Sino Ka na Nag-aalinlangan sa Aking Karunungan ?

By : Lori Asher, Wichita, KS

Maraming taon na ang nakalipas, ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang malalim at mahirap na lambak dito sa daigdig. Isa Ito, o kung hindi man, ang pinaka madilim na pagsubok sa aking buhay. Sa kabutihang- palad, ako ay nagkaroon ng mga kasama sa buhay na nagkaloob ng maka-Diyos na payo at karunungan. Hindi ko makakalimutan ang kanilang payo sa panahong iyon na buksan ang aking Biblia at basahin ang aklat ni Job. Walang ibang ipinag-utos. Basahin lamang ang kuwento ng pagdurusa ng matuwid na taong ito. Hindi ko sinasabi na ihambing ang aking pagsubok sa nangyari kay Job, o ang aking matuwid na kalagayan sa kanya. Nguni’t ito ay napakalubhang pagsubok, at ako’y naghahanap ng kahit anong kaaliwan sa aking kawalang-pag-asa.

Nais kong ulitin,ako’y naghahanap ng kaaliwan ! Natapos kong basahin ang aklat ni Job at nais kong maging tapat, halos ihagis ko ang Biblia sa aking silid. Nasaan ang kaaliwan sa kuwentong ito? Nasaan ang mga tugon na mabagsik na hinahanap sa ganitong madilim na sandali? Ginugol ko ang mga oras sa pagbabasa na humantong sa pagtatanong at magpahayag, na hindi kakaiba kay Job. Sumapit ako sa wakas ng kuwento ni Job upang paalalahanan lamang na hindi rin niya nakuha ang sagot sa kanyang mga katanungan. Ang nakuha niya ay tanong din mula sa Diyos - “Sino ka na nag-aalinlangan sa Aking karunungan?”

Ito ay napaka-payak na katanungan. Bakit ito ang simula ng tugon ng Diyos kay Job? Sa mga naunang kabanata, si Job ay nakipagtalo sa Diyos sa mga tanong na paano at bakit ang mga matuwid na tao ay nagdurusa. Ang tugon ng Diyos ay hindi upang magpaliwanag, kundi upang tanungin si Job. Ang lahat ng mga katanungan ng Diyos ay magbibigay kay Job ng kailangang pagka-unawa upang sagutin ang unang katanungan ng Diyos.

Ang Diyos ay pinaratangan si Job na nag-aalinlangan sa karunungan ng Diyos, at ang kanyang sinasabi ay nagpapatunay na wala siyang nalalaman. Inaakala natin mula sa mga naunang kabanata ng aklat ni Job na siya ay hindi mangmang na tao. Sa simula ng kabanata ay sinasabi na siya ay “matuwid at may malinis na pamumuhay, may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.” Inilarawan ni Job ang kanyang sarili sa kabanata 29:21, “Kapag nagpapayo ako, tumatahimik ang mga tao at nakikinig nang mabuti.” Sa gayon, bakit ang kanyang mga salita ay kamangmangan sa pangyayaring ito? Sa huling bahagi ng aklat, si Job ay sinagot ang tanong na ito para sa atin. Sa huling kabanata,sinabi ni Job, “Totoo pong nagsalita ako ng mga bagay na hindi ko naiintidihan at mga bagay na hindi ko lubos na maunawaan.” Si Job ay matalino sa paningin ng mga tao, nguni’t ang kanyang karunungan at kamangmangan sa pananaw ng Diyos.

Ang 68 na katanungan ng Diyos kay Job sa mga huling kabanata ng aklat ay nagbibigay kay Job ng bagong tingin sa kanyang paghihirap at buhay. Napakadali sa ating mga tao, lalo na sa gitna ng pagsubok, na damahin na tayo ang nasa gitna, hindi lamang ng ating daigdig, kundi ng buong daigdig. Ang Diyos ay hindi binigyan si Job ng puwang sa kamalian ng kanyang -iisip. Sa maganda at nakakatakot na pananalita, ay binuksan ng Diyos ang tabing upang makita ni Job ang magulo at mahiwagang mga gawa sa daigdig na hindi inaakala. Ang kaka ibang daigdig ay kapansın- pansin na puno ng mga bagay na maringal at mapanganib na hindi mapipigilan ng sinuman kundi ang Diyos lamang.

Sa malaking bahagi ng Kanyang pagsasalita, ang Diyos ay iniutos kay Job na tumugon, at ang tugon ay nagbigay sa atin ng malaking pagkaunawa sa bunga ng mga katanungan ng Diyos sa kanya. Ang tugon niya sa kabanata 40:4-5, “Hindi po ako karapat-dapat na sumagot sa Inyo.

Tatahimik na lang po ako. Marami na akong nasabi, kaya hindi na ako magsasalita.” Kaagad-agad na naunawaan niya ang kanyang kalagayan sa daigdig. Nguni’t ang pinakamahalaga, ay naunawaan niya ang kalagayan ng Diyos sa mundong ito, bilang ang mabuti at mapagmahal na Maylikha at nangangalaga ng lahat ng may buhay.

Samantalang lagi kong nauunawaan ang bunga ng damdamin ng kawalang-halaga at hindi lubos na maka unawa sa mga katanungan, ako bilang makabagong nagbabasa, ay nais kong pamalagiin ang panganga- ilangan na ipaliwanag kung bakit ang kuwentong ito ay nangyari sa paraang ito. Ang ating makabagong buhay ay nakatuon sa bunga na malaman ang bawat dahilan sa lahat ng bagay. Akala natin ay matatanggap na mainam ang ating mga pagsubok at pagdurusa kung alam lang natin ang dahilan sa likod nito. Maaaring ito ay totoo, o hindi, nguni’t hindi ito ang aral na sinadya sa aklat ni Job.

Marahil, ang pinakamamangha, at may katapangan na masasabi ko, na pinaka malaking kabiguan para sa akin sa aklat na ito ng Biblia, ay kawalan ng linaw na ibinigay ng Diyos sa wakas ng aklat. Nguni’t nakawiwili, na isang bagay na malinaw sa nawaglit sa pagbabasa ng aklat na ito sa mga nagdaang panahon, si Job ay tila hindi naging bahagi ng aking kawalang-pag-asa. Sa kabila ng kanyang tuwirang pagtatanong at hinanakit sa Diyos ang tinig ni Job ay nag bago matapos na siya’y tanungin ng Diyos. Siya ay hindi lamang tumahimik, kundi naaliw sa pagka-unawa na siya’y nagkaroon ng panibagong pananaw. Sa isang lathalain na isinulat ni GK Chesterton, tungkol kay Job, isinulat niya ang napakagandang salita: “Ang palaisipan ng Diyos ay higit na nakasisiya kaysa sa paraan ng paglutas ng mga tao.”

Maraming taon na ang nakalipas mula nang ako ay tumahak sa madilim na lambak na aking pinagdaanan, at sa aking pagninilay-nilay ay nakilala ko ang pangangalaga at kaaliwan ng presensya ng Diyos ay nasa akin, kahit hindi ko namamalayan iyon. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa mga maka-Diyos na tagapayo na nagturo sa akin ng karunungan ng Diyos sa panahon ng pagdurusa at kawalang-katiyakan. Bagaman hindi ako lubos na handa na isa- loob ang buong mensahe at kaaliwan ng aklat sa panahong iyon,ito ay nanatiling isa sa mga kahanga-hangang aral ng buhay na patuloy na inihahayag nang dahan-dahan na may kalinawagan sa pagdaan ng panahon. Sa paglipas ng mga taon ay higit kong naunawaan “na ilagay ang aking kamay sa aking bibig.” Sa buong pagbubunyag, wala pa ako doon, nguni’t kung ipahihintulot ng Diyos, ako ay umaasa na sa isang araw ay mangyayari.


Previous
Previous

O Panginoong Diyos, Paano Ko Po Malalaman na Magiging Akin Ito?

Next
Next

Bakit Ako ang Pinili Mong Pahirapan ?