Ang Mga Bagay na May Kinalaman sa Puso

“ Kayong mga tao sa buong mundo,

sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon !

Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa Kanya na umaawit sa tuwa.

Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Diyos ! Siya ang lumikha sa atin at tayo’y sa Kanya. Tayo’y Kanyang mga mamamayan na

parang mga tupa na Kanyang

inaalagaan sa Kanyang pastulan. Pumasok kayo sa Kanyang templo nang may

pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa Kanya.

Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag ibig Niya’y walang hanggan,

at ang Kanyang katapatan ay magpakailanman !”

Kamakailan, ako ay nakikipag usap sa aking 10 taong gulang na anak na babae tungkol sa mga batas at mga pinuno ng bansa. Pinag uusapan namin ang iba’t ibang pangulo at mga politikal na kuro kuro. Pinag uusapan namin kung bakit ang mga tao ay bumoboto sa paraan na nais nila at ano ang kahulugan nito sa atin bilang Kristiyano. Siya ay nagsasalita nang higit sa akin, at sa idad na sampung taon ay mahilig magsalita, at may kuro kuro sa maraming bagay. Nguni’t tinapos niya ang pag uusap sa pagsasalita na, “Ako’y nagtataka kung bakit hindi na lang nila gawing batas ang pagsamba sa Diyos.” Ngayon, sa kanila na ang katotohanan ay hindi siya nakikinig nang mabuti sa pag uusapan namin tungkol sa mga pinuno, ito ay isang malaking segway sa isang mas makabuluhang pag uusap.

Ang mga pagpunang ito ay nagpapaalala sa atin ng maka Diyos na mga hari sa kasulatan. Isang malaking paghanga kung tayo’y nasa Jerusalem noong araw na ang Kahon ng Kasunduan(ark) ay dinala sa templo ni Solomon ( 1 Kings 8 ; 2 Chronicles 7 ). Upang makita ang kaluwalhatian ng Diyos na bumalot sa templo ng Diyos. Upang marinig ang mga papuri at paalaala ni Solomon. Upang makipagdiwang sa mga piniling tao ng Diyos. Ang kasulatan ay nagsasaad, “ Nang matapos ni Solomon ang kanyang panalangin, May apoy na bumaba mula sa langit at tinupok ang handog na sinusunog at ang iba pang mga handog, at nabalot ng makapangyarihang presensya ng Panginoon ang templo. Hindi makapasok ang mga pari sa templo ng Panginoon dahil ang makapangyarihang presensya ng Panginoon ay bumalot sa templo. Nang makita ng lahat ng mga Israelita ang apoy na bumaba at ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa ibabaw ng templo, lumuhod sila at sumamba sa Panginoon na may pasasalamat. Sinabi nila, ‘Ang Panginoon ay mabuti; ang pag ibig Niya ay walang hanggan’”( 2 Chronicle.7:1-3 ). May naiisip ka ba na mas kahanga hangang panahon sa kasaysayan ng mga tao ng Diyos dito sa mundo ?

Sa Awit 100:1, sinabi ng mang aawit, “Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon ! Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon ! Lumapit kayo sa Kanya na umaawit sa tuwa !” Ang salitang “sumigaw nang may kagalakan” ay mula sa salitang rua sa Hebreo na nangangahulugan ng sumigaw. Ito ay salita na malimit gamitin sa Lumang Tipan sa panahon ng digmaan o sa tagumpay. Ito ay ang pagbubuhos ng

sukdulang damdamin. Ito ay nagpapakita ng mga puso at paghikayat ng nagpapahayag at inilalarawan ang pagsamba noong ihandog ni Solomon ang templo.

Nguni’t hindi lumipas ang maraming taon, na si Isaiah ay hinulaan ang pananakop sa Jerusalem na ang parusa sa Israel ay hindi bunga ng kawalan ng pananambahan o pag aalay, kundi ang kakulangan ng matapat na puso. Sa Isaiah 29:13,

“ Sinabi ng Panginoon, ang mga taong ito’y nagpupuri at nagpaparangal sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, pero ang puso nila ay malayo sa Akin. At ang pagsamba nila sa Akin ay ayon lamang sa tuntunin ng tao.”

Ang hulang ito ay ibinigay noong panahon ni Hezekiah. Ang pananambahan ay muling ginanap at ang mga tao ay ipinagdiwang ang unang Pista ng Paglampas makalipas ang maraming taon. Nguni’t makikita natin sa mga talata- na bagaman ang takot at utos ng Diyos ay itinuro, sa mga sumunod na salin lahi at pinarangalan- ang kanilang mga puso ay malayo sa Diyos. Ang mga salitang ito ay malakas na babala sa mga relihiyosong tao. Maliwanag kung ano ang kailangan sa maka Diyos na pagsamba-kasama ang paglilingkod at sakripisyo- ay ang kagalakan ng puso. Si Jesus ay tinuran ang mga salitang ito sa mga Pariseo sa pagsasabi ng pagkakaiba ng “paglabag sa utos ng Diyos dahil sa kanilang mga tradisyon” at ang halaga at katunayan ng isang mabuting puso (Mateo 15:1-20). Ipinagpatuloy Niya ang mga salitang ito sa pamamagitan ng mga talinghaga sa. Kanyang pagpapahayag.

Nguni’t ito ay hindi konsepto ng “bagong kasunduan.” Sa Deuteronomio 27, si Moses at ang matandang mga pinuno ay inutusan ang mga mamamayan ng Israel na maghanda sila sa pananambahan sa lupang pangako. At sa susunod na kabanata 28, ang mga mamamayan ay ipinaalala sa kanila ang mga pagpapatala sa mga tapat at ang sumpa sa mga hindi tapat. Sa talata 45, “Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang Panginoon na inyong Diyos at ang Kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay Niya sa inyo. Dahil hindi kayo naglingkod nang may kaligayahan at kagalakan sa Panginoon...” Makikita natin, na ang kagalakan ng puso at pagsunod ay parehong mahalaga sa tapat na pananambahan.

Sa pagbabalik sa Awit 100, bakit kailangang sumigaw nang may kagalakan sa Diyos? Bakit kailangang maglingkod sa Panginoon nang may kagalakan? O, kaya’y lumapit sa Kanya nang umaawit? Sapagkat sa talata 3 ay sinasabi sa again

“.... Ang Panginoong Diyos !

Siya ang lumikha sa atin at tayo’y Kanya

Tayo’y Kanyang mga mamamayan na parang mga tupa na inaalagaan sa Kanyang pastulan.”

Tayo ay sumisigaw sa tagumpay sapagkat ang Manlilikha ay inaangkin at inaalagaan tayo. Bakit kailangang pumasok sa Kanyang templo nang may pasasalamat at pagpupuri ? Bakit kailangan Siyang pasalamatan; bigyan ng papuri ang Kanyang pangalan? Sapagkat,sinabi ng mang aawit : “...Mabuti ang Panginoon ;

Ang pag ibig Niya ay walang hanggan,

at ang Kanyang katapatan ay magpakailanman !”

Tayo ay nagpapasalamat at nagpupuri sa Kanyang pangalan sapagkat ito ang nararapat na tugon sa Kanyang walang katulad na pagmamahal at katapatan.

Kung ang isang pinuno kaya ng bansa ay kinuha ang payo ng aking anak at iniutos sa kanyang bansa na sambahin ang Diyos, magbago kaya ang puso ng mga tao? Ito ay hindi nangyari sa panahon ni Solomon. Unti unti, ang kanyang maningning na templo ay nahubaran at binago upang pagsilbihan ang mga pangangailangan ng mga dumasamba sa mga diyos diyosan hanggang ito’y tuluyang nawasak at hindi na nakilala- tulad ng sinabi ni Moses.

 Ngayon, bakit tayo naglilingkod? Sapagkat tayo ay tinuruan na matakot sa Diyos at pumunta sa simbahan? Tayo ba ay sumasamba tuwing linggo upang iwasan ang pagtatakwil ng pamilya, kaibigan o ang sampung taong gulang na bata? Nauunawaan ba natin ang kung sino tayo sa pakikipag ugnayan sa Diyos? SIYA ba ang puso ng ating pagsamba? Ang mga tradisyon at kinagawian ay madali, ngunit mga kapatid kong babae, nawa’y ang mga salita ni Pablo ay manatili sa atin. “ Tuwing naaalala ko ang plano ng Diyos, lumuluhod ako sa pagsamba sa Kanya. Siya ang Ama ng mga nasa langit at sa lupa na itinuturing Niya na Kanyang pamilya. Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan Niya ay palakasin Niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu para manahan si Cristo sa mga puso ninyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinapanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag ibig ng Diyos, para maunawaan ninyo at ng iba pang pinabanal kung gaano kalawak, at kahaba, at kataas, at kalalim ang pag ibig ni Cristo sa atin. Maranasan n’yo sana ito, kahit hindi ito lubusang maunawaan, para maging ganap sa inyo ang katangian ng Diyos. Purihin nawa ang Diyos na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan Niyang kumikilos sa atin. Purihin natin Siya magpakailanman dahil sa mga ginawa Niya para sa iglesya na nakay Cristo Jesus. Amen”

( Efeso 3: 14-21 ).


Previous
Previous

Muling Bigyan ng Buhay ang Pananambahan

Next
Next

Paglilingkuran Ko Siya Nang May Kagalakan