Sino Ang Susuguin Ko !

Ako ay isinilang sa Tennessee, isang estado ng Amerika. Ang Tennessee ay kilala bilang “Volunteer State”, isang pangalan na ang pangunahing katangian ay nagbuhat sa isang pangyayari. Ang Pangulong James Madison ay tinawag ang mga mamamayan ng Tennessee upang ipagtanggol ang kalapit na bayan sa gawing timog, ang “Lower Country” noong panahon ng Digmaan ng 1812 laban sa Great Britain. Ang paglalakbay ay nasa pamamahala ni Andrew Jackson, isang mataas na Heneral sa Hukbo ng Tennessee. Ang maraming tao na kusang loob na naghandog ng paglilingkod ay naging tanyag sa kanilang tagumpay sa pagtatanggol sa New Orleans, kaya binansagan ang Tennessee na Volunteer State.

Ang kahulugan ng volunteer ay isang tao na nagpapahayag ng kusang- loob na paglilingkod. Ang kahulugan ay nagbibigay ng damdamin na ang tao na kusang- loob na gawin ang paglilingkod ay gumagawa ng walang pag-aalaala tungkol sa batas o paghahangad.

Maraming bagay ang nagtutulak sa atin upang kusang maglingkod sa iba’t-ibang gawain at tungkulin; ang pagmamahal natin sa ating mga anak ang nagbibigay sa atin na ipagkaloob ang paglilingkod sa mga pangyayari sa paaralan. Ang ating pangangalaga sa komunidad ay dahilan upang kusang loob na tumulong sa iba’t-ibang paraan upang makatulong sa ating kapaligiran at mga lungsod. Likas sa atin na isakripisyo ang ating panahon at lakas para sa mga bagay na mahalaga sa ating buhay. Ang kusang loob na paglilingkod ay hindi palaging kilos na walang pag-aalala sa sarili o maaaring nakabibigat sa atin.

Ang mga taga-Tennessee ay kusang loob na naghandog ng tulong na may hindi natitinag na pag-aalay at pagmamahal para sa isang bago at hindi pa matatag na bayan, alam na ang kanilang buhay ay maaaring mawala. Natagpuan nila ang wastong dahilan na mahalaga sa puso, lakas at panahon. Ito ay kusang loob na paglilingkod na maghahatid sa tagumpay. Tayo ay madaling mahikayat na gagawin natin ang magkatulad na bagay ayon sa pangyayari, at hindi ako nag-aalinlangan na ito’y gagawin din ng iba. Bagaman, tayo ay nagsisikap na kusang loob na ibigay ang ating mga puso, panahon, lakas, pangako at pagmamahal sa kaharian na ipinagkaloob ng Panginoon ang Kanyang buhay.

Marahil , hindi natin nakikita sapagkat nakakalimutan na alalahanin, sapagkat nakalimot tayo, o ang pinakamasama, ay hindi ganap na kilala ang espirituwal na bayan na ating pinaglilingkuran, ipinagtatanggol at ipinagsasanggalang. Marahil hindi natin nakikita sapagkat ang ating paglilingkod ay hindi natatapos habang tayo’y nabubuhay sa daigdig, ang ating tagumpay at gantimpala ay “makikita” lamang kung ang katawang lupa ay wala na. Patuloy nating awitin ang “We’ll work till Jesus comes” (Tayo ay gagawa hanggang dumating si Jesus) na may matapat na dahilan na gawin ito. Sa kasamaang-palad, ang ating pagiging masigasig na gumawa ay nanlalamig kung minsan; ang karamdaman, mga alalahanin, mga pananagutan sa daigdig, mga pagsubok, mga hindi inaasahang pangyayari, at mga tukso ay nakahahadlang sa ating pagnanais na kusang loob na maglingkod. Ang ating Pinuno (Commander),na hindi tulad ng mga pinuno sa daigdig, ay hindi nagtuturo kung wala ang pagnanais nating malaman. Ang ating Pinuno ay hindi sapilitan na nag-uutos na pagalawin ang mga isip at puso. Ang ating Pinuno ay hindi pinipilit na isuot natin ang pananggalang na tapat Niyang inihanda.

Ako’y namamangha kung anong maliit na sinag sa trono ng Dios ay magbubunsod sa atin na maglingkod ng kusang loob. Mayroong ilan , (Job, Moses, Ezekiel, Daniel, Juan), na nabigyan ng pagkakataon na maranasan ang ating Dios at ang kalangitan na hindi natin naranasan. Sa lahat ng pangyayari, sila ay napaluhod, sila ay walang pangungusap, sila ay nagulat, sila ay natakot. Nguni’t walang umalis sa presensya ng Dios na hindi nagbago, na hindi naging walang pakı alam o hindi lubhang nais na maka alam. Nakamamangha na isaalang-alang kung paano tumugon si Isaias sa pinakamahirap at walang katiyakan na pagtawag sa paglilingkod- habang nasa presensya ng Panginoon at ng Kanyang mga anghel. Siya ay nasa harapan ng napakataas na trono, makapal na usok, at ang damit ng Panginoon ay tumakip sa buong templo, ang haligi ng pintuan ay nayanig sa tinig na tumawag kay Isaias, naunawaan na hindi siya karapat-dapat o handa, ay nagpapakita ng kulang na kalikasan sa harapan ng Hari.

Gayunman, ang Panginoon ay hindi iyon ang iniisip; siya ay higit na makagagawa na alisin ang kasalanan, mga pagkukulang ang mga hadlang at mga pagpipigil. Sa biyaya at pagpapatawad, sa paglilinis na ipinagkaloob nang ang makalangit na nilalang ay hinipo ang labi ni Isaias, ang walang halaga na kaluluwang ito ay handa ng maglingkod nang buong kakayahan.

Isaias 6: 1-8:

Noong taon ng pagkamatay ni Haring Uzia, nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa napakataas na trono. Ang mahabang damit Niya ay nakatakip sa templo. May mga makalangit na nilalang sa gawing ulo Niya. Ang bawat isa sa kanila ay may anim na pakpak. Ang dalawang pakpak ay nakatakip sa kanilang mukha, ang dalawa ay nakatakip sa kanilang paa, at ang dalawa ay ginagamit nila sa paglipad. Sinasabi nila sa isa’t isa: “Banal, Banal, Banal, ang Panginoong Makapangyarihan! Ang kapangyarihan Niya’y sumasakop sa buong mundo.”

Sa lakas ng tinig nila, nayanig ang mga pundasyon ng templo at napuno ng usok ang loob ng templo. Sinabi ko, “Nakakaawa ako! Tiyak na mapapahamak ako, dahil ako’y may makasalanang labi at naninirahan ako sa piling ngmga taong makasalanan din ang mga labi. At ngayon, nakita ko ang Hari, ang Panginoong Makapangyarihan.”

Pagkatapos, lumipad ang isa sa mga makalangit na nilalang papunta sa akin, may dala siyang baga na kinuha niya sa altar. Inilapat niya ang baga sa aking bibig at sinabi, “Hinipo nito ang kanyang bibig, at wala ka nang kasalanan dahil pinatawad ka na.” Pagkatapos, narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, “ Sino ang susuguin ko? Sino Ang lalakad para sa Amin?”

Sumagot ako, “Narito po ako ! Ako ang isugo Ninyo.”

Si Isaias ay dagling naghandog ng paglilingkod. Sa isang sulyap, bagaman maikli, sa presensya ng Panginoon ay nangangailangan ng isang tugon. Ang pagmasdan ang kaluwalhatian ng Dios ay nagbigay kay Isaias na gugulin ang kanyang buhay sa lupa na may lubos na pagmamahal at paglilingkod sa Makapangyarihang Dios.

Ang pagtawag kay Isaias upang maglingkod ay hindi tulad ng pagtawag sa mga taga-Tennessee, na naghandog ng paglilingkod na lumaban at maranasan ang tagumpay at ang wakas ng digmaan sa loob ng tatlong taon. Ang paglilingkod ni Isaias ay hanggang siya ay may buhay pa. Ang kanyang mga pagsisikap ay pinawalang-halaga, hindi narinig, hindi ipinamalita, hindi binigyan ng paggalang, at kınalımutan ng marami sa daigdig. Nguni’t ang kanyang mga mata ay nakita ang kaluwalhatian; siya ay “nakakaawa” nang makaharap ang kahanga-hanga at kaningningan ng kaluwalhatian. Ang pagtawag sa kanya upang maglingkod ay hindi maka katulad sa lahat ng kanyang nakita. Ano ang alam natin? Alam ba natin kung gaano tayo karumi kung wala ang biyaya na nagkakaloob sa atin upang maging malinis? Ano ang nakikita natin? Kung tayo ay nakatingin sa kalangitan, nakakakita ba tayo sa pamamagitan ng ating mga mata at nakakarinig sa pamamagitan ng ating mga tainga sa pag-aawitan ng mga makalangit na nilalang, “Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat, Siya ang Dios noon, ngayon at hinaharap?” Nakikita ba natin ang mga buhay na nilalang na nagbibigay ng kalwalhatian at parangal at pasasalamat sa Kanya na nakaupo sa trono? (Pahayag 4:8-9). Ang Kanyang bang anyo ay karapat-dapat tayong sumigaw ng “Narito po ako , ako ang isugo Ninyo?”

Sinabi ni Pablo na sapagkat tayo’y binigyan ng maliit na sulyap ng karunungan at kaalaman ng Dios, karapat-dapat lamang na ibigay sa Kanya ang ating mga sarili bilang handog na buhay, banal at kalugod- lugod sa Kanya (Roma 12:1). Ang ating kusang-loob na paglilingkod ay hindi nangangako ng kaginhawahan tulad ng ipinaalala niya sa mga taga- Galatia na kasama niya sa paglalakbay, pinatitibay at binibigyan ng lakas ng loob, sa aklat ng mga Gawa 14, “Maraming kahirapan ang dapat nating danasin para mapabilang sa paghahari ng Dios.” Gayunman, ang pagtawag ay “nagbukas sa pinto ng pananampalataya sa mga Hentil.”

Ano ang tingin natin sa ating paglilingkod? Sapagkat,tayo ay isinilang sa ibang bayan at panahon na kaiba kina Isaias, Pablo o ang kapwa kapatid sa Galatia, maaaring ito ay naiiba. Nguni’t ito ay hindi. Sa ating Dios, sa ating Panginoong Jesus, sa mga makalangit na nilalang na nagbubunyi para sa atin- ang ating kusang-loob na pagsisikap ay magkatulad. Isugo Mo ako upang makatulong sa iba, isugo Mo ako na maturuan ang iba, isugo Mo ako upang aliwin ang iba, isugo Mo ako upang magbigay ng pag-asa. Ipahintulot Mo na pag-aralan ko nang lubos ang Iyong salita, ipahintulot Mo na malaman ang maraming karunungan, ipahintulot Mo na isuot ang pananggalang at makipaglaban, ipahintulot Mo na ako’y maging ilaw sa kaburulan, ipahintulot Mo na iwaksi ang pansariling hangarin. Sapagkat alam ko ang silid ng trono, alam ko ang mga pangako, alam ko na naghihintay ang kalangitan sa akin, alam ko na ang aking Pastol ang nangunguna sa akin, alam ko na ito’y totoo. Narito ako, isugo Mo ako!


Previous
Previous

Josiah, “Sapagkat ....Ikaw ay Nagpakumbaba”

Next
Next

Ang Taong Matuwid ay Mabubuhay Dahil sa Kanyang Pananampalata