“Panginoon, buksan po N’yo ang mata ng katulong ko para makakita siya.”

By: Donna Keith, Pleasant Grove, AL

Ang propetang si Eliseo ay ang kasunod ni Elias na naglingkod sa Hilagang kaharian. Maraming ulit, na ang Israel at Syria ay nagdidigmaan, si Eliseo ay iniligtas ang Israel sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala sa hari sa mga balak at lugar ng mga taga Syria. Pagkatapos na malaman ng hari ng Syria ang pamamagitan ni Eliseo, ang hari ng Syria ay nagpadala ng mga kawal sa Dotan upang hulihin si Eliseo. Ang katulong ni Eliseo ay natakot nang makita ang mga kawal ng Syria na nakasakay sa mga kabayo at mga karwahe na nakapaligid sa lungsod. Alam ni Eliseo na ang Panginoon ang nag-iingat sa kanila. Sinabi ni Eliseo na huwag siyang matakot at siya ay nanalangin, “Panginoon, buksan po N’yo ang mga mata ng katulong ko para makakita siya.” Tinugon ng Diyos ang panalangin ni Eliseo, at ang katulong ay nakita ang ipinagkaloob ng Diyos - ang kaburulan sa paligid ni Eliseo ay puno ng mga kabayo at karwaheng apoy.

Maraming ulit sa ating buhay, na tayo bilang lingkod ng Panginoon, ay dapat makita (maintindihan, magmasid, maunawaan, makilala) ang presensya at mga kaloob ng Panginoon na nag-iingat sa ating espirituwal na kalagayan. Kailangan nating laging makita ang mga bagay na itinuturo Niya upang maunawaan. Bagaman, kung minsan, ay hindi natin nakikita ang layunin ng Panginoon na maunawaan at higit na mabuti Kung tayo’y mananalangin tulad ni Eliseo - “Panginoon, buksan Mo po ang aking mga mata.”

Ano ang mga bagay na mahalaga upang makakita o makaunawa?

1. Makita ang Diyos kung Sino Siya. Kailangan nating makita ang lahat ng katangian Niya, ( tulad ng katuwiran, katarungan, awa, habag, pag- ibig, kabanalan, kapangyarihan ), na nakapaloob sa Kanyang katauhan na makalangit at makapangyarihang Diyos. Hindi natin Siya kikilalanin lamang na hukom ng nagkakasala. Hindi rin Siya kikilalanin na isang mapagmahal na Ama na walang ibinibigay na hangganan pagdating sa maayos na pagkatao. “ Masdan” natin ( mula sa salitang Griego “tingnan, unawain”) “ang kabutihan at ang bagsik ng Diyos” ( Romans 11:12 ).

2. Si Cristo Jesus, bilang Hari, Pari, Panginoon at halimbawa. Madaling sabihin na nakikita natin si Jesus na Tagapagligtas, nguni’t kung hindi Siya igagalang bilang hari ng ating buhay, palaging lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya sa pananalangin, sumasa-ilalim nang buong- buo sa Kanya bilang Panginoon, at sundin ang Kanyang halimbawa sa lahat ng ating gagawin, hindi natin Siya talagang nakikita. Tayo ay matutulad sa mga sina -unang Judio na hindi nakita na Siya ang Tagapagligtas kahit na nakita nila ang mga tanda at mga himala . Kailangan natin Siyang kilalanin na “Siya ang tunay na imahen” ng Diyos sa nagniningning na kadakilaan ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoong din Siya” ( Hebreo 1:3 ).

3. Ang katotohanan ng Salita ng Diyos. Kailangan nating makita ang kahalagahan ng tuloy tuloy na pag-aaral ng Salita ng Diyos, nagbibigay ng kaalaman sa ating pananampalataya (2 Pedro 1:5). Ipinahayag Niya ang Kanyang salita sa pamamagitan ng Kanyang Anak (Hebreo 1:1-2) sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ( 1 Corinto 2:10-13; 2 Pedro 1: 21 ). Walang ibang pinagmumulan ng Kanyang kalooban para sa atin, at kailangan natin maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng kailangan (2 Timoteo 2:15). Sa pagkakaroon natin ng pang-unawa sa kalooban ng Diyos, ay “makakapamuhay tayo ng karapatdapat at kalugod lugod sa Panginoon” at lumalago sa mabubuting gawa ( Colosas 1:9-10). Ito ang magpapatatag sa atin sa pananampalataya ( 2 Pedro 3:17-18 ). Kailangan din nating lumago sa kaalaman ng Salita upang makapagturo sa iba ( Hebreo 5:12-14 ).

4. Ang mga pamamaraan ni Satanas at ang pandaraya ng kasalanan. Kailangang bukas ang ating mga mata sa mga balak ng diablo at sa kanyang panlilinlang. Nagbabala si Pedro na kailangan nating maging maingat sapagkat si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa” ( 1 Pedro 5:8 ). Maiiwasan natin na maging biktima sa pamamagitan ng pagsusuot ng kagamitang pandigma na ibinigay ng Diyos na inilarawan sa Efeso 6: 10-17. Ang manunulat ng Hebreo ay sinabi rin na mag-ingat at magpaalalahanan ang bawat isa upang hindi tayo mapalayo sa Diyos dahil sa pandaraya ng kasalanan ( Hebreo 3:12-13 ). 

 5. Ang ating kasalanan at ang pananagutan sa Diyos. Kailangan nating maging maingat upang maiwasan ang “puwing at mala-trosong puwing na palatandaan” ( Mateo 7:3-5 ) na nagbibigay sa atin na makita ang kasalanan ng iba at hindi nakikita ang sariling kasalanan. Kailangan nating makita ang ating pananagutan sa Diyos at kung paano mamuhay at patuloy na magsikap na makapagbigay ng lugod sa Kanya ( Romans 14:12 ; Hebreo 4-13 ).

6. Ang paraan ng pagtakas mula sa tukso. Ang Diyos ay nangako na hindi Niya tayo pababayaan upang hindi tayong mahulog sa kasalanan. Nasa ating pagsisikap na hanapin ang paraang iyon. Kailangang bukas ang ating mga mata at baka tayo nahulog sa kasalanan ( 1 Corinto 10:12-13 ).

7. Ang pagngangalaga at pag-iingat ng Diyos sa Kanyang mga mamamayan. Ang Diyos ay masigla sa mga nangyayari sa sang- katauhan. Ang Kanyang pangangalaga ay makikita sa buong aklat ng Biblia. Sinabi Niya na Siya’y nagmamalasakit sa atin (1 Pedro 5:7 ), at alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Kanya (Romans 8:28 ). Kung tayo ay nagtitiwala sa Panginoon at nananatiling tapat, tayo ay may katiyakan na ang Panginoon ay handa tayong ipagtanggol mula sa masama tulad ng pag-ingat Niya kay Eliseo sa hari ng Syria.

8. Ang mga nangangailangan ng tulong. Kailangan nating laging mapag masid sa mga pagkakataon na turuan ang mga naliligaw ng landas, bigyan ng lakas ng loob ang kapwa Kristiano, at gumawa ng mabuti sa mga nais nating tulungan(Galatians 6:9-10 ). Kung tayo ay haharap na sa paghatol ni Cristo,tayo ay mapapabilang sa mga nasa kalıwa at dadalhin doon sa inihanda para sa diablo at sa mga kampon niya kung nakita natin at hindi ginawa ang pagtulong na kailangan ng mga nangangailangan (Mateo 25: 31-46 ; 2 Corinto 5:10 ). Nawa’y matulad tayo kay Barnabas na bukas ang mga mata at nakita ang nanganga- ilangan ng pisikal at espirituwal na pagpapala

( Gawa 4,9,11,13,15 ).

Ipinalangin ni Pablo na ang mga mata ng puso ng mga Kristiano sa Efeso o pang-unawa ay magliwanag.(Efeso 1:17-19). Hiniling din ni Pablo sa Diyos na bigyan sila ng karunungan at pang-unawa mula sa Banal na Espiritu. Ipinalangin din niya na maliwanagan ang puso at isipan para maunawaan ang pag-asa na inilaan ng Diyos. Tayo ay dapat ding bukas ang mga mata sa kalıwanagan ng salita ng Diyos, makita ang kahalagahan ng mensahe sa ating buhay, at lumago sa ating kakayahan na ibahagi ito nang palagian at magturo nang buong husay.

Nawa’y ipaalala natin sa ating sarili ang kahalagahan ng palaging bukas ang mga mata upang makita ang lahat ng nais ng Diyos na makita natin. At nawa’y nasa atin ang katangian na nasasaad sa koro ng awitin ni Clara H. Scott na may pamagat na “Open My Eyes That I May See.”

“Silently now I wait for Thee, Ready, my God, Thy will to see. Open my eyes; illumine me, Savior Divine !

(“Ako’y tahimik na naghihintay sa Iyo,

Handa na, aking Diyos, na makita ang kalooban Mo. Buksan Mo ang aking mga mata; pagliwanagin Mo,

Aking Dakilang Tagapagligtas !”)


Previous
Previous

“May Karapatan Ka Bang Magalit?”

Next
Next

Ano ang Ginagawa Mo Rito?