad na linisin ang mga dumi ng nakaraang pagpapasya at kalimutan na hindi sana nangyari ? Hindi natin ito magagawa. Mayroong mga bunga na dapat nating harapin ; si David ay hinarap ang mga bunga tulad din ng pagharap ko dito. Tila ba na para sa akin, na ang pagharap sa bunga ng maling pagpili ay bahagi ng paraan ng paglilinis. KUNG tatanggapin natin ang paglilinis tulad ng pag-ibig ng Diyos, tulad ng nais Niya na ipakita ang mabuting daan, iyon lamang ang magpapakita sa atin ng lakas ng pagbabago ng sakit.

Sa ating paglilinis, hindi inaalis ng Diyos ang mga bunga na bahagi ng paglilinis. Sa Awit 51:8, si David ay nanalangin sa Diyos na pawiin ang kanyang kasalanan at ipadala sa kanya ang kagalakan upang “ ang mga buto na Iyong binali ay mangagagalak.” Ang mga buto ay kailangang mabali. Ang mua pagdurusang ay kailangang paglisan. Ang bunga ay dapat tanggapin.

Ang ideya ng kalinisan ay kailangan sa ating pagnanasa na mapalapit sa Diyos ay makikita sa buong kasulatan. Sa Exodus 19, ang bansang Israel ay magkakaroon ng pakikipagtipan sa Diyos. Tinanggap nila ang Kasunduan at upang malaman nila na ang batas ay mula sa Diyos at hindi kay Moses, ang Panginoon ay bababa sa bundok ng Sinai. Sa talatang 10, sinabi ng Diyos kay Moses, “Puntahan mo ang mga tao at sabihin sa kanilang linisin ang sarili nila ngayon at bukas. Kailangan nilang labhan ang kanilang mga damit.” Ang paraan ng pagpapabanal ay dalawang paraan - panlabas at pan loob. Gayunman, kahit na pinabanal, ang bansang Israel ay hindi makalalapit sa bundok ng Sinai sa pagbaba ng Diyos mula sa langit.

Nalalaman natin ang larawan ng pagiging marumi o bulok. Tinawag ni Jesus ang mga Pariseo na mga libingang pininturahan ng puti- magandang tingnan sa labas, pero ang nasa loob ay puro kalansay at maruruming bagay. Sapagkat ang kanilang hangarin ay hindi maging kanais nais sa Diyos kundi ang pagtibayin ang kanilang kayabangan sa kaalaman sa batas hanggang mawalan ng kapangyarihan na magbabago. Inalisan nila ng anumang nilalaman na makapagpapalinis sa puso.

Magagawa natin ang magkatulad. Tayo ay may hangad na hawakan ang mga maaari at hindi maaari na nawawala ang tunay na nilalaman ng ating puso. Nag aalaala ako na ginagawa natin ito, hindi lang sa ating sarili, kundi sa atin ding mga anak. Noong si John ay kabataan pa, ayaw ko na nakikipag inuman siya at hindi ko nais na kumikilos siya nang hindi mabuti sa mga babae. Tiyak, na ito ang mga konkretong pagkilos na aking binabantayan. Gayunman, ayaw ko rin na siya’y maging mapag mataas, walang habag, sakim o mayabang.

Binabantayan ba natin ang mga bagay na ito sa puso ng ating mga anak ? Tayo ba ay nakatingin lamang sa mga “kilos”- sa talaan- na maging tayo ay nakaliligtaan ang higit na mas mabuting piraso ng bagong batas ni Kristo ? Natuturuan ba natin ang ating mga anak na hangarin ang malinis na puso kahit na hindi natin sila kinakausap kung ano ang ibig sabihin nito ? Hindi ito nararapat, at hindi rin natin dapat na iwanan ang ating mga anak na kulang o walang alam sapagkat ang mundo ay naghihintay upang punuin ito !

Kailangan nating turuan sila, at nangangahulugan na maramdaman nila ang pagkabalisa sa mga bunga sa kanilang buhay. Hindi kailangan na dagitin at sagipin o ipagtanggol sila kung dumating ang bunga ng kanilang pasya. Mayroong layunin sa mga sakit sa isang Kristiyano, at iyan ay pagtanaw sa mga bagay na dapat ipahayag sa ating mga anak. Kailangan nilang matutunan sa atin tulad ng natutunan natin mula sa Ama sa langit. Hindi Niya tayo inililigtas sa mundo; ibinibigay Niya sa atin ang kakayahan na mamuhay sa mundo, nguni’t hindi para maging bahagi nito. Binibigyan Niya tayo ng daan na bumalik sa Kanya kung tayo ay bumabagsak, at pinahihintulutan na matuto sa sakit.

Sa Santiago 1:2-4, sinabi ni Santiago sa mga Kristiyano na inuusig, “ Magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya . Kaya tiisin ninyo ang mga pagsubok upang maging ganap at wala anumang pagkukulang sa buhay ninyo.”

Alam Ko na hindi niya tinutukoy ang mga pagsubok na buhat sa ating karumihan; gayunman, iniisip ko na iyon ang kahulugan. Ito ang sinabi ni David- “PagparingganMo ako ng kasiyahan at kagalakan; upang ang mga buto na Iyong binali ay mangagagalak.” Tulungan Mo akong magalak sa mga pagsubok- kung ito man ay nasa labas at wala akong pagpipigil o ito ay bunga ng mga pangyayari na aking ginawa, tulungan Mo akong magalak ! Sưu kín Mo ang aking paniniwala at mag bunga sa akin ng pagtitiyaga at pagtitiwala upang ako’y maging buo. Ilikha Mo ako ng busilak na puso. Ikaw ang lumilikha, O Diyos, at titiisin ko ang mga pagsubok at hayaang ito ang magbabago sa akin... isang matapang na panalangin !

mapait sa pangyayari at hindi nakita ang aral sa kaguluhan, na madalas ay tayo ang may gawa, o kung iniiwasan ang kapahamakan na tayo ang may gawa, ay hindi tayo nagagalak sa nararapat na pagbali ng ating buto na kailangang mangyari upang manumbalik tayo sa Diyos.

Tunay, na mayroong pagdurusa na hindi natin ginawa- ang buhay ay nangyayari sa lahat, nguni’t ang pag-asa na ang Diyos ay gumagawa ng lahat para sa kabutihan natin ay dapat magbigay ng pagtingin anumang bagyo ang dumating. Ito ang magbibigay ng hangarin nang higit, na walisin ang sarili nang malinis,pahintulutan ang Diyos na linisin ang ating puso, kahit na masakit, kawalan ng dangal, at kahihiyan, at ngayon ay mabuyo tayo na punuin ng mabubuting bagay ang ating buhay.

Kung hindi natin pupunuin ang ating sarili ng kabutihan at katuwiran ng Diyos, ang mundo ay muling magbabalik, na may dalang mga kaibigan, at makikita tayong walang laman, pupunuin nito ang puwang - at tayo’y magiging masama nang higit sa dati.


Previous
Previous

Pakikipaglaban sa Espirituwal na Sakit sa Puso

Next
Next

Pagsisisi