Pagsisisi
Bonny Cable Of Temple Terrace, Fl
“O Diyos, Kaawaan N’yo Po Ako Ayon Sa Inyong Tapat Na Pagmamahal. At Sa Inyong Labis Na Pagmamalasakit Sa Akin, At Ang Lahat Ng Pagsuway Ko Ay Inyong Pawiin At Ako’y Patawarin.” Awit 51: 1
Hindi tanyag na haka haka: kung minsan ako ay nagsisikap na ipagdiwang ang malaking paghanga kay Haring David. Alam Ko na mayroon siyang kapangyarihan sa kuwento nila ni Goliath bilang isang hamak, o ang kanyang mabagal at matatag na pag angat sa trono sa kabila ng mga nangyari sa kanila ni Saul. Marahil ako ay nabahala sa kapintasan ng katauhan na nakita natin sa kasulatan; gayunman, siya ay pinararangalan na may pusong dapat nating tularan. Marahil ako ay tulad din ni David na hindi ko matanggap sa aking sarili. Ang ipinakita ni David na siya ay may kapintasan, may takot sa Diyos na may damdamin na magdadala sa kanya sa tama at maling daan. Ang Diyos ay ipinakita sa atin sa pamamagitan ni David kung ano ang mas mahalaga. Sa pamamagitan ng mga pagsubok at kamalian sa buhay ni David, tayo ay binigyan ng malalim na pagtingin kung sino ang Diyos, at kung paano Siya tumugon sa mga sumusunod sa Kanyang kalooban, at kung hindi tayo sumusunod sa Kanya.
Pagsisisi. Ang Awit 51 ay ang Awit ng pagtitika ni David sa salungatan nila ni Nathan. Siya ay nagmakaawa, “O Diyos, kaawaan N’yo po ako ayon sa Inyong tapat na pagmamahal. At sa Inyong labis na pagmamalasakit sa akin, at ang lahat ng pagsuway ko ay Inyong pawiin at ako’y patawarin.”
Kailan ipinakilala ng Diyos ang pagsisisi? Ang pagsisisi ay hindi nagpakita ng marangyang kaanyuan sa lumang salita hanggang ang mga Israelita ay nasa ilang, at ang Diyos ay sinimulan ang ugnayan ito. Iniutos Niya ang paraan ng pag aalay para sa kasalanan. Ipinakita Niya sa Kanyang mga tao na kilalanin ang kanilang kasalanan at makisama sa paraan upang maging karapat dapat sa Kanya (Leviticus 4). At sa 1 Samuel 15, nakita natin ang tangka ni Saul na magsisi- na hindi tinanggap ng Diyos, na sinundan ni David ng pinagbuting salin ng pagsisisi na tinanggap ng Diyos. Ang salin ni David ay naging huwaran ng pakikipag ugnayan ng Diyos at ng Kanyang mga tao kung sila’y magsisisi.
Bakit ang pagsisisi ay bahagi ng ganitong ugnayan? Ang pagsisisi ay pagkilala o pagtanggap sa ginawa natin na labag sa batas ng Diyos. Siya ay nagpapahayag ng pagnanais na lumakad tayo nang matuwid sa batas ng Diyos. Kung ang puso ay may kusa na magsisi , ito ay nagpapakita ng pagtanggap sa pakikipagtipan sa Diyos at sa Kanyang tao at may kababaang loob na tanggapin na ang Tipan ay nawasak. Ang Diyos ay may pamantayan kung paano ang Kanyang mga anak ay mabubuhay at magmamahal habang narito sa daigdig. Ginawa Niya nang malinaw ang pamantayang ito sa Kanyang Salita. Alam Niya na hindi natin ito magagawa nang walang kapintasan, nguni’t nais Niya na ang ating mga puso ay magsikap na ingatan ang mga iyon at magsikap na lumakad sa Kanyang liwanag.
Ang pusong nagsisisi na nagsasabi ng kamalian ay tulad ng puso ni David - ang isa na nakikita ang totoo, sabihin man o hindi, alam ng Diyos ang mali. Gayunman, ayaw ng Diyos na sabihin lamang ito, sapagkat ito ay may kaparusahan. Nais Niya na lumapit tayo sa Kanya dahil sa ating kasawian, at naroon Siya upang pawiin ang kasalanan.
Kung minsan, ang aking mga anak na lalaki ay nanggaling sa paglalaro sa labas ng bahay, at puno ng dumi ang mga binhi at paa. Sinabihan ko sila na magmadali at maglinis, at tinatanong ko sila, “ hindi ba kayo nababahala sa pagiging marumi? Hindi ba ninyo nais na
maglinis upang luminis ang Inyong pakiramdam?” Ito ay tulad ng kasalanan. Kung minsan, ito ay nagiging bahagi na lamang at nagiging palagay ang ating kalooban, at hindi na nababahala sapagkat bahagi na ng pang araw araw na gawain. Suot natin ito na tila ba ay bahagi na kung sino tayo. Sa Awit 51:10,12, sumamo si David, “ Ilikha N’yo ako ng busilak na puso, O Diyos, at bigyan ako ng bagong Espiritu na matapat...Sana’y ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas N’yo ako.” Ang ugnayan ni David sa Diyos ay ipinakita sa pamamagitan ng Awit na ito na inilalarawan sa atin kung paano ang Diyos ay nagkakaloob ng pagbabago sa pamamagitan ng pagsisisi. Ang Diyos ang maglilinis sa atin. Ang Diyos ay may kakayahan na magbigay ng kagalakan sa ating kaligtasan.
Kung minsan, mayroon tayong kalungkutan na nagbubuhat sa pagdadalamhati dahil sa mga kasalanang ginawa natin. Ipinaalala ni David sa Awit 32, kung saan ang kanyang katawan ay wala ng lakas at siya’y nanlulumo dahil sa bigat ng kamay ng Diyos. Ito ay sinadyang pabigat na nararapat na naroon hanggang makita mo sa iyong puso na humingi ng kapatawaran mula sa Panginoon. Ang Diyos ay pinalibutan si David ng mga awit ng kaligtasan (Awit 32:7). Ito ang parehong Diyos na hinihingan natin ng kapatawaran ngayon. Gagawin Niya sa atin tulad ng ginawa Niya kay David noon. Kaya ito ang dahilan kung bakit Niya nais na sabihin ni David ito sa atin !
Ano ang ibig sabihin ng pagsisisi ayon sa Diyos? Kung hindi natin nararamdaman na mayroong paraan na makawala sa bigat ng kasalanan, ito ang magpapahina sa atin. Bịnalak ng Diyos ang ugnayan ito na tayo ang nasa isip Niya. Ang Diyos ang gumawa ng daan na maalis ang bigat ng kasalanan. Sa Panaghoy 3:22, “ Ang pag ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Araw araw ay ipinapakita Niya ang Kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon !” Ito ang Diyos ! Matatag. Hindi Siya nagbabago sa atin. Maaasahan natin ang Kanyang pag ibig at awa na naroon at abot kamay. Makapangyarihan ang ating Diyos ! Napakainam na marinig ito ! Tulad ni David, kung ako’y malugmok, mamahalin ako ng Diyos, ako ay lilinisin, papawiin ang lahat ng kasalanan ko sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang awa. Ang aking kagalakan ay manunumbalik sapagkat ito’y magagawa ng Diyos sa akin. Hindi Niya nais na mabuhay tayo sa kadiliman ng kasalanan. Nais Niya ang pagsisisi natin upang maipakita Niya na iniingatan Niya tayo sapagkat Siya ang Ama ng alibughang anak sa Lucas 15.
Paano kung nakikita natin ang mga nangangailangan ng pagsisisi o yaong mga nagsisi na? Ito ay isang masakit na bahagi ng buhay na makita ang isang tao na nahuhulog sa bitag ng kaaway. Napakahirap na makita ang katapusan ng isang makasalanang landas na mag iiwan ng pagkawasak sa puso at buhay. Tayo ay may pagsisikap kung paano tutugon. Mayroong pag hihilahan sa pagitan natin at ng kasalanan.; ito’y bahagi ng espirituwal na kalikasan na nakikipaglaban habang namumuhay sa mundo. Salamat, at tayo’y binigyan ng tulong. Itinuro sa atin sa Galatians 6:1, “ Mga kapatid, kung may nagkasala man sa inyo, kayong mga ginabayan ng Banal na Espiritu ang dapat na tumulong sa kanya para magbalik loob sa Panginoon. Nguni’t gawin ninyo ito nang buong hinahon, at mag ingat kayo dahil baka kayo naman ang matukso.” Kung minsan, ang Diyos ay nagpapadala ng isang “Nathan” upang tawagin ang ating kamalian. Maaaring tawagin tayo para sa iba, nguni’t ang sulat sa mga taga Galacia, ay nagsasabi na gawin ito nang mahinahon. Kung hindi tayo tinawag para dito, ay pakinggan natin ang ikalawang bahagi na mag ingat tayo sa ating kamalian. Sa taong ito, ay nakikiusap ako sa Diyos na ipakita sa akin ang mala trosong puwing sa aking mga mata na sinasabi sa Mateo 7: 3-5. Ako ay may kamalayan sa mga ito, at sa panalangin ko na ipakita sa akin, ay makatutulong sa akin na huwag mag aksaya ng panahon sa pag aalala sa mga paghihirap ng iba sa hindi banal na paraan at huwag bigyan ng daan ang diablo sa mga naka tagong kasalanan sa aking buhay. Hindi natin nais na ang bawat pagsisisi ay dahil lamang na tayo ay nahuli. Sa pamamagitan ng pagiging alintana sa ating mga kamalian, tayo ay magpapanibago at lilinisin tulad ni David.
Kung minsan ang malaking pangyayari sa buhay nina David-Bathsheba-Uriah ( 2 Samuel 11-12) ay tila walang kaugnayan sa atin. Hindi natin iniisip na makakaharap tayo sa ganitong pangyayari na may napakasamang bunga. Maaaring ito’y totoo. Gayunman, ang inilalarawan ng kuwentong ito at ng Awit ay nagpapakita sa atin kung sino ang Diyos at hindi ang tungkol kay David. Bagaman si David ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito,alalahanin natin na ang kanyang kuwento ay isa sa marami- na nakatala sa kasaysayan ng Diyos kung saan ang pangunahing tauhan ay ang Diyos na may matatag na pag ibig at walang hanggang awa ay makapagkakaloob kay David, sa akin at sa iyo ng busilak na puso. Salamat sa Diyos sa hindi mapantayang biyaya !