Ang Alam Natin: Mga Kauri ni Cristo sa Lumang Tipan

Sa pagsisimula ng bagong taon, ang ating mga paksa ay nakatuon sa pagiging tunay na tagasunod. Ang ating pasya na sumunod kay Cristo ay malimit na kinukutya ng mga nakapaligid sa atin ay walang katuwiran. Mahalaga sa atin na walang bukod- tanging damdamin na tugon sa ebanghelyo - kahit na ang pananalig ay may kasamang damdamin. Kung ang lahat ay dadaanin sa damdamin, tayo ay matutulad sa binhi na umusbong sa mababaw at mabatong lupa, kung ang mga kaguluhan sa buhay ay dumarating… na lagi na…kung ang damdamin lang ang naghahatid sa atin kay Cristo, tayo ay mangungulubot at makikita ang sarili na nawawala ( Mateo 13:20-21 ).

Sa kabilang dako, ayaw natin na ang ating pananalig ay paghahabol sa karunungan; gayunman, kailangan nating malaman na mayroong makatuwirang saligan ang ating pagiging tagasunod. Ito ay hindi isang bagay na magbibigay sa akin ng mabuting pakiramdam. May nagsabi sa akin na ang relihiyon ay isa lamang gamot para sa isang hindi nag-aral, iminumungkahi na, tulad ng isang gamot, ito ay nagpapamanhid sa mga paghihirap sa paligid ko. Ang aking tugon ay, ang totoo, ang aking pananalig ay kabaliktaran nito; ito ay nagtataas ng aking kamalayan sa mga kahirapan na nasa paligid ko, na nagbibigay sa akin ng pananagutan na tumulong at magturo sa abot ng aking makakaya. Sa pagsisikap na iwasan ang maka sariling pananagutan sa ibang tao, ang mundo ay hindi pinapansin ang makatuwirang bahagi ng pananalig, tinatawag ang mga tapat na sukdulan ang pagiging panatiko, na hindi mali sa kahulugan.

Gayunman, sila ay maaaring mga panatiko rin sa kanilang mga iniisip at nalalaman, nguni’t walang sapat na katibayan. Sa nakakawiling pagtingin sa makatuwirang balak ng Dios, makatutulong sa atin na tingnan ang paraan kung paano Niya ito ipahayag. Sa Hebreo 10, sinabi ng manunulat na ang mga handog at kapistahan, maging ang mga pari na dumating noon, ay mga anino lamang ng mga bagay na darating. Sa Colosas, sinabi ni Pablo na ang katuparan ng mga aninong ito ay si Cristo.

Kung ating babalıkan ang Lumang Tipan,makikita natin ang mga pulutong na tinatawag na “kauri” ni Cristo, mga anino Niya. Si Adan ay larawan ni Cristo na siya man, ay naging pinuno ng daigdig sa maikling panahon. Gayunman, siya ay lumabag sa mga utos ng Dios at nagdala ng kamatayan, si Cristo ay tumupad at nagbigay ng buhay( Roma 5:14 ). Si Abel ay pinaslang ng kanyang kapatid at ang kanyang dugo ay sumisigaw ng katarungan, ay matatagpuan din sa Lumang Tipan, na kapupunan ng handog ni Cristo (Hebreo 12:24 ). Naroon din si Isaac, ang bugtong na anak na ihahandog ng isang ama na naniniwala na bubuhayin siya ng Dios (Hebreo 11:19 ). Ang mga kabanata 37-50 ng aklat ng Genesis, ay tinalakay si Jose, na kinamuhian ng kanyang mga kapatid at ipinagbili bilang alipin. Tunay, si Jose ay naging anino ni Cristo na iniwan ang kaluwalhatian at ipinako ng sariling bayan, gayunman, sa magkatulad na pangyayari, ang mga nagkasala ay pinatawad at pinagkalooban pa ng mga biyaya. Sa aklat ng Exodus, nakita natin si Moses na pinangunahan ang bayan mula sa pagka-alipin at tinanggap ang mga utos, samantalang si Cristo ang nagpatupad nito; naroon din si Aaron ang punong pari, na naghandog para sa bayan, samantalang si Cristo ang naging handog para sa lahat ng bansa, ang isang makapangyarihang pari tulad ni Melkizedek,na ang kamatayan ay hindi naitala, at magkagayon, siya ay nanatiling pari ( Hebreo 7:3 ).

Mapag-uusapan din natin sina Jonah, Noah, David… gayundin ang Tupa. Si Cristo ay inilalarawan sa Kahon ng Kasunduan, ang manna, ang ahas na tanso sa ilang, ang mga lungsod ng kanlungan - ang lahat ng ito ay tumutukoy kay Cristo. Siya ang katuparan ng tabernakulo, ang tabing sa pinakabanal na lugar, at ang Araw ng Pamamahinga.

Sa pagsisikap na ituon ang aking isipan sa mga kauri ni Cristo ay isang pagpupunyagi…at isang pag-amin na kung ano ang alam ko na totoo. Si Cristo ang pinaka gitna ng kabuuan ng Kasulatan. Alam natin ito…sinasabi natin ito…itinuturo sa ating mga anak. Gayunman, ito ay nakakalimutan ko. O, Kaya ay nakakalimutan ko ang kapangyarihan ng mensahe, ang pag-uulit nito. Ang Dios ay itinuturo ang Kanyang Anak sa atin, at ito ay paulit-ulit upang KUNG bubuksan natin ang ating mga mata at iwaksi ang mundo sa ating mga isipan, ay hindi natin ito nakakaligtaan. Walang ibang paraan. Kailangan mong maging bulag upang hindi makita ito. At doon natin makakita ang halos lahat sa mundo. Ito ang tunay na nakapang- lulumo kung iisipin mo.

Si Jesus ay naroon. Siya ay nasa lahat ng pahina. Ito ay tungkol sa Kanya; na lagi na noon pa man. Sa ilang sandali, nais kong ituon ang pansin sa isa sa mga kauri ni Cristo na nangibabaw sa akin. Ang totoo, ako ay naghahanda ng mga aralin tungkol kay Jonah,at inisip ko na sulatin ang tungkol sa kanya, nguni’t hindi siya ang nanguna kay Cristo na umagaw ng aking pansin.

Nais kong isaalang-alang, sa isang saglit, ang bansang Israel na isang kauri ni Cristo. Sa ika-2 kabanata ng Mateo, si Mateo ay nagbigay ng kaugnayan sa pagitan ng bansang Israel at ni Jesus nang banggitin niya ang Hosea 11:1 na tatawagin ng Dios ang Kanyang Anak mula sa Ehipto. Alam natin ang 2 tinutukoy, ang bansang Israel na tinawag mula sa Ehipto sa pamamagitan ni Moses, at si Jose, Maria, at Jesus na bumalik sa Israel mula sa Ehipto makalipas ang pagpatay sa walang-malay na mga bata.

Ang dalawang pangyayari ay iniligtas sila ng Dios sa kapahamakan. Gayunman, dito natatapos ang paghahambing. Kung saan ang Dios ay ipinagkaloob sa Israel ang lahat ng mga biyaya nang paulit-ulit, ang kanilang kasamaan ang nagdala sa kanila ng kapahamakan. Sila ay nakatutok sa mga bagay na iniisip nila na alam nila.

Iniisip nila na alam nila ang mangyayari nang lisanin nila ang Ehipto, nguni’t hindi nila balak na kumain ng manna araw-araw, at hindi rin inisip na mawawalan sila ng tubig na maiinom. Ang natagpuan nila sa kanilang kalayaan ay hindi tulad ng inaasahan nila, kaya tulad ng isang batang bugnutin, ang anak na ito, ang bansa, ay naghimagsik at inisip na ang Ehipto ay higit na mainam kaysa balak ng Dios.

Kung saan ang dalawang Anak ay aalisin sa Ehipto, tanging si Cristo ang sumunod sa Ama ( Hebreo 5:8 ). Ang paglalakbay ng bansa sa ilang ng 40 taon ay makikita bilang anino ng 40 araw ni Jesus sa ilang. Ang mga tukso ay naroon sa dalawang pangyayari. Gayunman, nang ang Israel ay nagkamali, si Jesus ay nagtagumpay! Hindi Siya dumaing at hindi sumuko sa mga tukso; Siya ang katuparan kung ano ang dapat sa isang bansa. Ang bansang Israel, ang Anak ng Dios, ay isa lamang larawan, isang anino ng Anak sa hinaharap, at si Cristo ang kaganapan ng lahat ng maaari sa isang bansa. Ang bansa ay binigyan ng mga tanda kung ano ang magiging Mesiyas. Alam nila na sila’y naghihintay sa Kanya, at alam nila kung ano ang hahanapin; gayunman, ang mga naturingang magtuturo sa bansa patungo sa Mesiyas ay sila ang hindi nakakita. Nabulag sila sa mga tanda, sinasabi na ang Kanyang mga himala ay nagbuhat kay Satanas. Sa Gawa 2:22, sinabi ni Pedro sa mga tao, “na si Jesus ay sinugo ng Dios sa inyo, at pinatotohanan ito ng Dios sa pamamagitan ng mga himala at kamangha-mangmang ginawa Niya sa pamamagitan ni Jesus.” Sinabi ni Pedro na alam nila ito. Nakita nila ang mga ginawa ni Jesus na kahanga- hanga, subalit Siya ay ipinako pa rin nila.

Ang inaakala nilang alam nila ay naging hadlang sa kanila. Inisip nila na ang Dios ay magpapadala ng Tagapagligtas sa daigdig upang magtatag ng Kaharian sa lupa, bubuwagin ang Roma at pamumunuan ng bansa. Iniisip nila na sila ang namumuno at ang bagong hari ang mamamahala sa daigdig.

Sa unang pagpapahayag ni Jesus, sinabi Niya sa mga tao, na hindi Siya pumarito upang ipawalang -saysay ang Kautusan, kundi upang tuparin iyon ( Mateo 5:17 ). Habang ang mga eskriba at Pariseo ay inalis ang batas ng tunay na kapangyarihan ng pagbabago at iniligaw ang mga anak ng Dios sa pangunahing alituntunin, si Jesus ay dumating upang ang bayan ay iwasto katulad nang dati. Ang totoo, walang makatutupad ng batas nang walang kapintasan, kundi ang Mesiyas lamang, nguni’t ang bayan ay napakalayo sa landas na ang mga pinuno ay abala sa paghahanap ng mga butas at limitasyon ng batas.

Si Jesus, bilang katuparan ng bansa, ay nangusap sa mga tao tungkol sa katotohanan ng mga balak ng batas… hindi kabigatan, kundi awa, hindi poot, kundi pag-ibig, hindi kapalaluan, kundi kababaang-loob, hindi ang pagnanais na makita ang kapahamakan ng iba, kundi ang hangarin ng kapayapaan. Ang Anak na ito ng Dios ay bibigyan ng katuparan kung saan ang Israel ay hindi ginawa; ipagkakaloob Niya ang walang kapintasang batas ng Dios sa daigdig at ipagkakaloob ng may pag-ibig.

Kay Cristo, nakita natin ang katuparan ng mga handog na ginawa sa matataas na lugar; kay Cristo, nakita natin ang totoong Tagapagligtas, kay Cristo, nakita natin ang kabuuan ng pag-ibig ng Dios sa Kanyang mga anak… lahat ng Kanyang mga anak, tulad ni Abraham, ay ipinagkaloob Niya ang Kanyang Anak,nguni’t ang Anak na ito ay tutubusin ang kasalanan ng Kanyang bayan, ang Kanyang isa pang anak.

Bilang isang guro ng English, tinalakay ko sa aking mga mag-aaral ang tungkol sa pagbibigay ng mungkahi o pagpapahiwatig.Ito ay gamit ng isang manunulat na nagpapahiwatig kung ano ang magaganap sa isang kuwento. Kung minsan, nakikita natin ito sa katapusan ng kuwento - pagkaunawa pagkatapos ng kuwento.

Ang Dios ay ipinahihiwatig na si Cristo mula pa sa simula ng kasaysayan. Siya ay naroon nang si Adan at Eba ay pinaalis sa Hardin ng Eden. Siya ay naroon nang sabihin ni Moses na isang propeta na higit sa kanya ay darating. Siya ay naroon sa Mga Awit ng darating na Mesiyas. Ang kababaang-loob ni Cristo ay ipinahayag sa aklat ni Isaias. Tinupad Niyaang mahigit na 300 mga hula, at tulad ng sinabi ni Juan, nakita natin ang kadakilaan Niya bilang kaisa -isahang Anak ng Dios ( Juan 1:14 ).

Sa aking pagsusulat tungkol sa mga kauri ni Cristo at kung paano ipinahiwatig ang pagdating ng Mesiyas, ako ay bumabalik sa kahulugan ng pananalig na ibinigay sa Hebreo 11: “Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita.” Si Cristo ang katiyakan. Siya ang nagbibigay ng katiyakan sa ating pag-asa. Inaakala ko, sa magkatulad na paraan, ang ating pag-asa ay isa ring anino.

Ang ating pananalig ay nagbibigay ng pahiwatig ng mga pagpapala ng kaharian habang tayo’y nasa daigdig: kagalakan, awa, pag-ibig, kapayapaan na lagpas sa pang-unawa. At bagaman, ang ating bahagi sa kaharian sa daigdig, ay isa lamang anino ng kaluwalhatian na ipapahayag kung makikita natin nang harapan ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit. At sa gayon, tayo man, ay mga anino ng walang kapintasang mga sarili . At tulad ng mga anino ng Lumang Tipan ay nagkaroon ng katiyakan kay Cristo, kaya ang mga pangkasalukuyang anino ay mabibigyan ng katotohanan sa Kanyang muling pagbabalik upang kunin ang Kanyang mga hinirang.

Ito ang aking alam. Ito ay tiyak. Kaya ako ay sumusunod. Ang tunay na pagsunod ay hindi kapritso o isang “pampamanhid.” Ito ay tumpak na pagpapasya na kilalanin ang mga katibayan na ipinahiwatig at napa totohanan. Mayroon bang kasamang damdamin? Tunay, nguni’t ang ating pananalig ay hindi nakabatay sa damdamin. Ito ay nakatalaga sa tiyak na katibayan na ipinagkaloob ng Dios upang ipahayag ang Kanyang kaluwalhatian at ipakita ang Kanyang hindi nakikitang mga katangian (Roma 1:19-20 ). Walang dahilan upang tayo ay mag-alinlangan. Kailangan lang nating ibukas ang ating mga mata.


Previous
Previous

Awit 110 : Jesus, Hari at Pari

Next
Next

Mga Hula na Tumutukoy kay Jesus