Kaawa awa ang mga Nabubuhay sa Ginhawa

Si Amos ay hindi ang halimbawa ng isang propeta. Siya ay isang pastol ng mga tupa mula sa Tekoa. Ang mapurol at namumuhay bilang pastol ay ipinadala sa hilagang kaharian ng Israel upang magpahayag sa isang makasarili, nasusuhulan at mayamang antas ng lipunan. Ang kanyang aklat ay naitala sa pagitan ng 760- 750 BC nang si Uzziah ay hari ng Judah at si Jeroboam ay hari ng Israel. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugan ng “dalhin” o kaya’y “tagadala ng pasanin,” at tunay nga na siya’y nagdala ng pasanin ng mabigat na mensahe sa kanyang mga kalapit bahay sa hilaga.

Si Amos ay nagdala ng mensahe ng kahatulan sa iba’t ibang pulutong, kasama ang nasa labas ng Israel- Edom, Moab, Tyre, Gaza at Damascus. Ang kanyang aklat ay kalakip ang hatol ng Diyos at mga pangitain at tinapos sa mensahe ng kaligtasan. Gayunman, ang isang paksa na inuulit sa aklat ay tungkol sa “katarungang panlipunan.” Ang salitang ito ay malimit na ginagamit sa kulturang kanluranin na kakaiba sa sinasabi ni Amos. Sa paghahanda sa saligan, sa maraming bahagi ng mundo ngayon, ang mga tao ay namumuhay nang may antas ng kasaganaan at kaginhawahan na hindi narinig sa mga hari at pinuno sa buong kasaysayan. Maraming beses, ang mga kayamanan ng mga nasa mataas na lipunan ay nakuha dahil sa pang aapi ng kapwa sa pamamagitan ng panunuhol. Hindi lamang ito kapabayaan sa mga nangangailangan, kundi pagyurak din sa mga mahihirap sa lipunan. Si Amos ay hayagang magsasalita sa mga taong ang kasaganaan ay kinukuha sa mga taong walang kakayahan.

Sinimulan niya ang hatol sa Israel sa pagsasabi na “ ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang ng sandalyas ang utang” (2:6). Kailangan nilang ipagbili ang mga may utang sa kanila bilang alipin. At sa 2:8, ay mayroong tiyak na paglabag sa utos ng Diyos sa Exodus 22:26-27, na huwag kunin ang balabal bilang sangla o garantiya. Hindi lamang nilalabag ng mga taong ito ang utos, nguni’t ginagamit pa ang balabal sa altar na kinuha bilang sangla- ipinagmamalaki pa ang paglabag.

Sa kabanata 4, ay itinuro ni Amos ang tanging pulutong- ang mayayamang babae sa Israel at tinawag silang “mga baka ng Bashan.” Ang Bashan ay masaganang pastulan sa hilagang Israel kung saan ang kanilang kawan ay dinadala upang patabain bago katayin. Ang mga babaeng ito ay hindi ginagamit ang kanilang kayamanan para tumulong sa mga mahihirap, sa halip ay inaapi ang mahirap at pinagmamalupitan ang mga nangangailangan. Binigyan ng liwanag ni Amos sa 3:15, ang antas ng kasaganaan ay makikita sa kanilang pang tag araw at pang taglamig na mga tahanan ay napapalamutian ng mga pangil ng elepante. Ang mga babaeng ito ay nakahiga sa karangyaan at nag utos sa kanilang mga asawa na dalhan sila ng maiinom. Ang hatol sa kanila ay mabagsik; sinasabi ni Amos na sila’y bibihagin ng mga kaaway na gaya ng pagbingwit sa isda (isang pagtukoy sa gawa ng mga taga Assyria sa mga nahuli nilang mga kaaway na nilalagyan ng kawil ang ibabang labi).

Ang mga taong ito ay “kumikilos” na parang banal, nguni’t ang Diyos ay namumuhi sa mga ito. Sa 5:21-26, sinabi ng Diyos sa mga Israelita, “ Napopoot ako sa inyong mga pista; hindi Ako nalulugod sa inyong ginagawang pagtitipon. Kaya kahit dalhan pa ninyo Ako ng sari saring handog ay hindi Ko tatanggapin. Tigilan na ninyo ang maingay ninyong awitan.Ayokong marinig ang tunog ng inyong mga alpa. Sa halip, nais kong makita na pinaiiral ninyo ang katarungan at katuwiran na parang ilog na patuloy na umaagos.”

Sa kabanata 6, sinabi ni Amos, “ nakakaawa kayong mga pinuno ng Zion at Samaria na nagpapasarap sa buhay at walang pakialam” (1). Sila ay nakahiga sa mga kama na napapalamutian ng mga pangil ng elepante at nagpapakabusog sa masasarap na pagkain ng karne ng batang tupa at ng pinatabang guya. Sila ay malakas na umiinom ng alak. Ang hindi nilang ginagawa ay ang magdalamhati sa sasapiting pagbagsak ng kanilang bansa. Sila ay naging hambog at “binaligtad ang katarungan at ginawa itong masama”(12). Sila ay naiinip na matapos ang Araw ng Pamamahinga upang makapagbenta ng mga inaning butil at makapandaya sa mga mamimili sa pamamagitan ng madayang timbangan (8:5). Ang mga pahayag na ito ay magbibigay ng larawan ng mga mayayaman sa Israel. Pansinin na sila’y nakakaramdam ng kaginhawahan at kapanatagan, nguni’t sinabi ni Amos na ang kanilang kapanatagan ay hindi magtatagal. Ang kanilang pagkawasak ay mangyayari sa madaling panahon.

Ang mensahe ni Amos ay hindi kinikilala. Si Amaziah, isang pari sa Bethel ay nagtangka na paalisin siya sa bayan at nakipag usap kay Haring Jeroboam na si Amos ay may binabalak na masama. Hindi natakot si Amos at ipinahayag ang salita ng paghatol kay Amaziah at ipinagpatuloy ang kanyang propesiya. Sinabi niya na siya’y tinawag ng Panginoon upang ipahayag ang mensahe.

Ang aklat ay nagwakas na may pag asa sa kabanata 9:11-15, nagsasabi na ang Diyos ay muling itatayo ang mga nagiba at ibabalik ang kayamanan ng mga tao. Makikita na, hindi ang kayamanan ang suliranin- kundi ang paraan ng mga tao sa pagkakamit ng kayamanan at kung paano ito hawakan. Ang mga puso nila ay masama. Sa lahat ng tao, dapat na naunawaan nila kung paano pakitunguhan ang tao at kumilos ayon sa utos ng Diyos- nguni’t hindi rin sila naging mabuti tulad ng ibang bansa sa paligid nila.

Ngayon, ano ang aral nito para sa atin ? Bagaman, ito ay isinulat para sa mga tao noon, mayroon ding katotohanan na magagamit natin sa ating buhay ngayon.

1. Isinaalang alang ba natin kung paano pakitunguhan ang ibang tao? Tinitingnan ba lang natin ang ating sarili, kahit na ito ay makakasama sa iba? Isinaalang alang ba natin na mayroong makataong sangkot sa ating gawain?

2. Paano natin binibigyan ng halaga ang biyaya ng Diyos kung tinatanggap natin? Tayo ba ay mapagbigay o kuripot at naghahangad pa nang marami?

3. Tayo ba ay nasisiyahan at maginhawa? Tayo ba ay namimighati sa kalagayan ng mundo sa paligid natin?

4. Tayo ba ay masiglang naghahanap sa Diyos upang magkaroon ng tunay na buhay o itinuturing ang relihiyon na panandaliang pagtitipon na pagtitiisan hanggang “”masunod ang buhay” ?

5. Tayo ba ay naiiba sa mga nasa paligid natin? Alam ba natin ang “mabuti” nguni’t hindi kumikilos nang mabuti?

Ipinapanalangin ko na tatanggapin natin ang mapurol na salita ni Amos sa ating mga puso at pag aralan ang aral na kanyang ipinahayag. Tayo nawa ay makilala bilang mga tao na may katarungan at katuwiran, hindi ng pagwawalang bahala at kasakiman.


Previous
Previous

Marumi Tungo sa Kalinisan

Next
Next

Muling Bigyan ng Buhay ang Pananambahan