Sino Po Ba Ako Para Pumunta Sa Faraon ?

By : Hannah Bunting, Ponte Vedra Beach, Florida

Sa Exodus 3:11, nakita natin si Moses at ang Diyos sa isang mahalagang pag-uusap na nagbibigay ng kaisipan sa katauhan ng Diyos at nagbibigay ng mga aral na may taginting sa ating lahat ngayon.

Sa pangunguna ng pag-uusap na ito, ay nakita natin ang katangi -tanging kuwento ng pagbibigay ng Diyos kay Moses ng mga pangangailangan. Sa unang 40 taon ng kanyang buhay, siya ay sinagip nang siya ay ilang buwan pa naisisilang sa pagpatay sa mga batang Hebreo at siya ay inaalagaan at pinalaki bilang prinsipe ng Ehipto sa sambahayan ng pinuno na siyang nagpapatay sa mga batang Hebreo.

Sa kanyang kabataan, nang ang mga Hebreo ay pinahihirapan ng Faraon bilang mga alipin, inilarawan sa aklat ng Mga Gawa 7:22, kung paano si Moses ay tinuruan ng lahat ng karunungan ng Ehipto at naging dakila sa salita at gawa. Bagaman, siya ay tapat sa mga Hebreo, ipinagtanggol ang isang Israelita na pinagmamalupitan ng isang Ehipcio, at napatay niya ang nagmalupit. Naunawaan niya at ipinalalagay na siya ang magdadala ng kaligtasan sa mga Hebreo at tila handa na siya na maging pinuno (Gawa 7:25). Ngunit nang siya ay tinanggihan ng mga Hebreo dahil sa kanyang pangahas na kilos, siya ay tumakas papuntang Midian kung saan siya ay naging pastol, ama at asawa sa susunod na 40 taon.

Sa panahong ito, tinawag ng Diyos si Moses mula sa naglalagablab na punong kahoy pero hindi naman nasusunog. Matapos na makuha ng Diyos ang pansin ni Moses mula sa nangyayaring ito, binigyan Niya ng layunin si Moses: na tulungan ang Diyos na iligtas ang mga Israelita sa pagiging alipin sa pamamagitan sa paglapit sa Faraon at hilingin na pawalan sila.

Nakita natin ang bagong Moses sa simula ng kuwento,na nagpakita ng pagkabahala sa napakalaking tungkulin. Siya ngayon ay naging mapag- kumbaba , marahil ay pinayagan ang sarili na higit na maging mababa, na hindi na siya masigasig at maalab na pangunahan ang mga Hebreo upang makawala sa kanilang pagiging alipin. Tila siya ay panatag na sa kanyang pagiging pastol, isang malaking kaibahan sa kanyang hinahangad noong siya ay nasa Ehipto. Ang tugon sa inaakala niyang napakalaking kahilingan, siya ay may mga tanong at pangungusap sa Diyos. Ang mahalagang tanong niya, “Sino po ba ako para pumunta sa Faraon at ilabas ang mga Israelita sa Ehipto?”

Ang tugon ng Diyos kay Moses ay naglalarawan ng Kanyang kalikasan. Nakikita natin ang mabait, malumanay at pasensyosong Panginoon,na nagturo kay Moses na huwag isipin ang kanyang kakulangan at siya ay umasa sa kanyang kalakasan. Siya ay tumitiyak na ang Kanyang mga tugon ay kasama ang mga salitang “Ako ay kasama mo.” Siya ay hindi madaling magalit kahit na may pag-aalinlangan si Moses at namanhik na sa Diyos na pumili na lang ng iba, kahit na narinig niya ang pagpapalakas ng loob ng Diyos at nakita niya ang mga himala ng Diyos. At gayun nga, sa halip na hampasin si Moses dahil sa kanyang pag-aatubili, na maaaring gawin ng isang makapangyarihang nilalang kung siya ay nagagalit. Ang Diyos ay buong kakayahan na nagkaloob ng tulong para sa kanyang mabagal na pagsasalita sa pamamagitan ng kanyang kapatid na si Aaron na magsasalita para sa kanya. Kahit na Siya ang gumawa ng mga bibig, ay tiyak na binigyan Niya si Moses ng mga salita na kailangan niya sa pagpunta sa Faraon,ang Diyos ay lubos na nagbigay ng ibang pangangailangan para sa kanya.

Marahil ang pinakamalakas na pahayag ng Diyos sa pag-uusap na ito ay nasa Kanyang tugon sa tanong ni Moses kung sino ang nagpadala sa kanya. Ang mata ng kahit sino ay hindi maaaring hindi mapansin ang malalaking titik ng mahalagang tugon ng Diyos. Ang tugon ng Diyos : “Ako Nga Ang Diyos Na Ganoon Pa Rin, inilalarawan ang Kanyang pagiging ganap at walang hanggang presensya, mga katangian na lagpas sa pang-unawa ng tao.

Ito ay pahayag na lalago na kahanga- hanga habang ito ay patuloy na pinag- iisipan. Tulad ng ipinahayag nang buong damdamin ni Marty Pickup, “ Kahit na gaanong kalayo ang iyong nilakbay, Siya pa rin. Kahit na gaano pa kalayo ang iyong lalakbayin sa hinaharap, Siya pa rin. Kahit saan ka pumunta sa daigdig na ito mula sa kabilang tagpuan hanggang sa kabila, Siya pa rin. Siya ang buhay na Diyos, hindi patay, walang buhay. Tulad ng naglalagablab na puno, Siya ay walang kamatayan. Hindi tulad ng mga walang halagang diyos-diyosan ng mga Ehipcio, ang Diyos ay hindi lamang kaugnay sa isang bahagi ng kalikasan , sapagkat Siya ang lumalang ng lahat.

Ang mga kawal ng Diyos ay nagkakaroon ng tapang kahit na anong nakakatakot na gawain sa ating paglalakbay bilang mga Kristiyano. Hindi sila dapat magtiwala sa sariling kakayahan, nguni’t sa mga kakayahan ng buhay, masigla, walang hanggan at hindi nagbabagong Diyos.

Ipinakita sa atin ng Diyos ang mga halimbawa sa buong kasulatan na ang lakas ng Kanyang mga tao ay matatagpuan sa kanilang pananalig at umaasa sa Kanya, at hindi sa kanilang mga sarili. Mula sa pagbagsak ng Jericho hanggang talunin ni David ang higanteng si Goliath - ang Diyos ay pinigil ang mga hari na bilangin ang mga tao at magtipon ng mga kabayo sapagkat nais Niya na sa Kanya lamang umasa ang mga tao.

Kahit na ang karanasan ni Moses ay kakaiba, hindi marami sa atın ngayon ang tatayo sa pinuno ng pinakamalaking kaharian sa daigdig, iyon ay sumasalamin sa ating walang katiyakan sa ating paglalakad bilang Kristiyano. Tayo ay nakararamdam ng takot kung tayo ay tinatawag upang ibahagi ang Ebanghelyo, punahin ang isang kaibigan tungkol sa kanyang kasalanan, tumayo sa katuwiran para sa isang bagay na mahalaga sa Diyos Kung wala isa man na gagawa, o pagliwanagin ang ating ilaw sa madilim na daigdig. Nakikita natin ang ating damdamin ng kakulangan na nasasalamin sa puso ni Moses sa kanyang katanungan: “Sino ako para gawin ang napakalaking gawain?”

Ang Diyos ang nagpapalakas sa atin sa magkatulad na paraan tulad ni Moses, malimit na higit na ipinapakita ang kabutihan na hindi tayo naging karapat-dapat. Binibigyan Niya tayo ng lakas ng loob na ipagkatiwala sa Kanya ang lahat ng takot at pangamba sapagkat nagmamalasakit Siya sa atin (1 Pedro 5:7). Ang Kanyang katiyakan sa pamamagitan ni Jesus na nagpahayag, “Lagi ninyo Akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo” ( Mateo 28:20), ay katulad ng Kanyang pagpapalakas ng loob kay Moses. Kung tayo’y magtitiwala sa Kanya, hindi Niya pahihintulutan na tayo’y magapi kung ano man ang balak Niya sa atin. Siya ay may layunin sa atin, at ito ay Kanyang tutuparin (Awit 138:8).

Ibaling natin ang ating pansin na kakulangan sa Kanyang walang hanggang kapangyarihan...ibaling ang ating mga takot na umasa sa ating sarili at umasa sa Kanya. Ang Kanyang lakas na gumagawa sa atin at sa paligid natin ang magbibigay ng paglago sa ating pananampalataya

 (1 Corinto 3:6). Sino ako para gamitin ng Diyos? Ako ay walang halaga. Nguni’t ang Makapangyarihan na “Ako Nga” ay kasama ko, at dahil diyan, ito ay makakaya ko.


Previous
Previous

“Panginoon, Bakit Po Ninyo Ipalalasap ang Galit N’yo sa Inyong Mamamayan?”

Next
Next

Na Handa Siyang Magbago ng Isip