Ang Taong Nais Kong Makilala - Si Maria, Ang Ina

Si Maria ay isinilang sa pagitan ng 16-20 BC, at kahit hindi natin alam kung saan siya isinilang, tiyak na ginugol niya ang kanyang kabataaan sa Nazareth ng Galilea. Ang Galilea sa panahon ni Jesus ay hindi lamang ang pinakamayaman, malusog na bukirin, inaalagaan nang maayos - ito ay may mga bayan at nayon na may mga pamilyang nagtatrabaho at naging sentro ng mga pangangalakal at industriya; ito ay napakahalagang lupain para sa bansang Israel. Ang Galilea ay nasa lugar na may mga abalang lansangan na nagbibigay ng kalakal sa daigdig noong mga panahong iyon. Ang Nazareth ay isang siyudad na may mga daan ng mga mangangalakal- na nagmumula sa dagat papuntang Damascus. Ang mga taong mula sa iba’t-ibang bansa na abala sa ibang buhay maliban sa mga taga Israel , ay makikita sa mga kalye ng Nazareth araw-araw. Para kay Maria, siya ay sanay na sa mga isipan at pakikihalubilo sa mga taga ibang lugar ng daigdig na tatalakayin at ipakikilala sa Nazareth ng mga manlalakbay. Marahil si Maria ay nagpupunta sa pamilihan at ginagawa ang pang araw- araw na gawain kasama ang iba’t-ibang mga tao- na may mga bagong produkto at kuro-kuro.

Ang Nazareth ay isa sa mga malalaking sentro ng pananambahan sa buhay ng mga Judio. Ang Kaparian ay nahahati sa 24 na pangkat, ang bawat isang pangkat ay tinatawag sa templo ng isang linggo upang gawin ang mga banal na gawain sa Jerusalem. Kung ang mga pangkat ay tinawag, sila ay magtitipon sa ilang bayan, at maglalakbay papuntang Jerusalem. Ang Nazareth ay isa sa mga sentro ng kaparian.

At gayundin nga, ang kabataang babae na si Maria, ay naninirahan sa isang bayan na hindi naiiba sa mga bayan na ating tınıtirhan, na abala sa mga nagdadala ng kalakal at mga taong tinawag upang maglingkod sa templo. Tulad ng lahat ng mga siyudad, ang dilim at liwanag ay magkasama - totoo ngayon at totoo rin kay Maria. Si Maria ay maririnig ang inaalok ng mundo, at ng katuwiran, at siya ay mapipilitang pumili. Si R.C.Foster sa kanyang “Studies in the Life of Jesus”, ay isinaad na ang mga tao sa Galilea, kasama ang pamilya ni Maria, ay mahihikayat ng mga katangiang pang kultura roon. Isinulat niya na ang mga mamamayan ng Galilea ay kilala sa pagiging mapusok at tuwirang magsalita. Sila ay mga payak, nguni’t mga nagtatrabaho at may tapat na pananalig - may paninindigan at katiyakan sa mga turo ng Lumang Tipan.

May mga naitala na mayroong pagkakaiba sa pagsunod sa mapanghimasok na “kaugalian” na pagsasanay na ginagawa at pinipilit ng mga Pariseo sa Jerusalem at Judea na inihahambing sa mga naninirahan sa Galilea. Maraming mga tapat na Judio sa Galilea na nagtatamasa ng kalayaan mula sa “pagsasagawa ng kinaugalian” gayundin sa pangako at pag -aasawa. Ang babae ay pinipili dahil sa ugali, at hindi dahil sa salapi, at ang kasal at kasayahan ay maliit at kaunti lamang ang dumadalo. Tayo ay nakatitiyak, na ang handog nina Jose at Maria para sa paglilinis matapos na si Jesus ay isinilang, na sila ay hindi nabibilang sa mga naka- ririwasa ang buhay. Ang kanilang pagpapakasal ay payak at ang dote ay maliit.

May katiyakan nang si Maria ay nakipagkasundo kay Jose, ang kanilang ugnayan ay banal at tiyak ang pagpapakasal. Anumang pagsira sa ugnayan na ito ay nangangahulugan ng pakikiapid. Gayundin, kung ang ugnayan na ito ay nagwakas, ito ang nangangailangan ng paghihiwalay. Tila ang buhay ni Maria ay tiyak at panatag ang katayuan, ang tapat at may pananalig na babae sa Nazareth. Siya ay sumunod sa batas, minahal ang Panginoon, at umaasa sa Tagapagligtas. Nais ko siyang makilala; alam ko na magugustuhan ko siya.

Ang anghel na si Gabriel ay nagpakita kay Maria makalipas ang anim na buwan nang siya’y nagpakita kay Zacharias sa banal na templo sa Jerusalem, ang sentro ng gawaing relihiyon sa bansang Israel. Ang Anghel mula sa kalangitan ay tila wala sa wastong lugar sa panahon ng kanyang pagpapakita - nagmula sa presensya ng Diyos. Siya ay dumalaw sa isang maliit na tahanan sa Nazareth, nang lihim at nang si Maria ay nag - iisa.

Sa pagsisikap na maunawaan si Jesus sa kalikasan ng tao, tayo ay dapat na unang makilala si Maria at ang kanyang buhay-ang pagtawag sa kanya.

Sa Lucas 1:26-28, sinabi sa atin ang pagdalaw, “Nang ika -anım na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, inutusan ng Panginoon ang anghel na si Gabriel na pumunta sa nayon ng Nazareth sa Galilea. Pinapunta siya sa isang birhen na ang pangalan ay Maria. Nakatakda nang ikasal si Maria kay Jose na mula sa lahi ni Haring David. Sinabi ng anghel kay Maria,

 ‘Matuwa ka Maria, ikaw na pinagpala ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!’”

Ang paglilingkod ni Maria ay hindi tungkol sa kanyang gagawin; ito ay ang payak na pagkilala kung sino siya. Si Gabriel ay binati si Maria na siya’y pinagpala at ang Panginoon ay sumasaiyo- sa ibang salita, ang anghel ay nagbigay ng pagbati sa babae na nagmula sa Diyos. Ang kabataang babae na magiging ina ni Jesus, ang Anak ng Diyos, ay pinili, hindi dahil sa kanyang kalagayan, kanyang kagandahan, o ang kanyang katapangan. Siya ay pinili dahil sa kanyang katapatan sa Diyos at matuwid na katauhan. At makikita natin ang kanyang katauhan sa mga pagsulyap sa mga tala ng ebanghelyo. Siya marahil ang pinaka malaking halimbawa ng hiwaga ng pagdurusa at pansariling tapat na pananalig maliban sa kanyang Anak - at samantalang binigyan tayo ng isang nakamamanghang maikli at payak na tala tungkol sa Kanya at sa kanyang mga karanasan, tayo ay may kahanga-hangang pagka-unawa sa kanyang buhay.

Samantalang tayo ay makapagtutuon ng pansin sa paglilingkod ni Maria, ang pagdalaw ni Gabriel ang isusulat ko ngayon; ang pagkikitang ito ang magpapakilala sa atin ng kanyang puso. Mula sa araw na dumating si Gabriel upang ihayag ang paglilingkod ni Maria, ang mapitagang pagkatakot sa kaanyuan ng anghel ay tila higit sa karangalan na ipinagkaloob sa kanya na ang isang anghel ay dumalaw. Ang kanyang pagkamangha ay tinawag siyang “ lubos na itinatangi at pinagpala sa lahat ng babae.” Sa aklat ni Alfred Edersheim na “Jesus, The Messiah”, isinulat niya na “ang pagtawag ng lubos na pinagpala ay nagbigay sa kanya ng nakakagulat na pangyayari, marahil ay hindi dahil sa kaibahan ng kanyang mababang kalagayan ng buhay, at mula sa hindi namamalayang kababaan ng kanyang puso.” Ang kanyang tugon ay bunga ng kanyang kababaang- loob- at ang katibayan ng kanyang malalim na pananalig.

Si Maria ay binigyan ni Gabriel ng mabilis na “balangkas” kung ano ang mangyayari sa bata na kanyang isisilang. Sinabi sa kanya ang magiging pangalan, ang Kanyang kadakilaan, ang Kanyang pagiging Diyos, ang Kanyang tugon sa hula at pag-asa, at ang Kanyang paghahatid sa kaharian na walang hanggan at hindi magwawakas. Ang mga hulang ito ay magbibigay ng kamangha-manghang bunga sa kanyang buhay kahit hindi niya alam ang kahulugan ng mensaheng ito. Ang mensahe ay hindi nagbigay ng anumang pag-aalala sa kanya sapagkat siya ay may malalim na pananalig at ang pag-asa sa pangako ng darating na Tagapagligtas. Si

Maria ay naghahanap ng Tagapagligrtas; alam niya ay siya’y naniniwala sa salita ng mga propeta. Huwag itong kaligtaan; ang lalim ng ating pananalig ay mag-uutos kung paano tayo tutugon sa tawag ng tungkulin. Hindi nangangailangan ng napakagaling na bayani na gumawa ng malaking bagay sa paglilingkod sa Diyos- ito ay kailangan lamang ng isang tunay na mananampalataya. Iyon lamang. Ang 16-20 gulang na babaeng ito ay hindi nag-alinlangan sa katotohanan ng kanyang pananalig; tila hindi siya nagbago sa paniniwala sa mga salita na mula sa Diyos. Ang kanyang buhay at inaasam sa buhay ay nakatali sa kanyang pamilya (na maaaring nag-ayos ng kanyang pag-aasawa)at ang kanyang magiging asawa. Siya ay agad-agad at biglang inutusan na baguhin ang takbo ng kanyang inaasahang buhay. Ang lahat ng pangkasalukuyang balak ay mahahadlangan ng tagahatid ng mensahe at ang inaasam na paglilingkod.

Kung ang lahat ng inaasam natin sa buhay ay nagkaroon ng pagkakaiba sa inaasahan natin, tayo ay makakaranas ng pagkabigo at kalungkutan. Hindi natin kailangang maliitin kung ano ang kahulugan ng pagdalaw ni Gabriel kay Maria, ang kanyang pangako ng paglilingkod sa Diyos kahit na ito ay kawalan ay magiging higit sa inaasahan. Nakakita ako ng mga kabataang babae na nakagawa ng malalaking kamalian sa buhay sa takot na mawala ang pakikipag-ugnayan. Ang katotohanan ng kanyang paglilingkod sa Diyos ay magbibigay ng panganib ng lahat sa kanya. Sinasabi sa Mateo 1:18-19, “Ganito ang pangyayari sa pagkapanganak kay Jesu Cristo. Si Maria na kanyang ina ay nakatakdang ikasal kay Jose. Pero bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na buntis siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Si Jose na magiging asawa niya ay isang matuwid na tao at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria. Kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim.” Walang katanungan na ang pagtanggap ng ganitong paglilingkod ay magbibigay ng panganib sa inaasahan ni Maria na magbibigay ng kaligayahan sa kanyang buhay dito sa daigdig.

Tulad ni Maria, ang ating buhay ay dadalhin tayo sa mga pook na hindi natin inaasahan. Maaaring tawagin tayo na manirahan sa malayong lugar, maaaring hindi tayo makapag-asawa o magka-anak, maaaring mawala ang asawa o anak, o kaya ay magkasakit, o ang pinakamasakit, ang espirituwal na pagkakasakit sa ating pamilya. Ang tawag sa ating paglilingkod ay hindi mahahadlangan ng mga pangyayari sa ating buhay at ang ugnayan nito. Hindi natin papayagan na ang mga pangyayari sa buhay ay mag-utos sa ating mga hangarin na gawin ang bagay na nais ng Diyos para sa atin. Ang ating pakikipag-isa sa buhay ng pagiging disipulo at paglilingkod at pagkaunawa na tayo ay bahagi, ay hindi nakakabit sa ating mga magulang, mga kaibigan, sa lalaki na maaari natin maging asawa o hindi,kung saan tayo naninirahan, kung sino ang kasama na namumuhay, o anumang ipinag-utos sa atin. Ang ating paglilingkod at pagiging alagad ay nakasalalay sa ating sarili lamang, tulad ni Maria. Si Maria ay kabataan pa at nag-iisa na walang mapagsasang-gunian nang siya ay tinawag ng Diyos. Kung hindi naunawaan ni Maria ang pangako ng Tagapagligtas at ang kanyang tunay na pananalig sa Diyos, maaaring siya ay matuksong sabihin, “sandali lamang- kapag nangyari ito, ako ay tatalikuran ni Jose, at walang iba na kumuha sa akin na may dinadalang anak.”

Ang halaga ng ating ugnayan ay magiging panganib kung hindi tayo maingat. Nakita ko ang mga kabataang babae na pinili ang mg kabataang lalaki na hindi espirituwal ang isip at puso na maging kasama sa buhay - sapagkat para sa kanila ang “ugnayan” ay higit na mabuti sa kanilang buhay kaysa sa pakikipag-ugnayan kay Cristo.

Nakita ko ang mga babae na may iba’t-ibang idad- mga ina - na inuna ang makasariling pagnanais ng mga anak kaysa sariling paglilingkod. Itinigil, inantala, o pinigil na maglingkod sa kaharian dahil sa hindi kailangan na pansin sa anak na kinagigiliwan, o sa mga anak na labis na nagbibigay ng utos sa kanila. O ang mga ina na nag- alinlangan sa kanilang pananalig at katotohanan para sa anak na naligaw ng landas. Ang ating pakikipag- ugnayan ay makapagliligtas sa atin- o kaya ay makapipigil sa atin sa espirituwal na paraan. Ito ay totoo, lubhang totoo. Nakita ko ang mga kababaihang Kristiano na nakipag-ugnayan sa mga kaibigan o mga gawain na ginugol ang mga oras at naging sagabal sa kanilang paglilingkod.

Ang kabataang si Maria ay inuna ang kanyang espirituwal na ugnayan sa Diyos - kahit na ito’y nagbigay ng ibang bunga sa kanyang ibang ugnayan sa daigdig. Siya ay hindi nag-atubili o naghintay; ang kanyang tugon ay tuwiran na pagtanggap at isang patunay na kusang-loob na maglingkod. Siya ay kabataan pa nguni’t tiyak sa pag-asa ng kanyang kaligtasan. Nais ko siyang makilala; alam ko na magugustuhan ko siya.


Previous
Previous

“Hanggang Kailan Ka Magdadalamhati?”

Next
Next

“Bakit Mo ginawan ng masama ang Iyong lingkod?”