Marumi Tungo sa Kalinisan
Awit 51: 1-2
“ O Diyos, kaawaan N’yo po ako, ayon sa Inyong tapat na pagmamahal. At ayon sa Inyong labis na pagmamalasakit sa akin, ang lahat ng pagsuway
ko ay Inyong pawiin at ako’y patawarin. Hugasan N’yo ako at linisin N’yo nang lubos sa aking kasamaan !”
Ako ay nagagalak sa gawain sa aking bakuran. Nagagalak ako sa pagtatanim, pagdidilig at pakainin ang mga halaman na nagbibigay ng kasiyahan sa pagsibol. Ako ay naaaliw sa gawain, pagpapakahirap at pawis na nagbibigay ng kasiyahan sa pagmamasid sa napakagandang nilikha ng Diyos. Subalit kung tapos na ang aking gawain, ako ay puno ng mga dumi sa araw na iyon; basura, pollen, salubsob at galos na nasa aking katawan. Mula ulo hanggang paa, sa ilalim ng mga kuko, at sa bulsa ng aking damit, ay may dumi, damo, maliliit na sanga at maliliit na kulisap. Sa pagsapit ng hapon, ang bakuran ay bahagi ng aking katawan, at ang aking damit ang pinakamarumi. Isang malaking pag asam ang ako’y makapaligo- upang maglinis sa mga bunga ng paghahalaman na hindi kaaya aya. Ako ay nangangati at hindi mapalagay o makapagpahinga hanggang hindi ako naka paglilinis. Habang ang aking bakuran at lahat ng likha ng Diyos ay biyaya, ay walang ginhawa kung ikaw ay marumi . Habang ako’y naliligo, ang sabon at tubig na umaagos sa aking katawan, iniisip ko kung paano ang Diyos ay pinagkakalooban ang aking kaluluwa nang magkatulad na kapayapaan at paglilinis. Sinabi ni David sa Awit 32:1-2, “ Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng Panginoon. Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon, at walang pandaraya sa kanyang puso.” Tunay nga, na walang kapahingahan, walang kapayapaan at walang kasiyahan sa karumihan. Kung ako ay malinis, at pagod sa maghapong gawain, ay nararamdaman ko ang maganda at maalab na kapayapaan at kapahingahan sa aking pagod- nguni’t malinis na katawan.
Sa kasamaang palad, ang paglilinis, ang pamamahinga, ang kapatawaran na ating minimithi ay hindi makakamtan kung hindi natin nauunawaan ang ating mga kasalanan. Alam natin na kung tayo ay marumi, tayo ay nangangati, ang mga salubsob ay nakagagambala sa atin, ang mga galos ay nakayayamot at nagpapaalala na ang dumi sa mundo ay nananatili sa atin. Si David ay tila ba may pakiramdam sa kasamaan na nagpapadumi sa kanyang kaluluwa. At, dagdag pa niya, ay ipinahayag niya ang awa ng Diyos upang siya’y patawarin sa pamamagitan ng tapat at hindi mapantayang pagmamahal ng Diyos. Siya ay nasasabik na pawiin ng Diyos ang lahat ng bahid ng dungis sa kanyang puso, pananalita at pag iisip. Isipin natin ang tukso kay David na hindi makita ang sarili na may kamalian; tunay na mayroon sa paligid niya nagbabadya ng kanyang kagitingan. Si David ay malakas, makapangyarihan, maraming nagmamahal sa kanya, siya ay pinararangalan ng bansa. Siya ay nakatalaga dito sa mundo na laging “maging tama”, “bigyan ng katarungan sa lahat ng ginagawa”, at manatiling nasa itaas sa kabila ng pagbibintang o pagwawasto. Gayunman, kung ang iba ay nag aalinlangan na sabihin kay David ang kanyang mga pagkukulang, si David ay nakapagsuri sa kanyang puso at mga gawain na may pagsisisi sa espiritu at puso.
Tayo ay nabubuhay sa mundo na minamasdan na ang pagtanggap sa kamalian ay kahinaan ng pagkatao. Ang daigdig na nararamdaman na ang pagtanggap sa kamalian ay maaaring iwasan sa pamamagitan ng mga dahilan at paninisi. Tayo ay nabubuhay sa maling realidad- kung saan ang kasalanan ay hindi “malaki” tulad ng sinasabi ng iba, o ang kahinaan ay hindi maiiwasan; samakatuwid, ito ay hindi matatakasan. Ang kalikasan ng tao ay nag iiwan nang walang laman;
sa lahat ng ating ginagawang pag iwas sa tunay na pagpapahayag ng kasalanan at nagtitikang puso, tayo ay hindi makakaranas ng kapayapaan.
Sa pagharap sa ating makasalanang kalikasan at pagkilala sa ating mga kamalian ay mahirap. Hindi ito kasiya siya. Ito ay nakakahiya, ito ay nakakadiri, at ito ay mahirap. Nguni’t kung hindi natin kaya ang lalim ng ating kasalanan, ay hindi natin mauunawaan ang biyaya ng kapatawaran. Si Juan, ang pinakakamahal na alagad ng Panginoon, ay tinalakay ang kahalagahan ng pag unawa na ang ating kalagayan ay makasalanan, at ang basbas ng pagpapatawad ay nagbibigay sa atin na lumakad sa kalinisan at pakikipag isa sa ating Panginoon.
“ Ito ang mensaheng narinig namin kay Jesu Cristo at ipinapahayag naman namin sa inyo. Ang Diyos ay liwanag at sa Kanya ay walang anumang kadiliman. Kung sinasabi nating may pakikiisa tayo sa Kanya nguni’t nabubuhay naman tayo sa kadiliman, nag sisinungaling tayo at hindi namumuhay nang ayon sa katotohanan. Nguni’t kung nabubuhay tayo sa liwanag, tulad ng Diyos na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na Kanyang Anak sa lahat ng kasalanan. Kung sinasabi natin na wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. Nguni’t kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin Niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid Siya.” 1 Juan 1: 5-9
Tulad ni Juan at ng magandang awitin ni David, tayo ay makalalakad na alam ang kasalanan, pinagsisisihan ang mga kasalanan, pinatawad ang mga kasalanan at may pagpapasya na mamuhay sa maliwanag na daan ng katuwiran - malinis at bago, nilinis sa dugo ng Tupa.
At paano ang mga kasalana na hindi natin nakikita, ang mga kasalanan ng kamangmangan, o hindi natin alam? At paano ang buhangin at maliliit na dumi na nakatago sa mga sulok ng aking damit, ang alikabok na hindi nakikita sa aking katawan sa aking pagpasok mula sa labas? Ang tubig at sabon, ang paglalaba ay hindi ba nakapagpapalinis sa mga dumi na hindi nakikita? Ang katawan at damit ay muling luminis at handa na sa pagpapahinga at kapayapaan na mula sa paglilinis.
Gaano pa kalaki na ang dugo ni Jesu Cristo, na naglinis sa ating mga kasalanan? Kung nauunawaan natin ang ating karumihan at isaalang alang ang pagtubos, ang bayad at ang kaligtasan na ipinagkaloob ng dugo- hindi maaaring hindi tayo humawak sa kaaliwan at kapahingahan ng ating kaluluwa na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ng buong pagpapala ng kapatawaran. Ako’y lumalakad sa liwanag at pakikipag isa sa Diyos na lumikha sa akin. Banal at walang bahid dungis sapagkat ako’y pinatawad sa aking kamalian. Nabubuhay ako na malinis at buo sa pamamagitan ng dugo ng ISA na nag alay ng Kanyang sarili para sa akin at sa Ama na nag sugo sa Kanyang minamahal na Anak upang ako’y tubusin.
Ang Pahayag na ibinigay kay Juan ay nagkaloob sa atin na makita ang ganitong uri ng pagpapatawad, ang kapangyarihan ng paglilinis ng dugo ni Jesus magpasawalang hanggan. Sa Aklat ng Pahayag 7, sa ating paglapit sa trono, makikita natin ang napakaraming tao, na hindi mabilang. Sila ay mula sa lahat ng bansa, tribu, mga tao, mga wika, na nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Panginoong Jesus. Sila ay nakadamit ng puti, nag aawitan, lumuluhod sa pagsamba. Sino ang mga ito? Saan sila nang galing- paano sila naging malinis na nagbuhat sa mga kapighatian at pakikipaglaban kay Satanas?
“Tinanong ako ng isa sa 24 na namumuno,’Sino ang mga taong iyon na nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling? Sumagot ako, “Hindi ko po alam. Kayo ang nakakaalam.”
At sinabi niya sa akin, “Sila ang dumaan sa matinding paghihirap. Nilinis at pinaputi nila ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Tupa.”” Pahayag 7: 13-14
Habang nabubuhay tayo sa daigdig, kailangan natin ang tuloy tuloy na paglilinis. Gaanong laking kagalakan ang araw na ang dumi ng mundo at mapulang kasalanan ay magiging puti, at sa bagong kasuotan, ay makakaisa sa pananambahan sa palibot ng trono ng ISA na naglinis sa atin