“Sapat na sa Iyo ang Aking Biyaya”

By : Lori Biesecker

Ako ay si Pablo at ang aking buhay ay puno ng kabaluktutan at mga pag-ikot. Nakakawalang- gana ba? Hindi. Makapanindig- balahibo? Tiyak, sa ibang panahon. Nguni’t palagi ,baluktot at umiikot. Pagkatapos ng isang malaki, ang simula ng pagkabulag- sa liwanag- at- nakita- ang lahat-magpakailanman- sa isang- naiiba- isang paraan (Gawa 9), ako ay nakatuon ang buong pansin sa pagbabahagi ng mabuting balita ni Cristo sa maraming tao sa abot ng aking makakaya. Maraming tao ang ayaw noon, na nag dulot ng maraming mga pag-ikot pagkatapos ng araw na iyon, bagaman,sa pamamagitan ng mga pangyayari at mga lugar na nakikita ko ang aking sarili na nagbabago, patuloy kong ipinahahayag na si Jesus ang Anak ng Dios, ang ipinangakong Tagapagligtas, at ang kaligtasan ay sa Kanya lamang matatagpuan sa pamamagitan ng tapat na pananalig sa Kanya. Ang Dios ay ipinagkaloob sa akin ang Kanyang Espiritu upang matulungan ang mga naghahanap ng katotohanan tungkol kay Jesus. Ang aking gawain ay magsalita at isulat ang mga salita mula sa Banal na Espiritu upang ipahayag ang mensahe ng Dios sa ibang tao, magbigay ng mga tanda upang patunayan ang mga salita, at ipagkaloob ang mga biyaya sa mga mananampalataya.

Bagaman ang aking unang pakikipagtagpo kay Jesus ay hindi pa sapat, 14 na taon na ang nakalipas, ako ay nakaranas ng isang hindi kapanı-paniwalang pangyayari. Hanggang sa araw na ito, hindi ako nakatitiyak kung ito’y nangyari nang totoo o sa panaginip — tila ito ay nangyari sa ibang tao. Ang taong iyon, na walang iba kundi ako— hindi ko tiyak na alam— ay dinala sa langit, nakarating sa paraiso, at habang ako’y naroon ay nakarinig ako ng mga kamangha- mangmang bagay na hindi kayang ipaliwanag at hindi dapat sabihin kahit kanino. Maipagyayabang ko ang taong iyon, ang taong mayroong mga pahayag, at tumpak lamang na gawin ko. Bagaman kundi ko ginawa, sapagkat baka magbigay sa mga tao ng kaisipan na ako’y nakahihigit na hindi naman, sa aking katauhan o sa aking mga isinusulat. Ang tanging bagay na maipagmamalaki ko sa aking pang-araw-araw na buhay ay ang aking kahinaan, at ito ay sapat na ( 2 Corinto 12:1-6 ).

Upang hindi ako maging mayabang dahil sa kamang-manghang karanasan at mga bagay na ipinakita sa akin ng Dios, binigyan Niya ako ng isang kapansanan sa aking katawan. Hinayaan ng Dios na pahirapan ako ni Satanas sa aking kapansanan para hindi ako maging mayabang. Tatlong beses akong nakiusap sa Panginoon na alışin ito sa akin (2 Cor. 12:7-8). “Ama ko,” ang sabi ko, “Alisin Mo po ang kapansanang ito. Ito ay nakasasagabal at nakasasakit sa akin, at ako ay higit na magiging maligaya at makagagawa ng marami para sa Iyo kung wala ito sa akin. Hindi ako laging humihingi ng mga bagay para sa sarili ko, nguni’t ako’y nakikiusap na alisin Mo ito.”

Ako ay nakatitiyak na ipagkakaloob ng Dios ang aking pakiusap, Siya na İsa na makagagawa nang higit sa ating hinihiling o inaasahan ( Efeso 3:20 ), at ako’y nagsimulang gumawa ng mga balak para sa mga gagawing pagtuturo kung ang aking karamdaman ay mawawala na, nguni’t hindi nangyari ang iniisip ko.

Sa halip, ay sinabi Niya, “Sapat na sa iyo ang Aking biyaya, dahil ang kapangyarihan Ko’y makikita sa iyong kahinaan” ( 2 Cor 12:9 ). Kailangan kong magbago sa aking pag-iisip.

Alam ninyo, ang liwanag ay patuloy ninyong makikita Kung ikaw ay nagtitiwala sa Dios at lumalakad na kasama Siya. At ito ang aking natutunan: ako ay nakakita at nakarinig ng mga kamangha-manghang pahayag, ang uri na makapagtataas sa akin sa paningin ng iba at sa aking sarili, isang bagay na gagamitin ni Satanas upang magagawa ng malaking pinsala. Ang Dios ay nauunawaan ako nang higit sa pagkaunawa ko sa aking sarili. Nauunawaan din Niya ang lahat, at nauunawaan Niya si Satanas at ang kapangyarihan nito. Sa Kanyang napakalalim na karunungan at kaalaman ( Roma 11:33-36 ), inakala ni Satanas na makakaya niyang hadlangan ang Dios sa kanyang balak na pagpatay kay Jesus. Ang Dios ay kayang balıkların ang mga bagay at gagamitin ang kahinaan bilang kalakasan upang makamit ang tagumpay - ang Kanyang sariling tagumpay - upang makita ng mga tao na hindi ang lakas ng tao ang gumagawa kundi ang lakas ng Dios.

Ang Dios ay ginagamit ang aking buhay at mga suliranin upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan, na inaakala kong dahilan upang magalak at ipagmalaki kung paano Niya ginagawa ang mga bagay, ang paraan na kung saan ang nasa ibaba ay itataas at ang kahinaan ay kalakasan. At ang lahat ng mahihirap na bagay - mga kahinaan, mga panlalait. mga kahirapan, mga pag-uusig, mga kalamidad - ako ay magiging palagay ang loob sapagkat ang mga iyon ang magbibigay ng lakas, sa akin, lakas na galing sa Kanya at lakas sa Kanya.

Ako ay nagpapatuloy, nabubuhay sa “Hindi” ng Ama, nagtitiwala na ang maraming mga kaluluwa ay iniingatan sa mga pinsala na mula sa aking buo at malusog na katawan, at ako’y naniniwala na ang tugon ay puno ng pagmamahal, awa at kabutihan. Ang aking kapansanan ay patuloy na nagbibigay ng sakit sa akin, at nagbibigay pa rin ng pahirap sa akin. Marahil Ito ay panghabang-buhay ko na, o maaari pang lumala. Gayunman, hindi ko bibigyan ng pag- aalala ang aking sarili sa mga baka o sakalı. Ito ay paglakad sa pananampalataya at hindi sa nakikita.

Ako ay magpapatuloy sa aking mga kakulangan, nagtitiwala na magagawa Ko ang nais ng Dios na gawin ko. Hindi ko kailangan na mangamba sa paghahambing sa ibang tao o ihambing ang aking kalakasan noong aking kabataan. Hindi ito tungkol sa akin o sa aking kalakasan. Kung ako ay minamasdan ng mga tao, ay hindi nila nakikita ang isang may labis na lakas na tao na gumagawa ng mga tanda at kamangha-manghang gawain. Nakikita nila ang isang mahina at hindi kilalang tao na gumagawa ng mga tanda at kamangha- manghang mga bagay na may kapangyarihan ni Cristo na sumasakanya. Nakikita nila ang isang pangkaraniwang tao na ipinagmamalaki ang ginawa ng Panginoon ( 2 Cor 10: 13 ).

Ako ay patuloy na mabubuhay sa iba’t-ibang antas ng buhay. Nakatutuwa kung paano ang lahat ay nangyayari, at nakikita ko na ang lahat ay nangyayari, kahit na sa mga bagay na inaakala nating hadlang. Lahat ng bagay - ang madali at mahirap, ang patas at hindi patas, ang nakalulugod sa puso at nakapagbibigay ng sakit sa puso, ang pang karaniwan at maka panindig-balahibo- ang lahat ng ito - gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng umiibig sa Kanya na Kanyang tinawag ayon sa Kanyang layunin ( Roma 8:28 ). Hindi mahalaga kung ako’y nakikipag-usap sa mga pinuno o ako’y nakapiit sa kulungan ( Gawa16 ) - ang Dios ay ginagamit ako kung nasaan ako at kung ano ako, at kahit ako naroon sa mga masasamang lugar, tila malimit na mangyari ang mabubuting bagay doon. Kahit na ang buhay ay hindi maipahayag, ang İSA na nagsabi sa akin ng mga hindi maipahayag na bagay ay ipinapakita na tayo ay mga nagtagumpay, higit sa karaniwang nagtagumpay sa pamamagitan Niya na nagmahal sa atin ( Roma 8:35-38 ).Tunay, ang Kanyang biyaya ay sapat na.


Previous
Previous

Sino ang Karapat-dapat ?

Next
Next

“Isipin Ninyo Ang Mga Nangyayari Sa Inyo”