Sino ang Karapat-dapat ?

By: Stacy Rogers

Kung iniisip ko ang kalagayan ng daigdig, madali na mag - alala at mamangha sa mga kasamaan at paghihirap na nangyayari sa aking kapaligiran. Kung pababayaan ko ang aking sarili na ituon ang pansin sa mga bagay na ito, nagsisimula akong mag-isip, “Ang Dios ba ay tunay na kumikilos sa daigdig? Sapagkat tila hindi nangyayari !” Madali na malunod sa pag-aalala sa galit, pagkamuhi, pagseselos, at pagiging makasarili na aking nararanasan araw-araw, at ang higit na paghihirap dahil sa maraming digmaan na patuloy na nagaganap sa buong mundo. Kung pababayaan ko ang aking sarili na manatili rito, nagsisimula akong mag-isip kung ako ba ay magkakaroon ng bahagi sa pagkakaiba sa ganitong nakakatakot na mga pangyayari

Ang Aklat ng Pahayag ay sinasabi ang tiyak na takot. Makikita natin sa Pahayag 5:4, na si Juan ay mayroong magkatulad na pakiramdam. Nakikita natin ang sulyap sa pangitain na ipinagkaloob ng Dios kay Juan. Nakikita natin ang Dios na nakaupo sa trono, at sa Kanyang kamay, ay hawak ang naka-rolyong kasulatan na may nakasulat sa magkabilang panig nito atmay pitong selyo para hindi mabuksan. Ang pinagkasunduan ng mga dalubhasa ay tila ang naka-rolyong kasulatan ay naglalaman ng layunin ng Dios para sa kasaysayan - ang Kanyang layunin na ilagay sa wasto ang mga bagay sa daigdig.

Maaaring ito ay makakasiya kay Juan sapagkat nasaksihan niya ang maraming mga paghihirap. Ang pagkakapako sa krus ng kanyang Tagapagligtas, ang pagkawasak ng Jerusalem, ang kamatayan ng kapwa Kristiyano, at maging ang pagkakatapon niya sa isla ng Patmos. Sa pagmamasid sa mga pangyayari, si Pablo ay nakaramdam ng kalungkutan. Napag- isip niya na walang sinuman sa paligid ang karapat-dapat na buksan ang kasulatan upang gawin ang layunin ng Dios na iwasto ang mga nilalang. Habang siya’y tumatanggis, isang matanda ang dumating at sinabi sa kanya, “Huwag kang umiyak, dahil si Jesus na tinaguriang Leon mula sa lahi ni Juda, ang anak ni David ay nagtagumpay at karapat-dapat Siyang magtanggal ng pitong selyo upang mabuksan ang kasulatan.”

At sa paghahanap ni Juan sa Leon ng Juda, ano ang kanyang nakita? Isang tupa. At hindi lang isang tupa, nguni’t isang patay na tupa na nababalutan ng sariling dugo. Ang pagsasalarawan ay marahas at ipinapakita ang karaniwang paniniwala ng mga Judio kung sino ang magiging Mesiyas at ang nakagugulat na pahayag kung sino talaga Siya. Ang Leon ay sagisag ng lakas at kapangyarihan; siya ay may matutulis na mga ngipin at mabangis na mga kuko, na ipinapakita ang kanyang kalooban sa pamamagitan ng lakas. Ang tupa, sa kabilang banda, ay inilalarawan na mahina at walang kakayahang magtanggol. Kung tayo ay mamimili kung aling nilalang ang may lakas at kapangyarihan na ayusin ang daigdig, ang katuwiran ay magsasabi na ang leon ang higit na pipiliin. Gayunman, hindi ito ang nakita ni Juan. Ang Tupa ang karapat-dapat. Ang Tupa ang nagbukas ng Kasulatan. Ang Tupa ang nagsagawa ng layunin ng Dios na tubusin ang Kanyang mga nilalang. Ang pangitain ng mga Judio tungkol sa Mesiyas tulad ng inaasahan nila ay hindi nangyari nang Siya ay dumating sa daigdig na isang mahirap na manggagawa na naninirahan sa isang maliit na bayan sa Galilea .

Ang nakamamanghang bahagi ng kabanata ay ang Mesiyas ay hindi isa sa dalawang nilalang, kundi Siya ay magkatulad. Ito ang katuparan kung paano ang kapangyarihan ng Dios ay nagiging ganap sa kahinaan (2 Corinto 12:9). Si Jesus ang nagtagumpay na Leon na namamahala sa buong daigdig sapagkat Siya ang inihandog na Tupa na tumubos sa mga nilalang ng Dios para sa Kanya. Ito ang dahilan kung bakit si Jesus ang ating Mesiyas ang karapat-dapat na magbukas ng kasulatan at tumanggap ng lahat ng karangalan at kaluwalhatian sa kalangitan.

Sa pagpapatuloy ng kabanata, nakita natin ang apat na buhay na nilalang at ang 24 na matatanda na lumuluhod at nagpupuri sa Tupa. Ang bawat isa sa kanila ay may alpa at gintong sisidlan na puno ng insenso, na katunayan ay ang ating mga panalangin. Tayo ay inanyayahan sa kuwento. Ang ating mga panalangin at pagsamba ay matamis na halimuyak sa kalangitan, mga handog sa ating Mesiyas, ang ating Tagapagligtas. At sa talata 9, isang bagong awitin ang inawit. Isang awit na inilalarawan kung paano ang sakripisyo ni Jesus ay hindi lamang para sa bawat isa sa atin, mula sa mga angkan at wika at lahi ng mga bansa, kundi inilipat sa kaharian ng mga pari para sa ating Dios, at tayo ay binigyan ng paghahari sa daigdig!

Ngayon bilang mga manggagawa sa kaharian, pinili natin ang landas na makilahok sa layunin ng Dios para sa kaligtasan. Maraming paraan na ang mga Kristiyano noon ay kumilos, nguni’t malinaw na ang paraan na makamit ang layunin ay mahalaga rin sa pagkakaroon ng tumpak na layunin. Ang tila pinakamadaling paraan na ipahayag ang kalooban ng Dios ay maaaring makapinsala sa ating pagiging saksi bilang mga tao ng Dios. Kung dadalhin natin ang kuro-kurong ito sa mga susunod na hakbang, mayroong mga panahon na ang ating katapatan sa Dios ay hindi magtatagumpay, tulad din na ang kamatayan ni Jesus sa krus ay unang inilarawan na isang pagkagapi.

Pinili ng Dios na tubusin ang mga nilalang sa pamamagitan ng pinakamataas na gawa ng pagmamahal na hindi inalintana ang sarili. Si Jesus lamang ang karapat-dapat na magbukas ng kasulatan sapagkat buong katapatan Niya itong ginawa. Para sa atin, ang gawain ay humawak sa Kanyang kapangyarihan at kapamahalaan at dalhin ang Kanyang pag-ibig sa isang nagdurusang daigdig. Ang pagdadala ng pag-ibig ni Jesus sa mga pagsubok sa ating daigdig, maging malaki o maliit, ay ang tanging paraan upang ipagkaloob ang paghihilom sa mga nilalang na hinahangad nang labis.

Kung tayo ay nagsisimula na isipin ang mga pag-aalala at takot na ang kasamaan ay nagwawagi, mahalagang isipin ang İSA na naging karapat-dapat. Alalahanin Ang Tupa na nagtagumpay laban kay Satanas, ang Tupa na nagbukas ng kasulatan, at ang Tupa na namamahala sa lahat ng nilalang.


Previous
Previous

“Huwag Kayong Matakot,kundi Palakasin Ninyo ang Inyong mga Kamay”

Next
Next

“Sapat na sa Iyo ang Aking Biyaya”