Ang Taong Matuwid ay Mabubuhay Dahil sa Kanyang Pananampalata

Ang aklat ni Habakkuk ay isa sa mga naaangkop na aklat sa Biblia. Pangkaraniwan sa atin na tanungin ang kasamaan sa paligid natin at hangaan ang tungkol sa katarungan ng Diyos. Si Habakkuk ay mayroong magkatulad na mga katanungan, at ang katugunan ng Diyos ay maaaring hindi ina-akala.

Walang maraming alam tungkol kay Habakkuk, nguni’t ang isang katangi- tanging katayuan ng aklat ay ang parang tula ang pagkakasulat. Ang totoo, ang ikatlong kabanata ay isinulat tulad ng isang awit at kasama ang pagkakaayos na ito ay dapat na awitin, maliwanag na si Habakkuk ay alam ang gawaing ginagampanan ng musika sa loob ng templo. Bagaman walang maraming nalalaman sa may-akda, siya ay nagkakaloob ng kaunawaan sa mga katanungan tungkol sa suliranin ng kasamaan.

Sa unang kabanata ay makikita na si Habakkuk ay tumatangis sa Panginoon at nagtatanong bakit ang Panginoon ay tila hindi nakikita ang kasamaan at karahasan sa paligid Niya. Siya ay dumadaing na “ang batas ay walang lakas”, at ang katarungan ay nababaluktot” (1:4). Ang tugon ng Diyos ay nakakabigla. Ang totoo, sinabi Niya, “Sapagkat may gagawin Ako sa inyong kapanahunan na hindi ninyo paniniwalaan kahit na may magbalita pa nito sa inyo (1:5). Gagamitin Niya ang mga taga-Babilonia upang parusahan ang kawalan ng katarungan na matatagpuan sa Judah. Si Habakkuk ay hinarap ang Diyos at nagsabi, “Bakit N’yo hinahayaan na pagmalupitan ang mga taong hindi gaanong masama kung ihahambing sa kanila?” (1:13). Bagaman si Habakkuk ay nababahala sa kasamaan ng Judah, hindi siya makapaniwala na gagamitin ng Diyos ang isang higit na masamang bansa upang makamit ang katarungan.

Sinabi ni Habakkuk sa ikalawang kabanata na siya ay maghihintay at magmamasid kung paano ang Diyos ay tutugon sa kanyang karaingan. Ang tugon ng Diyos kay Habakkuk ay kailangan niyang mabuhay na may pananalig at magtiwala sa Diyos. Ang mga taga-Babilonia ay parurusahan din at alam ng Diyos ang Kanyang ginagawa- Siya ay mayroong balak. Ang totoo, “kaya nawawalan ng kabuluhan ang inyong pinagpaguran” (2:13). Bagaman naniniwala ang mga bansang ito na sila ang may kapangyarihan, tanging ang Diyos ang may kapangyarihan. Mayroong wika sa ikalawang kabanata na katulad ng wika sa Isaiah 44, inilalarawan ang kapalaluan at kawalang halaga ng pagsamba sa diyos diyosan, at ang kabanata ay nagwawakas sa paalala, “Ang Panginoon ay nasa Kanyang banal na templo” (2:20). Ang tugon ng daigdig at tayo man ay, tayo ay dapat na tumahimik.

Ang huling panalangin ni Habakkuk sa ikatlong kabanata ay, Bagaman siya ay natatakot at mapitagan , siya ay tahimik na maghihintay sa Panginoon. Ang mga huling talata ay napakaganda at karapatdapat na pagnilayan:

“Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanginig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ako at nangatog ang aking mga tuhod. At dahil sa ipinahayag na ito ng Panginoon, matiyaga kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa Niya sa mga şumalakay sa amin. Kahit na hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anıhin sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan, nagagalak pa rin ako dahil ang Panginoong Diyos ang nagligtas sa akin. Siya ang nag bibigay sa akin ng kalakasan. Pinalalakas Niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar” (3:16-19).

Ang maikling aklat na ito ay nagbibigay ng diin at tutulong sa atin na maunawaan kung paano titingnan ang Diyos at ang Kanyang katauhan. Ang Diyos ay tunay na nababahala tungkol sa kasamaan at Siya ang magbibigay ng katarungan-nguni’t maaari nating hindi maunawaan o magustuhan ang kalutasan. Gayunman, tulad ni Habakkuk, tayo ay tahimik na maghintay at magalak sa Diyos anuman ang ating iniisip sa Kanyang balak. Pansinin na si Habakkuk ay patuloy na dinadala ang kanyang mga karaingan sa Panginoon-ang tamang lugar na dalhin ang ating karaingan. Maaaring hindi natin maunawaan ang balak ng Diyos, at kung paano Niya itinataas ang ibang bansa at dinidisiplina ang iba, nguni’t tayo ay mabubuhay sa pananalig at pagtitiwala na Siya lagi ang ating lakas at kaligtasan.


Previous
Previous

Sino Ang Susuguin Ko !

Next
Next

“May Karapatan Ka Bang Magalit?”