Ang Diyos na Nakakakita

By : Amanda White, Houston, Texas

Kung ako ay nanonood ng pelikula kasama ang aking mga apo, sila ay binibigyan ko kung ano ang tungkol sa pelikula ( kung mayroon man ) upang kanilang maunawaan nang mabuti kung ano ang kanilang panonoorin. Ang nilalaman ay mahalaga. Katulad din ng tanong ng Diyos kay Hagar sa ika-16 na kabanata ng Genesis. “... saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta? (Genesis 16:8). Naiisip mo ba kung ikaw at ako ay tatanungin ng Diyos na nakakakita at nakakarinig?

Si Abram ay 75 na taong gulang nang siya ay tawagin ng Diyos mula sa Haran upang pumunta sa Ehipto. Dito gumawa ng pangako ang Diyos kay Abram (12:1). Ang tatlong pangako ay magkakaroon ng katuparan, hindi kay Abram, kundi sa kanyang mga susunod na lahi. Nguni’t siya ay walang anak. Sa Genesis 16, 11 taon na ang nakalipas, at ang asawa ni Abram, na si Sarai, na 75 na taong gulang na, ay nanatiling baog. Kaya nga, siya ay nagpasya. Siya ay pagod na sa paghihintay at nais ang isang madaling paraan. Ikaw ba ay nasa gayunding kalagayan? Ang iyo bang pagkilos ay dala ng takot o kawalang-tiyaga sa halip na pananalig? Si Sarai ay ibinigay ang kanyang alipin na si Hagar na taga Ehipto, kay Abram upang magkaroon ng anak na masasabing kanya. Sa maka lumang kultura, ang anumang pag-aari ng alipin ay pag-aari ng amo. Si Sarai ,na ginamit ang katwirang ito, ay nais na magkaanak si Hagar kay Abram...at tulad ni Adan, si Abram ay nakinig sa kanyang asawa. Siya ay sumang-ayon sa balak ni Sarai.

Si Hagar ay nagdalang-tao, at ang kanyang katayuan sa lipunan ay nagbago. Sa talata 4, si Sarai ay hinamak ni Hagar, tulad ng ginawa ni Peninnah kay Hannah sa 1 Samuel 1, si Sarai ay hindi na naging maganda ang pakikitungo kay Hagar. Ang anumang uri ng pagmamalabis ni Sarai kay Hagar ay nagtulak sa kanya upang lumayas kay Sarai. Dito siya natagpuan ng Panginoon, nag-iisa at nagdadalang-tao, sa bukal ng tubig na naroon sa ilang.

Ikaw ba ay mayroong mga sandali na nararamdaman mo na ang ibinibigay sa iyo ay hindi mo na kayang dalhin? O marahil, ang iyong mga kilos - na maaaring mabuti ang pakay - ay nagbigay ng bunga na nakagugulo o nagbibigay ng alinlangan sa iyo?

Sa unang pagkakataon sa kasulatan, si Hagar ay tinawag sa kanyang pangalan, ang Diyos ang nagsasalita (talata 7-8).

“ Nakita ni Hagar ang anghel ng Panginoon doon sa bukal ng tubig sa ilang. Ang bukal na ito ay malapit sa daan na papuntang Shur.

Tinanong siya ng anghel, ‘Hagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nang galing at saan ka pupunta?’”

Kapansın-pansin na kilalanin ang salita sa talata 7, “Ang Anghel ng Panginoon,” hindi ang isang anghel ng Panginoon. Sa 16:10, ay naroon ang pangako: “Pararamihin ko ang lahi mo na ang dami nila ay hindi mabibilang”- hindi Ito magagawa ng mga anghel, tanging ang Diyos lamang. At sa 16:13, sinasabi na ang Panginoon ay nakipag-usap kay Hagar. Ito kaya ay may kinalaman sa “theophany”, o sa may katiyakan “Christophany”? Ang anghel kayang ito ay si Jesus na hindi pa nagkakatawang-tao? Anuman ang ating nauunawaan, si Hagar ay naunawaan na ang Diyos ay nakita niya sa katauhan ng isang tagapag- hatid ng balita.

Sa anumang panahon ang Diyos (o si Jesus) ay nagtanong, ito ay hindi sa kanyang kapakanan. Alam niya ang lahat. Kay Adan ay sinabi Niya, “Nasaan ka? (Genesis 3:9). Kay Cain, “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” (Genesis 4:9). Si Pedro, na 3 ulit na tinanong ni Jesus, “Mahal mo ba Ako?” (Juan 21: 15-17). Alam ng Diyos ang lahat ng mga katugunan. Gayun nga, ang mga tugon ay hindi para sa Kanya, kundi doon sa pinag- tatanungan. Ang Diyos ay nag-aanyaya ng pagpapahayag at pagninilay, at ang mga tanong ay ibinibigay sa mga napahiwalay o lumayo sa Diyos upang bigyan sila ng pagkakataon na muling makipag-ugnayan sa Kanya. Isang mainam na kaisipan!

Si Hagar ay tinugon ang unang tanong, “ Lumayas po ako sa amo kong si Sarai” (8). Siya ay natagpuan sa “daan na papuntang Shur” na daan papuntang Ehipto. Ang tahanan niya. Nguni’t ano ang naghihintay sa kanya roon? Siya ba ay makakarating doon? Marahil ay hindi. Natagpuan mo ba ang sarili mo sa pangyayari na maaari o hindi sariling kagagawan at ang pagtakas ang iyong unang naisipan? Siya ay isang tumakas na alipin, pag-aari ni Abram at Sarai. Tulad ni Pablo na sinabi kay Onesimus na bumalik kay Philemon (ang kanyang amo), ang anghel ay nagsabi kay Hagar na bumalik kay Sarai at magpakumbaba siya. Ano ? Naiisip mo ba ang pakiramdam ni Hagar sa utos na ito? Bumalik sa pagmamalabis ni Sarai? Makipagkita kay Abram, na ama ng kanyang dinadala sa sinapupunan? Tanggapin ang anumang parusa na naghihintay, kahit ano pang kapintasan o kahihiyan at patı ang paglibak ng kapwa alipin? Paano niya matatanggap ang lahat?

Nguni’t Ang Diyos... ang Diyos ang tumulong kay Hagar, “Pararamihin Ko ang lahi mo (10), at sinabi na ang anak na lalaki na isisilang niya ay tatawagin sa pangalan na Ismael- “Ang Diyos ay makikinig.” Siya ay babalik kay Sarai sapagkat “ang Diyos ay pinakinggan ang kanyang pagtawag dahil sa kanyang pagtitiis.” Ito ang kanyang tugon. Siya ay mag babalık sa pagkakaalam na ang Diyos ng mga tao na kanyang pinaglilingkuran, kung saan siya ay nasaktan, ang Diyos na ito ay alam ang lahat ng nangyayari sa kanya. At ang Diyos ay nangangalaga! Hindi lamang Siya ang Diyos ni Abram at Sarai, nguni’t Siya rin ang Diyos niya. Sana ay nakita ko ang kanyang mukha na ang katotohanang ito ay kanyang naunawaan. Maliwanag, na naunawaan niya ang mensahe at siya ang unang tao na nakatala sa Biblia na nagbigay ng pangalan sa Diyos - El Roi, “Diyos na nakakakita.” Isang pagsasaalang-alang na ang unang tao na naitala na nagbigay ng pangalan sa Diyos ay isang alipin na inabuso ng mga taong pinili ng Diyos, ang babae na nagpahayag sa Diyos, “nakikita Niya ako” sapagkat ipinahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili, “Napakinggan Kita.”

Ngayon, nasaan ka? Saan ka nanggaling at higit na mahalaga, saan ka pupunta? Alamın natin na hindi sinagot ni Hagar ang pangalawang tanong. Ang Diyos ang tumugon nito para sa kanya, at ito’y ginagawa rin Niya sa iyo at sa akin. “Ang sinumang gustong sumunod sa Akin ay hindi dapat inuuna ang sarili. At dapat handa siyang humarap sa kamatayan alang- alang sa pagsunod sa Akin” (Mateo 16:24). Kung iyong isaalang-alang ang iyong nakaraan, pangkasalukuyan, at hinaharap, ang Diyos ay sumasaiyo at laging nasa iyo sa lahat ng Daan ng buhay. Sapagkat Siya ang “El Roi” - “Ang Diyos na nakakakita.”


Previous
Previous

Na Handa Siyang Magbago ng Isip

Next
Next

O Panginoong Diyos, Paano Ko Po Malalaman na Magiging Akin Ito?