“Huwag Kayong Matakot,kundi Palakasin Ninyo ang Inyong mga Kamay”

Ikaw ba ay nagkaroon na ng di-karaniwang panaginip? Isang panaginip napuno ng mga larawan na nakakagulat o nakakabahala? Ang aklat ni Zacarias ay maraming pangitain sa gabi na puno ng mga larawan na di- karaniwan at katulad ng mga larawan ng paghuhukom sa aklat ni Ezekiel at Pahayag. Sa Ezra 5:12, sinasabi na sina Zacarias at Hageo ay mga propeta na tumulong upang sabihan ang mga tao na tapusin ang gawain sa templo. Ang kanilang mga pangitain ay may mahalagang mga mensahe na ibinabahagi ang kasalukuyang kalagayan ng mga tao o ang pangako sa hinaharap.

Si Zacarias ay bahagi ng pamilya ng mga pari ayon sa Ezra 5:1 at Nehemiah 12:16. Maaaring ang pagtatapos ng gawain sa templo ay higit na mahalaga kay Zacarias, at mayroon siyang sanligan tungkol sa pagbuo ng templo sa tiyak na paraan. Ang aklat ni Zacarias ang pinakamahaba sa mga aklat ng mga maliliit na propeta at may kakaibang pagsasa-ayos sa mga pangitain na kanyang naranasan sa simula ng aklat at lubhang tiyak na hula sa darating na Tagapagligtas sa huling bahagi ng aklat.

Ang aklat ay nagsimula sa babala ng propeta sa mga tao na talikuran ang kanilang masasamang ugali at alalahanin ang nangyari sa kanilang mga ninuno. Ang mga tao ay nagsisikap, at tila ito ay magandang tanda, nguni’t sa ibang bahagi ng aklat, ito ay mag-iiwan sa atin ng kaisipan kung ito nga ay tunay na pagbabago ng puso ng mga tao. Ang unang kabanata ay may pangitain ng apat na nakasakay sa kabayo na lumilibot sa buong mundo at isang pangitain ng apat na sungay at apat na panday. Ang unang pangitain ay sumasagisag sa bantay ng Panginoon sa daigdig, at ang ikalawa ay sumasagisag sa mga bansa na kumalaban sa Judah at Israel at sa mga Persiano na nagpangalat sa mga bansang ito.

Sa ika-2 kabanata, si Zacarias ay nakita ang isang lalaking may dalang panukat na sumasagisag sa bagong Jerusalem. Sa ika-3 at ika-4 na kabanata, may pangitain tungkol kay Joshua, ang punong pari at kay Zerubabel, na nagbuhat sa lahi ni David. Ang dalawang lalaking ito ay namuno sa mga binihag at ipinahayag ang darating na Tagapagligtas Sa Ika-5 kabanata, ay mayroong pangitain ng lumilipad na naka-rolyong kasulatan na lumilibot at inaalis ang lahat ng susuway sa batas na sinasagisag ang bagong Jerusalem na dadalisayin ng kasulatan. Ang pangalawang pangitain ay isang babae na nasa loob ng isang kaing (Ang Kasamaan) na dinala sa bayan ng Shinar na nagpapakita ng pagkabihag ng Judah dahil sa kanilang pagsalangsang sa Dios.

At sa ika-6 na kabanata, ay may dalawang huling mga pangitain. Ang una ay ang apat na karwahe, na muli ay sumasagisag sa mga bantay ng Dios sa daigdig. Ang pangalawa ay tungkol kay Joshua, ang punong pari, na binibigyan ng korona, maliwanag na sumasagisag sa darating na Tagapagligtas na magiging Pari at Hari.

Sa ika-7 at ika-8 kabanata, ang mga tao ay nagtanong kay Zacarias kung sila ba ay patuloy na magluluksa at mag-aayuno na ginagawa nila ng maraming taon, nguni’t ibinalik ni Zacarias sa kanila ang tanong at tinanong sila kung sila ba ay handa na maging tapat sa Dios sila ba ay handa na gawin ang mga bagay na ito PARA sa Dios at hindi para sa kanilang sarili? Muli niyang sinabi na sumunod sila at tapusin ang gawain at sila ay pagpapalain.

Ang aklat ay nagbigay ng liwanag sa ika-9 hanggang ika-14 na kabanata. Ang mga salita ay parang naging tula at kasama ang larawan ng Tagapagligtas. Ang bagong hari ay inilalarawan na may kababaang -loob at nakasakay sa bisirong asno, at sa ika-11 kabanata, Siya ay inilarawan na isang Pastol na itinakwil ng mga pinuno at mga tao. Sa ika-12 kabanata hanggang ika-14, sinabi ng Dios na ipagkakaloob Niya ang Kanyang espiritu sa mga mamamayan ng Kanyang kaharian (12:10), ang pagsamba sa mga dios-diosan ay titigil, at ang pagdating ng Panginoon ay inilarawan. Ang totoo, ang bagong Jerusalem ay inilalarawan na bagong Eden, na may dadaloy na sariwang tubig mula sa Jerusalem at ang lahat ng mga bansa ay papunta sa bagong kaharian.

Ang mensahe ni Zacarias ay isang babala at pag-asa - tulad ng sa mga ibang propeta. Patuloy niyang sinasabihan ang mga tao na magsisi at gawin ang gawain - ang magkatulad na gawain ng pisikal na pagbubuo ng templo, nguni’t ang higit na mahalaga, ang espirituwal na gawain na ang kanilang buhay ay mabuo sang-ayon sa salıgan ng Dios. Pinaalalahanan niya ang mga tao sa mga bunga ng kasalanan - mula sa mga halimbawa ng nakaraan, sa kanilang panahon at sa hinaharap. Gayunman, ito ay mensahe ng pag-asa at kung paano ang Dios ay tinutupad ang Kanyang mga pangako, kahit na tayo ay hindi naging tapat. Ang tanong ni Zacarias sa mga tao noong kanyang panahon ay tulad din sa atin ngayon - tayo ba ay kusang-loob na maging tapat sa Dios at may puso na handang maglingkod sa Kanyang kaharian, o pinaglilingkuran lamang ang ating sarili? Tayo ba ay naaaliw sa kaalaman na ang Panginoon ay babalık, o tayo ba ay magdaranas ng mga salot sapagkat ayaw nating magpasakop sa Kanyang paghahari?


Previous
Previous

Gaano Po Katagal Bago Ninyo Hatulan ?

Next
Next

Sino ang Karapat-dapat ?