Mga Artikulo sa Tagalog
Ano ba ang kahulugan ng ganap na Kristiano?
Bilang Kristiano, ang aking pagiging ganap ay may pansariling pakikipag isa upang magampanan ang layunin ng Panginoon. Ang Banal na Aklat ay maraming kasaysayan na naghahayag ng mga maliliit na gawain ng isang nilalang na may magagawa sa plano ng Diyos; tayo ay iba’t ibang bahagi ng isang katawan na si Kristo ang ulo ( 1 Corinto 12: 12-31, Efeso 4: 11-16 ), at tayo ang mga bato sa templo ng Diyos at si Kristo ang panulukang bato ( 1 Corinto 3:10-16, 1 Pedro 2: 4-5 ).
Pagpili sa Pakikipaglaban
Sa aking pagninilay nilay sa aking pagsisikap at maliit na kaparaanan, ay naiparating ko sa ibang mga babae sa buong mundo na nagsisikap na mabuhay para kay Kristo, ang kapayakan kahirapan at pangkalahatan ng ating pagiging mga alagad. Kailanman ay hindi naging mataas ang aking pamantayan bilang Kristiano, nguni’t iyan ang kagandahan ng biyaya ng Diyos. Kung ang antas ng aking pamantayan ay pangkaraniwan kasama ng lahat ng nilalang, tayong lahat ay malulugmok. Ngayon ang aking buhay ay ipinagkaloob ko na sa mahabaging Diyos at tinanggap ko ang hamon na isuot ang kalasag na isinasaad sa Efeso 6: 10-20 na makipaglaban para sa Kanyang hukbo.