Na Handa Siyang Magbago ng Isip

By: Nicky McCall

Sampung salinlahi matapos ang mga salitang sinabi ni Noah tungkol sa hinaharap ng kanyang mga anak (Genesis 9:26), ay nakita natin si Abram, ang isang anak ni Shem, na nagtayo ng tolda sa lupain ng Canaan. Sa kanyang mahabang paglalakbay mula sa siyudad ng Ur sa Timog Mesopotamia, ay naranasan niya ang paghamak at pagkutya ng sina- unang daigdig na ang-akala na mayroon siyang kahihiyan kaya siya ay napilitang lisanin ang kanyang tahanan. Ito ang mga pangyayari na sinubok at hinugis ang pananalig ni Abram. Ang lalaki na may mapag- pakumbabang katangian, “isang banyaga at manlalakbay” sa daigdig na ito, ay tinawag na kaibigan ng kanyang Manlilikha (Santiago 2: 23). Para sa kanya, ang Diyos ay gumawa ng mga pangako na hindi kayang abutin ng tao. Para sa kanya, ang Diyos ay nagkaloob ng pag-iingat at malaking kayamanan. Para sa kanya, ang Diyos ay ipinakita ang susunod na salinlahi samantalang wala siyang anak na masasabing kanya at ang kanyang katawan ay parang patay na.

Ang kuwento ni Abram ay nakatali sa kuwento ni Lot, ang anak ng kanyang namayapang kapatid. Si Lot ay namuhay na kasama ng kanyang tapat na amain , na sinabi ng Diyos, “Pinili Ko siya para ipatupad niya sa mga anak at mga lahi niya ang utos Ko na gumawa sila ng tama at matuwid...”(Genesis 18:19). Makalipas ang libong taon, si Apostol Pedro ay nagpatunay ng katauhan ni Lot, isang matuwid na tao na naninirahan sa gitna ng mga masasama (2 Pedro 2: 7-8).

Ang kuwento ni Lot ay nag-iiwan sa makabagong taga-pakınig ng pagka- mangha: Paano ang matuwid na taong ito ay nasa gitna ng kasamaan sa Sodom at Gomorrah. Si Lot ay nagpasya na makisama sa masasama at nakasusuklam na mga siyudad nang kanyang makita ang kapatagan na makikita sa Genesis 13. Si Abram, ang kanyang asawang si Sarai, at si Lot ay dumating mula sa Ehipto, ang pook kung saan sila nakakita ng kanlungan sa panahon ng malubhang tag-gutom sa lupain ng Canaan. Ang Ehipto ay may saganang lupain sa paligid ng Nile, ang handog ng Diyos sa bansang iyon, ay nagbigay kay Lot ng masidhing pagnanais sa kanyang imahinasyon. Sa pagbabalik nila sa lupain ng Canaan, ang dalawang mayaman na lalaki ay nakita na hindi sila maaaring mabuhay na magkasama dahil sa malaking bilang ng mga hayop, ginto at pilak, at nagpasya na maghiwalay ng landas. Si Lot ang unang binigyan ng pagpili ng lupain, at tumanaw si Lot sa paligid, “at nakita niya ang kapatagan ng Jordan hanggang sa Zoar ay sagana sa tubig, katulad ng lugar ng Eden at ng lupain ng Ehipto” (bago pa nilipol ng Panginoon ang Sodom at Gomorrah) (Genesis 13:10).

Hindi mahirap isipin na ang magkatulad na masaganang pinagkukunan ay umakit sa mga tao, bago pa dumating si Lot,ay nagbigay ng kasaganaan at maalwang pamumuhay. Ang kaaliwan na hindi ipinagpapasalamat sa Lumikha, ay nagdudulot ng kasamaan. At ito ang landas na tinahak ng mga masasama (Genesis 13:13).

Ang mga alaala ng mga altar na ginawa ni Abram sa lahat ng dako kung saan sila humihimpil, ang mga handog na inialay niya bilang pasasalamat para sa pag-iingat at pangangailangan, mga panalangin at pangako na kanyang nakita, ay maaaring nagpanatili ng pananalig ni Lot sa kanyang pagtataguyod ng pamilya at ng asawa na magiging isang babala. Bagaman ang kasamaan sa kanyang paligid ay nagpahirap sa kanyang makatuwirang kaluluwa, si Lot ay nanatiling tapat sa Diyos.

Bagaman sila ay naghiwalay, ang ugnayan ni Abram at Lot ay hindi naputol. Nang ang samahan ng mga hari ay sinalakay ang Sodom at Gomorrah, at kinuha ang lahat ng kanilang ari-arian at mga tao, kasama si Lot, si Abram ay hindi nag-atubili at tinipon ang 318 na mga tauhan na maaasahan, mga isinilang sa kanyang sambahayan, at tinubos ang mga kaaway. Ang Diyos ay binigyan ng tagumpay si Abram, at nabawi ang lahat ng ari-arian at mga tao at ibinalik sa hari ng Sodom. Natunghayan ni Abram ang pagmamahal ng pamilya na nagkasama-samang muli at ang kaligayahan na naramdaman sa pag-aakalang wala ng pag-asa. Inaasam ni Abram na ang kahanga-hangang kaligtasan ay magbibigay ng tunay na pagsisisi at kumilos ng may diwa ng awa sa mga taong ito.

Ano ang batayan sa mga ganitong pag-iisip? Ang pagluhog niAbram sa Diyos nang ilahad ng Diyos ang Kanyang balak na lipulin ang dalawang masasamang siyudad: “Lilipulin N’yo po ba ang mga matuwid kasama ng mga makasalanan?” (Genesis 18:23). Ang dakilang pamamagitan ni Abram ay hindi lamang sa kapakanan ng kanyang pamangkin na si Lot, kundi para sa buong siyudad. Ang malaking simulain na nasa puso ng

tagapamagitan ay ang kilos ng Diyos ay hindi sapilitan kundi naaayon sa tunay na pamantayan ng katarungan at awa. Hindi siya nagmakaawa na ang masasama ay maligtas para sa kanilang kapakanan kundi para sa kapakanan ng mga matuwid na nasa paligid nila.

Ang wika na ginamit niya ay tulad sa isang mapagmahal na anak sa kanyang Amang nasa langit. Si Abram ay nagsalita nang may katapangan at pagtitiwala, nguni’t may malaking paggalang sa kanyang maka-langit na kamahalan. Ang pagpapasensya ng Panginoon ay kaagapay ng pagtitiyaga ni Abram. Sa bawat pakiusap na tinanggap ng Diyos, mula, “Kung mayroon po ba na 50 na matuwid sa lungsod na iyan”, hanggang sa “Halimbawa, 10 na lamang po ang nakita N’yong matuwid?”, ang kanyang kanyang pagiging masigasig ay may lakas ng loob.

Ihambing ang awa ni Abram para sa mga tao sa Sodom sa paghamak ni Jonah sa mga tao sa Nineveh. “Şumama ang loob” ni Jonah (Jonah 4:1) dahil sa pagpapatawad ng Panginoon sa Nineveh at galit na galit siya, pinaalalahanan siya ng Panginoon na ang mga taong iyon ay Kanyang nilalang, karapat-dapat na kahabagan at kaawaan. Ang lahi ng Assyria ay naniwala sa Diyos at ipinakita ang gawa ng pagsisisi. Ang bunga, ang “mahabagin at mapagmahal at hindi madaling magalit, at handang magbago ang isip na hindi na magdadala ng parusa” (Jonah 4:2), ay iniliban ang pagwasak sa malaking siyudad. Ang mga tao sa Sodom ay hindi katulad ng mga tao sa Nineveh. Ang kasamaan ng Sodom ay talamak, “ ang lahat ng mga bata at matatandang lalaki ng Sodom ay pinaligiran ang bahay ni Lot” (Genesis 19:4), at ang nag-iisang matuwid na nilalang sa siyudad ay hinamak at inuyam. Ang Diyos ay ginawa ang nararapat na parusa sa Sodom at Gomorrah sa pamamagitan ng pagpapaulan ng naglalagablab na asupre at ang lahat ng mga tao ay napuksa.

Ang wakas ng kuwento ni Lot ay sinagot ang katanungan ni Abram: “Lilipulin N’yo po ba ang mga matuwid kasama ng mga makasalana?” Ang matuwid na si Lot at ang kanyang pamilya ay nakaligtas sa poot ng Diyos. Sa kuwento ng pagliligtas kay Lot, nakita natin ang dahilan kung bakit : “naawa ang Panginoon sa kanya” ( Genesis 19:16).

Sa kabuuan ng Biblia, tayo ay paulit-ulit na pinaaalalahanan na ang Diyos ay nasa gitna ng pagdurusa. Nakita natin Siya sa naglalagablab na asupre sa Sodom at Gomorrah, nakita natin Siya sa kulungan ng leon, nakita natin

Siya sa nag-aapoy na pugon , at sa gitna ng bagyo sa Dagat ng Galilee. Siya ay naroon sa ating mga sakit, hawak ang ating mga kamay, alam kung bakit nasa ganoong kalagayan at nagkakaloob ng kaligtasan.

Kilala ni Abram ang Diyos . Kilala niya ang Diyos na makatarungan, banal, malalapitan, mabait, mapagmahal at maawain. Dahil sa kaalamang iyon,siya ay nakiusap nang may lakas ng loob at pagtitiwala, subalit iginagalang ang tugon sa Diyos na namamahala ng langit at lupa.

Ano ang aral para sa atin ngayon? Ang Diyos ay pumarito sa daigdig, sa gitna ng kasalanan at kamatayan, at inangkin tayong Kanya. Nasa atin ang isip ni Cristo na nagkakaloob ng wagas na karunungan nang İSA na ipinagkaloob ang lahat. Ang Kanyang mithi ay huwag tayong mag-atubili na lumapit sa trono ng maawaing Diyos upang tanggapin natin ang awa at biyayang makatutulong sa atin sa panahon ng pangangailangan

(Hebreo 4:16).


Previous
Previous

Sino Po Ba Ako Para Pumunta Sa Faraon ?

Next
Next

Ang Diyos na Nakakakita