Muling Bigyan ng Buhay ang Pananambahan

Carrae Gibbons , Atlanta , GA

Ano ang sinasabi ng ating pananambahan tungkol sa ating pakikipag ugnayan sa Diyos? Ikaw ba ay lubhang natatalo ng iyong pag iisip at mga pangyayari na ang iyong pananambahan ay nanghihina? Ikaw ba ay nasisiyahan sa hindi mainam na pananambahan? Marahil ay panahon na ito upang muling bigyan ng buhay ang pananambahan, ang pagbabago ng puso. Kung minsan, ang buhay ay pinatatahimik ang ating pagpupuri, nguni’t si David ay may himpilan upang palakasin muli ang ating pananambahan.

Sambahin ang Panginoon nang may kagalakan. Ikaw ba ay napuno ng katuwaan sa pag iisip na makita ang isang tao? Marahil ay isang magulang na malayo dahil sa gawain, ang lolo at lola na naninirahan sa ibang lugar, ang kababatang kaibigan, o ang asawang naglalakbay. Kung sinuman ang iniisip mo, tiyak ko na ito’y isang malaking pagdiriwang sa inyong pagsasamang muli. Ikaw ba ay nasasabik sa pagdating ng sinuman na may pasasalamat sa pagkakataon, na wala kang paglagyan ng kasiyahan? Ikaw ay naghanda para sa ganitong pagkikita nang may pag asam. Habang ikaw ay naghahanda, ikaw ay naglalaan ng hakbang upang tiyakin na ang pagkikita ay natatangi, isaalang alang ang bawat detalye, binabalikan ang huling pagkikita na ang iyong puso ay nasasabik sa muling pagkikita. Ikaw ba lubos na nananabik na ito’y iyong nasasambit dahil hindi mo mapigilan ang iyong sarili? Sinasabi ito sa ibang tao, ikaw ay umaawit, maaaring mapasigaw ka sa kasiyahan.

Ngayon, ay isipin mo na ang inaasahang pagkikita ay hindi magkatulad na pagmamahal, lakas at marubdob. Isipin mo na ang taong iyong hinihintay ay hindi nananabik , hindi mabuti ang pagtanggap o kumikilos lang dahil kailangan. Panginoon ko.

Ako ay nalulungkot na isipin na ang Diyos ay mararamdaman na ang ating pananambahan ay hindi buhat sa malinis na kagalakan at pasasalamat. Nakakasakit ng loob na ang ating pakikiharap sa Diyos ay nagbabago ayon sa mga pangyayari, masamang kalagayan ng pag iisip at kawalan ng kasiyahan. Gayunman, ito ay malimit na nangyayari. Ang totoo, ang ating pansarili at maramihang pananambahan ay malimit na mahaba, walang kinang At sang ayon lamang sa ating kakayahan na makipag ugnayan sa Diyos.

Ang Tawag upang Magpuri at Magpasalamat. Sa Awit 100, ay tumawag na magpuri at magpasalamat sa limang talata. Ang mga talatang ito ay nagpipilit na muling bigyan ng halaga ang ating espirituwal na kalagayan at pagpupunyagi patungo sa Diyos. Ating isaalang alang na ang ating pananambahan ay ang pinakamalaking pasasalamat sa Diyos. Sa Kabila ng lahat, sa pamamagitan ng pananambahanay kinikilala natin kung sino Siya, ipahayag na tayo’y umaasa sa Kanya, at ipahayag ang ating pagtanaw ng upang na loob. Bakit? Sapagkat Siya ay mabuti at tayo ang Kanyang mga mamamayan.

Sa unang talata, sinimulan ni David ang utos sa pisikal na pagpapahayag: “Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon.” Ito ay pangkalahatan. Walang hindi kasama sa pagpapahayag ng pasasalamat. Tinuturuan natin ang ating mga anak na magpasalamat, na magsabi na mahal kita, at makipagsaya sa tagumpay. Tayo umaasa sa ating asawa, mga kaibigan at pamilya na purihin tayo, na sabihin ang kanilang utang na loob, at batiin tayo nang may nakawiwiling mga salita. Bakit ngayon, ay hindi natin binibigyan ng halaga ang Diyos? Ang Diyos- na lumikha ng daigdig, na patuloy na nagkakaloob ng lahat ng pangangailangan natin at isinugo ang Kanyang Anak upang ipagkasundo tayo sa Kanya? Isinasama ba natin ang ating pananambahan sa ating kaginhawahan o kakulangan nito? Sinasabi ng ilan, “Ako ay mahiyain”, ang sabi ng iba, “Hindi ko iniisip na iyon ay mahalaga”, at ang iba ay nananambahan sang ayon sa kanilang kagustuhan. Sa ikalawang talata, tayo ay inatasan “Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa Kanya na umaawit sa tuwa.” Muli, ay tinanggap natin ang utos na pisikal na pagpapahayag- sa

pamamagitan ng awit at paglilingkod- na may kilos na nagpapahayag ng malaking tuwa. Ang ating pakikitungo sa Diyos ay hindi dapat na naaayon sa pangyayari. Hindi tayo mamimili kung pupurihin ang Diyos nang may kagalakan. Muli, ang utos na ito ay para sa lahat, sa lahat ng oras.

Kilalanin natin kung sino Siya at sino tayo sa Kanya. Sa ikatlong talata, sinabi ni David, “Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Diyos.” Ito ay humihingi ng pang unawa at pagtanggap sa maka langit na bahagi ng Diyos sa ating buhay. Sinabi pa na, “Tayo’y Kanyang mga mamamayan.” Nararamdaman natin ang galak na mapabilang sa Diyos. Nang tinawag tayo ng Diyos na Kanyang tao, binibigyan Niya ang Kanyang sarili ng pananagutan na pagkalooban at ingatan tayo. Isaalang alang mo ang iyong pansariling pakikipag ugnayan : ito ang aking asawa, ito ang aking anak, ito ang aking kaibigan. Kung sinasabi ko ang mga bagay na ito, ay nilalagyan ko ng halaga, inuuna ang dapat unahin, lakas sa pagpapalago ng ugnayang ito. Ako ay kusang nagsasakripisyo, gumagawa ng kailangan, at kilalanin ang kanilang kakulangan sa aking buhay. Ngayon, ano ang kahulugan kung sinasabi natin, “Siya ang aking Diyos at ako’y sa Kanya”? Ang pahayag bang ito ay nagbibigay ng takot,ng hapis o kalungkutan? Ito ba ay nakabibigat sa iyo? Hindi ! Kailangan nating makita ang dalisay na kagalakan sa pagbanggit sa Kanyang pangalan. Ako ay pinagpala na maging Kanya. Ako ay may karangalan na maging Kanya. May pagmamalaki at pag asam, ipahahayag ko na Siya ay Diyos at ako’y sa Kanya.

Pasasalamat. Para sa ilan sa atin sa America, kapag narinig natin ang salitang “Thanksgiving” o “Pasasalamat”,malimit ito ay nagpapahiwatig ng mga pagkain. Iniisip natin ang pagdiriwang kung saan tayo ay sama sama ng mga mahal natin sa buhay na nagsasalo salo na ang mga pagkain ay parang sa mga hari at reyna. Marahil ito ay nagpapaalala kung ang mga pagtitipon na ito ay nagpaparamdam ng pagmamahal sa atin. Marahil ito ay nagpapaiyak sa atin kung paano tayo ay pinagpala. Marahil ito ay nagbabadya na tumigil sandali at balikan kung gaano na kalayo ang narating natin.

Ano kaya-ano kaya kung ang iniisip natin ang Kanyang pag ibig, ang Kanyang presensya, ang Kanyang pagtubos ay magtulak sa atin na magbigay ng papuri tuwing papasok tayo sa Kanyang bulwagan? Ano kaya kung putulin natin ang lahat ng kaabalahan, ang araw araw na balakid, at kabiguan sa buhay, at Siya’y sambahin na lamang, walang mga pang aabala at kawalang gana na nagpapahina sa atin? Kailan ang huling panahon na ikaw ay naghanda para sa pansariling pakikipag ugnayan sa Diyos? Kung matagal na ito, kunin mo ang oras ngayon upang magdili dili kung sino Siya sa buhay mo.

Huwag kang maging pikon na Kristiyano. Iniisip natin ang isang tao na walang kasiyahan, laging nagrereklamo, at tinitingnan ang kailaliman kung saan babagsak. Tiyak ko na makaharap ka na ng isang pikon na kawani, o isang galit na mamimili, na sarili lamang ang iniisip at puno ng negatibo. Ang nakakatuwa, ay lagi silang nakikita. Sila ay nagpapakita na akala nila ay sila ay may karapatan at masamang lakas na akala nila ay katanggap tanggap. Maaari ba na hindi nila iniisip na ang kanilang ugali ay naaapektuhan ang lahat? Ang paglilingkod na may masamang kilos ay masamang paglilingkod. Ang pagtanggap ng regalo nang hindi nagpapasalamat ay kawalan ng utang na loob. Ito ay katulad din sa ating pananambahan at pagpupuri. Maaari ba na, bilang Kristiyano, ay tama lang na tayo’y nagpakita? Ang pananambahan na walang angkop na kilos o ugali, ay walang puso na matutong magpasalamat, walang pagkilala kung sino ang Diyos, ito ay hindi nakalulugod sa Kanya.

Paano natin sasambahin ang Panginoon nang may kagalakan? Hinahamon ko kayong lahat na buksan ang ating mga labi at magbigay ng papuri- sa buong pagsamba sa Diyos- sa lahat ng bagay, sa lahat ng kalagayan, at lahat ng pangyayari. Gumawa ng pag aayos ngayon. Huwag maghintay. Manalangin ngayon, na ang iyong pananambahan ay kasiya siya sa Kanya. Magnilay inlay sa Kanyang Salita. At sa wakas, magtiwala sa Kanyang pangako sa ika limang

 talata, “Dahil mabuti ang Panginoon, ang pag ibig Niya’y walang hanggan, at ang Kanyang katapatan ay magpakailanman.”

May katiyakan sa Kanyang mga pangako. Maaasahan natin Siya. Siya ay laging naroon at patuloy na naroon.

Hanggang kailan Niya panghahawakan ang Kanyang Salita ? Magpakailanman! Hanggang kailan ka tatawagin na Kanya ? Magpakailanman !

Hanggang kailan ka Niya mamahalin ? Magpakailanman !

Hindi ka ba natutuwa? Ngayon, sambahin natin ang Panginoon nang may kagalakan !


Previous
Previous

Kaawa awa ang mga Nabubuhay sa Ginhawa

Next
Next

Ang Mga Bagay na May Kinalaman sa Puso