Ang Pagkamasunurin ni Gideon at Ang Maka-Diyos na Karunungan

Ang Aklat ng mga Hukom ay isang kuwento ng bansang Israel sa Lupang Pangako bago naghangad ng isang hari. Sinasabi sa unang kabanata na ang mga Isreaelita ay nakalimutan ang Diyos ,sila’y nagkasala at sinakop ng mga bansang walang diyos . Nang ang mga Israelita ay nagsisi at bumalik sa Diyos, Siya ay nagpadala ng tagapagligtas-o hukom- upang gapiin ang kanilang kaaway. Sa mga kabanata 6 hanggang 8, nakita natin ang lalaking nag-ngangalang Gideon, na sa pamamagitan ng pagsunod at karunungan ng Diyos ay binago mula sa anak ng magsasaka at naging

magiting na mandirigma at hukom. Ano ang nagpabago sa Kanya? Si Gideon ay ipinakita ang karunungan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod.

Una nating nakita si Gideon na naggigiik ng trigo na nasa ilalim ng mga pisaan ng ubas para hindi makita ng mga Midianita ang trigo. Ito ay isang magpakumbabang simula. Nang ang anghel ng Diyos ay nagpakita kay Gideon at sinabi na iligtas niya ang mga Israelita mula sa mga Midianita, si Gideon ay nagulo ang isip. Ang kanyang angkan ang pinakamahina sa mga lahi ni Manase, at siya ang pinakabata sa mga magkakapatid, at ang kanyang ama ay sumasamba kay Baal. Paano siya napili para sa isang marangal na gawain? Nguni’t sa talata 16, sinabi ng anghel, “Tutulungan kita at lilipulin mo ang mga Midianita na parang nakikipaglaban ka lang sa isang tao.” Ang presensya ng Diyos ang nagbigay kay Gideon ng patnubay, karunungan at lakas.

Ang Diyos ay hindi nagtatangi ng tao. Ang tunay na karunungan at lakas ay nagbubuhat sa pagsunod sa Diyos at pagtitiwala sa Kanya. Ang mundo ay binago ang kahulugan ng lakas, kapangyarihan at karunungan. Bilang mga tagasunod ng Diyos, tayo ay naging biktima ng ganitong pagbabago tulad din ng ibang tao. Ang edukasyon, pakikisalamuha, idad at karanasan ay kinuha ang lugar ng tunay na karunungan at kapangyarihan. Alalahanin si Moses nang siya’y nakikipag-usap sa bayan ng Israel bago sila pumunta sa lupang pangako. Mababasa sa Deuteronomio 4:5-6, “Itinuturo ko sa inyo ang mga utos at tuntunin na ibinigay sa akin ng Panginoong aking Diyos para inyong sundin pagdating ninyo sa lupaing pupuntahan ninyo at titirhan. Sundin ninyo ito nang buong tapat, dahil sa pamamagitan nito’y

maipapakita ninyo ang inyong kaalaman at pang-unawa sa ibang mga bansa. Kung maririnig nilang lahat ang tuntunin ito, sasabihin nila, ‘Totoo nga na marunong at may pang-unawa ang mga tao ng makapangyarihang bansang ito.’” Sa pamamagitan ng pagiging masunurin, tayo’y may daan sa karunungan ng Diyos. Sa Awit 19:7, “ Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Ito’y nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay ng karunungan sa mga walang kaalaman.” Tayong mga mangmang ay nagiging matalino dahil sa ating pagsunod.

Nakita natin na ito’y totoo kay Gideon. Sa pagtanggap niya ng tungkulin bilang pinuno ng kawan ng Diyos, ( matapos na wasakin ang altar ng kanyang ama kay Baal ), sinabi na, “Ginabayan si Gideon ng Espiritu ng Panginoon” ( Hukom 6:34 ), at nang tawagin niya ang mga lalaki ng Manase, Asher, Zebulun at Naphtali, sila ay sumama- 32,000 mga kawal. Ang kawal ng Medianita ay binubuo ng 135,000 na mga tao (Hukom 8:10), nguni’t sinabi ng Panginoon kay Gideon, “ Napakarami mong kasama. Baka isipin nila na natalo nila ang mga Midianita dahil sa sarili nilang kakayahan at hindi dahil sa Akin (Hukom7:2). At sa gayon, sinabi ni Gideon na umuwi na ang mga natatakot, 22,000 ang mga lalaki na umuwi, at natira ang 10,000 na makikipaglaban. Maaaring si Gideon ay namangha at nanghina ang loob. Nguni’t nakita natin si Gideon ay nagpatuloy sa pagsunod at may katapatan.

Ang tunay na karunungan ay niluluwalhati ang Diyos at hindi itinataas ang sarili. Sinasabi sa Santiago 3:13-17, Sino sa inyo ang marunong at nakaka-unawa? Ipakita niya na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba. Kung pagkamainggit at pagkamakasarili naman ang umiiral sa kanyang puso, huwag ninyong ipagyabang na may karunungan kayo dahil pinasisinungalingan ninyo ang katotohanan. Ang ganitong karunungan ay hindi nagmumula sa Diyos kundi sa mundo. Mula ito sa diablo at hindi sa Banal na Espiritu. Sapagkat kung saan umiiral ang pagka inggit at pagkamakasarili,naroon din ang kaguluhan at lahat ng uri ng kasamaan. Nguni’t ang taong may karunungang mula sa Diyos ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran at hindi nagkukunwari.”

Nang si Gideon ay handa na sa pakikipaglaban, siya ay may karangalan na. Tinawag niya ang mga lalaki sa Israel at marami ang handa sa pagsunod sa kanya. Gayon man, nakita natin na siya’y handa at kusang- loob na ibigay sa Diyos ang kaluwalhatian- na may tunay na kabataang- loob ng karunungan.

Nguni’t muli, sinabi ng Diyos kay Gideon na ang mga lalaki ay marami. At muli, sinabi kay Gideon na bawasan ang mga tao. Sa oras na ito ,dinala niya ang mga lalaki sa ilog. Sa Hukom 7:5, “Ibukod ang lahat ng umiinom ng tubig sa kanilang kamay na parang umiinom na also.” Ang bagong kahilingan na ito ay parang kakaiba sa akin. Sinasabi ng ilan na pinili ng Diyos ang mga lalaking ito dahil ito ay nakakatawang paraan ng pag-inom na ang nais Niya na ang pinakamahina at kulang sa pagsasanay upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan. Gayunman, ang mga mananalaysay ng Biblia ay pinabulaanan ito, at sinabi na ang mga sanay na mga kawal ang hindi tumigil upang lumuhod at dagling uminom mula sa kanilang kamay. Mayroon ding nagsasabi na ang pagluhod ay isang paraan ng pagsamba kay Baal at ang pagkakaiba ay alisin sa kawan ang sumasamba sa diyos-diyosan. Sa huli ay hindi ko tiyak na ito’y mahalaga. Ang maliwanag ay nais ng Diyos ng isang maliit na kawan- 300 tao lamang.

Ang karunungan ng Diyos ay inihihiwalay ang maka-mundo mula sa maka- Diyos. Sa 1 Corinto 1:27,

“Nguni’t pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina upang hiyain ang malalakas. At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapa- walang halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga.”

Ang karunungan ng Diyos ay hindi laging nararamdaman na “likas”- at bakit nga? Sạ kanyang kahulugan ito ang pinaka-kahanga-hangang karunungan. Hindi likas na maramdaman natin na magpasakop sa ating asawa o kapwa Kristiyano. Hindi likas na unahin natin ang ibang tao kung tayo ay pagod at magka-iba ang pinaniniwalaan. Hindi likas na pigilin ang tsismis sa gitna ng pag-uusap. Hindi likas na magpatawad nang paulit-ulit kung nakikita natin na ang isang tao ay hindi nagsisisi at hindi mo nakikita ang pagbabago sa taong iyon. Sinasabi ng mundo na ang pagkilala sa sarili ay nangangahulugan na bigyan natin ng hangganan ang ating sarili, nguni’t ang karunungan ng Diyos ay sinasabi na ang ating halaga ay nag mula sa kusang-loob na pag-aalay ng Kanyang Anak para sa atin.

Pagkatapos ng huling pagpili sa mga kawal, ang karunungan ng Diyos ay ipinahayag kay Gideon. Sinabi ng Panginoon kay Gideon na sumama sa kanyang alipin at tiktikan ang mga kaaway. Nang siya’y makalapit sa kampo ng mga Midianita, narinig ni Gideon ang pag-uusap ng mga kaaway tungkol sa mga panaginip, mga hula at pagkawasak. Si Gideon ay bumalik sa kanyang kawan na may panibagong-sigla. Inihanda ng magiting na hukom ang kanyang mga tauhan- pinaghiwalay ng tatlong pangkat na tig-100 katao, na taglay ang trumpeta at nagniningas na mga sulo na nakatago sa mga bangang walang laman. Sama-sama nilang pinaligiran ang kampo ng kaaway sạ kalaliman ng gabi. At lahat ay pinatunog ang trumpeta at binasag ang banga- hindi lamang nagbigay ng kaguluhan, nguni’t nahantad din ang ilaw sa kanilang mga sulo. Pagkarinig ng “Lumaban kayo gamit ang ating espada para sa Panginoon at Gideon,” at sa malaking takot ang mga kaaway ay pinatay ang kapwa kawal at tumakas papunta sa kalapit na siyudad,at sila’y hinabol ng mga pangkat ni Gideon. Sa wakas, ang karunungan ng Diyos ay naipahayag at sa pagbasag ng mga banga na nagbigay ng liwanag sa kampo ng mga Midianita, ang plano ng Diyos ay nag liwanag.

Sa pagbabalik sa mga talata ng 1 Corinto 1:21,

“Sapagkat sa karunungan ng Diyos, hindi Niya pinahintulot na makilala

Siya ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng mundong ito mas minabuti ng Diyos na iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ipinangaral na Magandang Balita, na ayon sa iba ay kamangmangan lamang. Ang mga Judio ay ayaw maniwala hanggat walang nakikitang himala, at ang mga Griego naman ay humaharap ng sinasabi nilang karunungan. Nguni’t kami naman ay ipinangangaral ang Cristo na ipinako sa krus bagay na hindi matanggap ng mga Judio, at isang kamangmangan para sa mga hindi Judio. Nguni’t para sa mga tinawag ng Diyos, Judio man o hindi, si Cristo ang Siyang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Sapagkat ang inaakala ng tao na kamangmangan ng Diyos ay higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay higit pa sa kalakasan ng tao.”

Si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, at tulad ng ating Tagapagligtas, ang pagiging masunurin ay ang ating daan sa maka-Diyos na karunungan. “At kahit Anak Siya mismo ng Diyos, natutunan Niya ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng mga pagtitiis na dinanas Niya. Naging ganap Siya at pinagmulan ng walang-hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa Kanya...” ( Hebreo 5:8 ).


 


Previous
Previous

Ang Karunungan ay Tumatawag, Naririnig Ba Natin?

Next
Next

Paghahanap sa Diyos ng Kaaliwan